Kabanata Eleven

2424 Words
Stacey's POV “What was that, Snow?” Zach asked me using his serious tone. Feeling ko tumaas lahat ng balahibo ko sa lamig ng boses niya. Natatakot pa akong tumingin sa kanya kasi nakaka-intimidate talaga siya. “Answer me,” he added. “I d-didn't do a-anything. Wala akong ginawa,” sagot ko sa mababang boses habang nakatingin sa mga kamay ko. Kinakabahan talaga ako baka magalit si Zach. I mean, yeah, he's mad pero basta natatakot talaga ako. “What do you mean you didn't do anything? Bakit sabi ni Sasha na---” I cut his sentence when I heard that b***h's name. “Wait, what?! What did she tell you?!” Yung takot ko kanina, napalitan na ng inis noong narinig ko ang pangalan si Sasha. “She told me you pushed her kaya nagkasugat yung kamay niya. What kind of immaturity is that, Snow?” Na-offend ako sa sinabi niya kaya nagdidilim na naman ang paningin ko dahil sa sobrang inis. “Wow, Zach! Ang galing mo namang humusga! Nakita mo bang tinulak ko siya?! Hindi `di ba?! She was the one who pushed me so, I grabbed her noong natumba ako. Ang dali-dali mo naman palang maniwala sa Sasha na iyon tapos ako, madali mong husgahan! May CCTV naman kayo rito. Why don't you see it para maniwala ka na wala akong ginawa sa girlfriend mong pangit ang ugali!” mahabang giit ko habang sumisigaw sa inis. Ilang oras na akong nagtitimpi ng inis sa Sasha na iyan tapos malalaman ko lang palang nagsumbong pala siya kay Zach ng hindi totoo. Oh my gosh! I don't care if she's older than me! She started this kaya gagantihan ko siya. “I'm just asking you---” “Yeah, whatever!” Iyan ang huli kong sinabi bago nag-walk out. Kapag nakita ko yung Sasha na iyan, jusko baka masabunutan ko pa. Nanggigigil ako sa kanya ng sobra! I think I have to call Aeryl to vent my anger. Sa kanya na lang ako mag-ra-rant. Ang sama talaga ng loob ko ngayong araw. Akala ko papagalitan ako ni Zach dahil sa ginawa ko sa kotse niya kaya sobra akong kinakabahan Kanina tapos iba pala ang sasabihin. “Ghad! This is stressing me out!” sambit ko noong nakarating na ako sa room ko. Agad kong hinanap ang phone ko at tinawagan si Aeryl, ngayon ko lang siya tatawagan dahil lately lang ako nagkaroon ng sim card. Alam kong madami na naman siyang sasabihin sa akin pero ako muna ang dapat na magsalita dahil puputok na ako sa inis. I dialed Aeryl's number and then after a few seconds, sumagot naman siya which is good dahil gusto ko nang mag-rant. “Who's this?” aniya sa kabilang linya. “Ako `to kaya h'wag ka nang magsalita ng English,” sabi ko naman. Hindi agad nakasagot si Aeryl dahil alam kong sisigawan na niya ako. “Putangina mo! Buhay ka pa pala tapos ngayon ka lang tatawag?! s**t ka, Stacey!” So predictable, alam kong mumurahin niya ako and then she just did. “Don't shout, okay! May sasabihin akong importante dahil sasabog na ako dahil sa inis dito!” “Spill. Bilisan mo, gaga!” sigaw pa niya. “Eto na nga! Magsasalita na nga `di ba?! So, I was doing fine here, I'm enjoying my stay since I came here. Tapos ngayong araw, some b***h came, her name is Sasha and then girl, she's getting into my nerves! Alam mo bang tinulak niya ako sa may damuhan and then I grabbed her when I fell down para patas kami. But then, nagsumbong siya kay Zach, ang may-ari ng Isla El Mundo! I was so shocked and pissed when Zach believed the lie she told him! Pinagalitan ako ni Zach sa hindi ko naman ginawa which is so infuriating!” mahabang kwento ko habang pumapadyak sa inis. “Then why didn't you grab her hair when she pushed you?” she asked. “I wish I did pero may mga tao kasi. I'm building a good image here kasi ang babait ng mga tao rito, hindi nila deserve na makakita ng dalawang b***h na nagbabardagulan. Gagantihan ko siya in private, I don't want people to see it,” I explained. “Okay. Basta h'wag kang magpapa-api sa Sasha na `yan, Stacey! Itulak mo na lang din siya sa pool or sa dagat para fair,” she suggested. A grin escaped from my lips. “Hmm... Good point, I'll think about it,” I said. Matagal pa kaming nag-usap ni Aeryl, nagpakumustahan and then nagchikahan. I abot na kami ng madalin araw before we decided to sleep. Sinabihan ko siya na tatawag na lang ulit ako bukas or siya na lang ang tatawag. Kinabukasan, nagising ako dahil sa hangin na galing sa terrace. Nakalimutan ko palang isara yung door ng terrace bago ako natulog. Sobra kasi akong inaantok kaya dumiretso na lang ako sa kama at natulog. Lumabas muna ako sa terrace at nag-stretch ng katawan habang nakatingin sa malawak na karagatan. “Good morning, Isla El Mundo!” malakas na sigaw ko. Wala naman yatang makakarinig sa akin mula rito. “Ang aga-aga nag-iingay ka na naman. You were up until midnight and I couldn't sleep because you were loud. Give me a break, Snow,” he said with his bedroom voice. He's still sleepy. I couldn't talk because I was scanning him. His hair is messy and he looks cute with his pyjama. Para siyang bata na kagigising lang tapos inaantok pa. Hindi ko namalayan na nakangiti pala ako ngunit nabura iyon noong naalala ko ang nangyari kagabi. “Why? Is being loud prohibited too? Si Sasha lang ba ang pwedeng mag-ingay?” Ang pangit na naman ng umaga ko. I know dragging Sasha in the conversation isn't reasonable but I don't care. I don't like her anyway. Zach's brow formed a straight line. “What the hell, Snow?” “Puntahan mo na lang `yang girlfriend mo baka hinahanap ka na naman niya. Sabihin mo sa kanya na h'wag na h'wag niyang tatawagin si Sarah dahil ako lang ang pwedeng samahan ni Sarah!” Nag-walkout na ako sa terrace pagkatapos kong sabihin yun. Ang sama talaga ng loob ko. Gusto ko na talagang gantihan ang Sasha na iyon dahil sa pagsumbong niya kay Zach. Ang tanda-tanda na niya tapos parang nawawalan ng abilidad na mabuhay kapag nandyan si Zach. Pa-assist masyado. Binilisan ko na ang pag-ready para makalabas agad. Kakain lang ako tapos hahanapin ko si Sarah. Wala naman kasi akong naisip na gagawin ngayon kaya mag-swimming na lang ako pero mamayang hapon pa para hindi masyadong mataas ang araw. Nandito na ako sa lobby ng hotel noong nakasalubong ko si Sasha. Nagkatitigan kami tapos bigla siyang ngumisi bago ako nilapitan. “Ang aga mo namang umalis. Pinaalis ka ba ni Zach?” nang-iinis na saad niya. Tumawa lang ako ng marahan bago sumagot. “Ang aga mo naman yatang lumandi, Sasha. Pupuntahan mo ba si Zach? Kagigising lang niya eh. Sabay kasi kaming gumising and I bet he's taking a shower now. If I were you, h'wag ko muna siyang aabalahin, okay?” Aalis sana ako noong hinawakan niya ang braso ko. “What did you do?!” pasigaw na tanong niya. “Hmm... I don't know. You guess, b***h,” bulong ko sa kanya bago hinila ang braso ko. Hindi ko na siya nilingon but I heard her loud footsteps. Tumakbo yata siya papunta sa elevator para puntahan si Zach. Wala naman akong intensyon na sabihin ang mga iyon para mag-overthink siya pero ewan ko, I just said those things out of madness. Ang aga-aga sira agad ang mood ko kaya sinira ko rin ang mood niya. Paglabas ko sa hotel, sumakay agad ako ng tricycle papunta sa bahay nila Mang Tonyo. Inimbitahan kasi ako si Aling Belen na sa bahay na nila ako mag-agahan kaya pumayag na ako. Nakakahiya kasing tumanggi lalo na kung mabait yung nag-aya tapos gusto ko rin namang makikain doon dahil mag-isa ko na lang kasing kumakain palagi. I want to eat with them because it sounds fun. “Ouch!” bulong ko noong dumaan kami sa lubak-lubak na daan. Nauntog kasi yung ulo ko sa tricycle. “Pasensya po, Ma'am. Hindi po kasi sementado ang dinaanan natin kanina,” paumanhin ng driver. “Ayos lang po `yon, Manong. Huwag na po kayong humingi ng sorry,” sagot ko. Hindi naman niya kasalanan ang nangyari kanina, sadyang pangit lang talaga yung dinaanan namin. Ilang minuto pa ang nilakbay namin bago kami huminto sa bahay nila Mang Tonyo. Nagbayad na ako ng pamasahe tapos pinuntahan sila Aling Belen at Mang Tonyo na naghahanda ng mga pagkain sa table. “Magandang umaga po sa inyo, Mang Tonyo at Aling Belen! Hello, Henry!” masayang bati ko sa kanila. “Magandang araw din po, Ate Snow,” bati rin ni Henry sa akin. “Nandito ka na pala, Snow! Halika rito at umupo ka para kumain na tayo. Kinuha lang ni Sarah ang kanin sa loob ng bahay, hintayin lang natin ng saglit,” ani Aling Belen. “Sige po, Aling Belen. Ang dami naman po ng niluto niyo!” manghang saad ko. Ang dami nilang nilutong ulam, I think I'm going to eat plenty. “Good morning po, Ate Snow! Mabuti po at nakarating ka ng maaga,” bati sa akin ni Sarah noong lumabas siya ng bahay na may hawak na malaking bowl. “Good morning, Sarah!” bati ko naman sa kanya. “Oh siya, magdasal muna tayo bago kumain!" sabi naman ni Mang Tonyo. The Three of them closed their eyes and Aling Belen led the prayer. I kept my eyes open because I was watching them. I don't know but I feel like a very different person around them. They're not my family but I feel so comfortable being with them. Lumaki ako sa pamilya na puto business at pera ang priority. I never once experienced praying before eating while I was at our house. Nakakainggit ang buhay nila dito kasi na-fe-feel mo talaga yung totoong essence ng family. ”Kainan na!“ malakas na saad ni Mang Tonyo pagkatapos ng dasal. We ate like I was a real part of their small family. Nagtatawanan kami habang kumakain and the happiness was surreal, it's very addicting. ”Alam mo, ang swerte mo sa mga magulang mo,“ sabi ko kay Sara habang nakaupo kaming dalawa sa labas ng bahay nila. Umalis kasi sila Mang Tonyo at Aling Belen pagkatapos naming kumain. Pumunta muna sila sa hotel tapos babalik din daw sila mayamaya. Si Henry naman ay sumama sa mga kaibigan niya papunta sa dalampasigan. ”Sobra po ang pasasalamat ko at sila ang naging magulang ko. Masaya po talaga kami kahit tatlo lang kami,“ nakangiting giit ni Sarah. ”Good for you. You deserve it,“ I said. ”Salamat po. Kumusta naman po yung mga magulang mo?“ tanong niya. Mapakla akong tumawa. ”Well, my parents aren't like..... Wait, sasakyan ni Zach `yon `di ba?“ turo ko sa pa palapit na kotse. ”Opo, kay Kuya Tisoy po ang kotse na `yon. Pero bakit po siya nandito?“ Nakatingin lang kaming dalawa sa kotse ni Zach hanggang tumigil ito sa harapan namin. Bumaba si Zach tapos agad siyang tinanong ni Sarah. ”Bakit po kayo naparito, Kuya Tisoy?“ ”Pupuntahan ko sana si Mang Roel. Pwedeng samahan mo muna ako?“ giit niya kay Sarah. Hindi pa sumagot si Sarah noong bumukas ang passenger's seat ng kotse ni Zach at lumabas si Sasha. Nakasimangot siya noong bumaba siya lalo na noong tinapunan niya ako ng tingin. Sinenyasan ko agad si Sarah na sumama na lang kay Zach bago na naman tawagin ni Sasha para gnawing utusan. ”Sige po, Kuya Tisoy. Sasamahan po kita,“ ani Sarah. ”Okay, let's go,“ sambit ni Zach. Nakita kong saglit akong tinapunan ng tingin ni Zach pero inismiran ko lang siya. ”How about me, Zach? Hindi mo ba ako isasama?“ maarteng sabi ni Sasha. Hindi siya nilingon no Zach pero sumagot naman siya. ”Just stay there. Importante ang pupuntahan ko.“ Sasha stomped her feet on the ground. ”Bakit pa kailangan niyang isama si Sarah? I need her!“ rinig kong reklamo pa niya. Hindi na ako nakatiis at tumayo mula sa inuupuan ko. ”You need her? Kailangan mo ba ng utusan? Bakit? Sino ka ba para utos-utusan siya na parang alalay? As far as I know, you're just a visitor on this island and you don't have the right to treat someone lowly!“ I told her while trying to calm myself. ”Excuse me? Why do you care if I treat her like a maid? I can pay her to make her life better because she and her family are poor!“ she argued. ”What the f**k, Sasha?! Are you dumb? Ilang taon ka na ba? Hindi ka ba nag-iisip? Yes, they may have been lacking financially but that doesn't give you the authority to treat them like that! Sino ka ba para maliitin sila? Ang bobo mo naman, parang wala kang pinag-aralan. If you're really educated then act like one dahil ang ugali mo, pang-imburnal, ang dumi at nakakasuka,“ mahabang saad ko. ”How dare you!“ galit na sambit niya. Sa sampalin sana niya ako pero mabilis ko siyang tinulak bago pa man dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Malakas ang pagtulak ko sa kanya kaya natumba siya, naka-stiletto pa kasi ang gaga. Mabuti na lang at naka-flats ako ngayon. ”Subukan mo ulit na magsalita ng ganyan sa harap ko, lulunurin kita sa dagat hanggang malinisan `yang bunganga mo. H'wag mo ring utos-utusan si Sarah kung ayaw mong itaboy ka si Zach na parang basura,“ pagbabanta ko sa kanya. Bumalik na ako sa inuupuan ko kanina habang siya naman ay galit na tumayo at pinagpagan ang sarili bagi pumasok sa kotse si Zach. Gusto kong makipagsabunutan kay Sasha para iparamdam sa kanya ang galit ko pero ayokong gawin yun dito sa harap mismo ng bahay nila Mang Tonyo. Dito ko lang naramdaman ang kasiyahan na matagal ko nang gustong maramdaman sa pamilya namin. Napamahal na agad ako rito kaya hindi ko gustong nakakarinig ng pang-iinsulto sa kanila. ”Putangina mo talagang bobo ka,“ mura ko habang nakatitig ng masama sa passenger's seat ng kotse si Zach. Alam ko kasing nakatingin si Sasha sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD