Kabanata Twelve

2206 Words
Stacey's POV “Ate Snow!” malakas na sigaw ni Sarah mula sa malayo habang tumatakbo palapit sa akin. “Bakit?” tanong ko sa kanya noong malapit na siya sa akin. Hingal na hingal pa siya kaya binigyan ko muna siya ng tubig. “Why did you run?” tanong ko pa. Uminom muna siya ng tubig bago humiga ng malalim. “Si Ma'am Sasha kasi,” pasisimula niya. “Oh? What happened to her?” I asked. “Kanina po habang papunta ako sa lilinisan kong room, napadaan po ako sa room niya. Nakabukas po kasi yung pinto niya tapos narinig ko siya na may katawag. Ang sabi po niya, pupuntahan ka niya rito tapos maglalagay siya ng pampahilo sa iinumin mo mamaya. Ate, nag-aalala ako baka may mangyari sa'yo mamaya. H'wag ka na lang kayang umattend sa party mamayang gabi? Delikado kasi lalo na at may kasabwat yata si Ma'am Sasha rito,” nag-aalalang saad niya. “Ano? Balak niyang lagyan ng pampahilo ang iinumin kong alak mamaya? She's crazy!” Masyado na bang sobra ang galit niya sa akin para gumawa ng gano'n? Is she so desperate to get rid of me?! “Nababaliw na po talaga siya, Ate Snow. H'wag na po kayong lumabas mamayang gabi,” sambit pa ni Sarah. Nilapitan ko naman siya at pinatong ang kanyang kamay ko sa balikat niya. “I will attend the party, Sarah. Pupunta pa rin ako pero dapat may plano para hindi magtagumpay si Sasha. May gagawin ka ba mamayang gabi?” tanong ko sa kanya. “Wala po, Ate. Bakit po?” Malawak ng ngiting binigay ko sa kanya. “Pwede ka bang sumama sa mga waitress na mag-de-deliver ng drinks mamayang gabi?” tanong ko pa. “Pwede naman po, Ate. Ano pong plano mo? Tutulungan po kita,” mahinang giit ni Sarah. Hinila ko si Sarah para doon kami sa walang tao na mag-usap. I need her help tonight. “I really need your help, Sarah. Tulungan mo ako mamayang gabi, please,” pakiusap ko. “Handa naman po akong tumulong, Ate. Sabihin mo lang po kung ano ang pwede kong gawin,” aniya. “Samahan mo ako mamaya, sundan natin ng patago si Sasha para tignan kung kanino niya ibibigay yung pills na ilalagay sa drinks ko. Kapag nalaman natin kung sino, pwedeng bantayan mo yung taong `yon? If nakita mong nilagay na yung pills sa glass ko, lumapit ka doon at palitan mo ng walang halong pills. Ako na ang bahalang magbantay kay Sasha, i-te-text kita kapag nagpakuha siya ng iinumin niya tapos sa kanya mo ibigay ang drinks na may pills. Ilagay mo lang sa tray ng waitress na mag-se-serve yung baso tapos okay na. Okay lang ba sa'yo `yon, Sarah?” Nahihiya kasi akong magpautos sa kanya ng ganyan pero siya lang talaga ang pwedeng tumulong sa akin. “Iyan lang po ang gagawin ko, Ate Snow?” tanong niya. “Yup. Is it okay with you or not?” She can say no naman, I can't force her. “Ayos lang po sa akin, Ate Snow. Hindi naman po mahirap yung pinapagawa niyo, magmamasid lang naman po ako tapos pagpapalitin yung inumin niyo ni Ma'am Sasha.” Nakahinga ako ng maluwag dahil pumayag na si Sarah. Babawi na lang ako sa kanya, I will repay her soon. “Thank you, Sarah.” Ang bait niyang bata kaya guilty ako sa pinapagawa ko sa kanya. Nginitian ako ni Sarah at sumagot ng, “Naku, hindi mo na po kailan na magpasalamat. Ako nga po ang dapat na magpasalamat sa inyo dahil hindi na ako tinatawag si Ma'am Stacey para utos-utusan.” “Hindi ka na niya pwedeng tawagin kasi sinabihan ko na siya kahapon.” Sinabi ko na kay Sasha iyon noong nagsagutan kami kahapon. “Hindi na po ba natin susundan si Ma'am Sasha? Malapit na pong dumilim baka hindi na natin makita kung kanino niya ibibigay yung pills,” paalala niya sa'kin. Oo nga ano? It's five in the afternoon and mamayang seven ang start ng party. “We have to go. Baka ma-late pa tayo,” ani ko. Mabilis ang mga lakad namin pabalik sa hotel para hanapin si Sasha. Dumaan pa kami sa fire exit para shortcut pero huminto kami nang narinig namin ang boses ni Sasha na may kausap. Walang ibang tao rito sa fire exit maliban sa amin ni Sarah pati si Sasha at ang kausap niya. Malakas ang kutob ko na yung kausap ni Sasha ay doon niya ibibigay yung pills. Sinenyasan ko si Sarah na h'wag gumawa ng ingay habang tahimik kaming nakikinig sa pinag-uusapan nila. Tahimik ko ring kinuha ang phone ko sa sling bag ko at kinuhanan sila ng video. “You have to put this on her drink tonight,” rinig kong utos ni Sasha. Hindi ko makita yung mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito pero alam kong foreigner siya. “She will feel dizzy after drinking it, right? What should we do next?” tanong ng lalaki. “Are you dumb? She's all yours after that.” Napatakip ako ng bibig sa sinabi ni Sasha. Umusbong yung galit ko pero mas pinili kong tumahimik na lang muna. Damn, her! “Cool,” sagot naman ng kasabwat niya. Ngayon ko lang na-realize na parang pamilya ang boses nung lalaking kausap ni Sasha. I think I heard it somewhere then it hit me! Kaboses niya ang isa sa mga lalaki na umakbay sa akin noong isang araw! Alam kong isa siya sa mga iyon! “Put it on her drink this 9 PM so it won't be too obvious. Just make sure you won't get caught!” banta pa ni Sasha. “Geez! Just relax, okay?” sagot naman ng lalaki. “Okay, leave. I have to prepare for tonight.” Noong narinig naming pinapaalis na ni Sasha yung lalaki, tumakbo kami paalis ni Sarah para magtago. Nagtago kami sa equipment room hanggang wala na kaming narinig na yabag. Lumabas kami sa equipment room ni Sarah at nagtinginan. “Kilala mo ba yung lalaking kausap ni Sasha?” tanong ko sa kanya. Umiwas muna ng tingin si Sara bagi sumagot. “Opo. Minsan ko na pong nilinisan yung kwarto niya tapos muntikan niya po akong bastusin. Mabuti na lang po at dumating si Mang Efren na mag-aayos sa nasirang poso sa cr ng room niya kaya nakaligtas ako.” “Hindi mo ba sinabi kay Zach yung nangyari?!” gulat na tanong ko. “Hindi po kasi nahihiya ako kay Kuya Tisoy,” nahihiyang sambit niya. Uminit na naman ang ulo ko. I will have that man and his friends kicked out from the island bago pa sila makabiktima ng iba. “Fine, ako na ang bahala sa kanila. Narinig mo naman yung inutos ni Sasha doon sa lalaki, `di ba? Manmanan mo nang patago yung lalaking `yon mamayang gabi,” ani ko. “Opo, ate.” “May gagawin ka pa, Sarah or tapos na ang trabaho mo ngayon?” tanong ko sa kanya. “Wala na po, Ate. Tapos na po yung trabaho ko,” sagot naman niya. “Gusto mong sumama muna sa akin sa room ko? Baka mag-isa mo lang habang naghihintay na magsimula ang party?” Ayoko naman siyang iwan na mag-isa habang hinihintay niya na mag-start yung party. Five pa lang ngayon tapos seven pa ang start ng party. “H'wag na po, Ate. Tutulong na lang po ako sa pag-aayos doon sa venue ng party,” pagtatanggi niya. “You don't have to help them, Sarah. Magpahinga ka muna kaya? Sumama ka na lang sa akin, huwag ka ng umayaw pa,” sabi ko tapos hinila ko na siya papunta sa elevator. Nakarating na kami sa room ko tapos pinaupo ko muna siya sa sala. “Dito ka na tumambay habang hindi pa nagsisimula ang party. Maliligo lang ako then mag-ready para mamaya. Gutom ka ba? Wait lang, may kukunin lang ako,” ani ko bago pumasok sa kwarto ko. May mini-fridge ako rito, mabuti nga at nagkasya sa malaking maleta ko noong umalis ako sa bahay. I can't live without it kasi dito ko nilalagay ang mga chocolates ko. I grabbed one of my favorite chocolate and went out to give it to Sarah. “Gusto mo? You can eat it habang hinihintay mo ako. You can call me kapag may kailangan ka, baka kasi ma-bored ka.” Matagal pa man din akong mag-ready kaya baka ma-bored talaga siya kahihintay sa'kin. “Thank you po, Ate!” masayang sambit niya bago niya tinanggap ang chocolate. Pabalik na ako sa kwarto para maligo pero huminto muna ako at binalikan si Sara. “Halika rito sa loob. Doon ka na lang tumambay sa terrace,” sabi ko. Magkahiwalay kasi yung sala tapos yung kwarto kung saan nakalagay yung kama tapos yung bathroom. Pwede namang tumambay sa sala pero mas maganda kasi yung view doon sa terrace katabi ng kama kaya doon ko pinapapunta si Sarah. “Ayan. Stay here at maliligo na talaga ako,” ani ko. “Sige po, Ate.” Iniwan ko na siya sa terrace at pumasok sa bathroom para maligo. Hindi na ako nagbabad ng matagal sa CR kasi kailangan ko pang magpatuyo ng buhok at mag-ayos. Naka-bathrobe lang akong lumabas kasi maghahanap pa ako ng isusuot. “Ayos ka lang ba riyan, Sarah?” tanong ko sa kanya. Nilingon niya naman ako at nginitian. “Opo, Ate,” maikling sagot niya. Dumiretso na ako sa walk-in closet para hanapin yung isusuot ko mamaya. “Found you,” I murmured when I found my dress. It's a gold bodycon dress with a loose neckline. I tried this before buying it and man, it fits me well. Hapit na hapit sa katawan ko tapos may slit pa ito sa right side kaya makikita ang legs ko. Loose din talaga ang neckline nitong dress kaya kita rin ang cleavage ko tapos backless din ito. I want to show too much skin because I want to look hot and confident. Binili ko talaga itong dress last month para may magamit ako kapag may pupuntahan akong party. Inilatag ko muna yung dress sa kama bago nag-blower ng buhok. I checked the time and it's already six in the evening. Mabuti na lang at natuyo na ang buhok ko kaya nagsimula na akong maglagay ng makeup. “Ang ganda mo talaga, Ate Snow!” puri sa akin ni Sarah noong nilapitan niya ako. Tumawa lang ako tapos naglagay ng lipstick na red bago siya nilingon. “Thank you,” I replied. “Gusto mo bang ayusan din kita? Madami akong dinalang dress, I can give you one of you like,” I offered. Alam kong na gulat siya sa sinabi ko dahil nanlaki ang mga mata niya. “Naku! Hindi na po kailangan. Hindi naman po ako makikiparty para mag-ayos,” sumbat niya. “Pwede ka namang sumama sa akin habang minamanmanan mo yung lalaki kanina eh,” sabi ko naman. “Next time na lang po ate kapag may okasyon,” sabi niya. “Hmm... Sige.” Maganda naman talaga si Sara kahit simple lang yung ayos niya. Alam kong madami ang magkakagusto sa kanya kapag nag-aral siya ng college sa Manila. “Magpalit ka na po, Ate. Malapit ng magsimula yung party,” paalala niya sa akin. “Sige, hintayin mo ako rito. Magpapalit lang ako then aalis na tayo,” sabi ko sa kanya. Tumango naman siya kaya kinuha ko na ang dress at bumalik sa walk-in closet para magpalit. After I wore the dress, I searched for my stiletto and used it before stepping out. “Siguradong mainis na naman po si Ma'am Sasha kapag nakita ka niya, Ate Snow. Lahat din yata ng mga lalaki mamaya ay talagang mapapatingin sa'yo,” sambit ni Sarah noong lumabas ako. “Balak ko talaga siyang inisin kaya dapat mas bongga ang suot ko kaysa sa kanya,” ani ko. As I looked outside the window, it was already dark so, I quickly wore some jewelry and grabbed my pouch as we marched outside my room. “Saan ang punta mo? Sa bar?” Literal na naestatwa ako noong narinig ko na naman ang boses no Zach sa likod. Dahan-dahan ko siyang nilingon tapos nakita ko siyang nakasandal sa pinto ng room niya. Nakatitig lang siya sa akin noong una and then he started scanning me from head to toe. “May party sa pool area, hindi ka ba invited?” tanong ko. “I own this place and the host invited me. Bakit ganyan ang suot mo?” tanong ulit niya. “Because I'm attending a party?” Hindi naman pwedeng magpajama lang ako `di ba? I should look presentable, duh. Tumaas ang kilay ni Zach at naglakad palapit sa amin ni Sarah. “You're showing too much skin, Snow,” he marveled. “And?” Ano naman kung showy ako? I'm not conservative and it's freaking 21st century! “Isang hila ko lang sa strap ng suot mo, hubad ka na,” dagdag pa ni Zach. Ano? What did he just say? I heard it right, right? “Oh my god, Zach!” malakas na sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD