Kabanata Fourteen

2032 Words
Stacey's POV “Oh my god. I feel so dizzy, Zach.” Palihim akong ngumisi sa sinabi ni Sasha. Nakasandal siya ngayon sa balikat ni Zach habang hinihilot ang sentido niya. Ayan, magdusa ka sa sarili mong kagagawan. “Lasing ka na, Sasha? Are you okay?” sadya kong tanong sa kanya. Syempre ngumiti rin ako para pandagdag asar. I know she's aware that something went wrong with her plan. “Why? Do you think I'm not fine?” mataray na sagot niya. “Aww, that's so rude of you. I was just asking,” sabi ko naman. I intended to make my voice soft and sad to trigger her more. Alam kong kumukulo na ang dugo niya sa akin. “Just asking? Do you really think I will believe that you actually care about me? Really, Snow?” galit na sabi niya. Okay, she's mad now. She can handle herself pa naman, baka mamaya pa lalala ang epek to ng pills. “Well, I didn't say I care, right?” I replied. Wala naman talaga akong sinabing may pakialam ako sa kanya. “You just assumed it,” I added. “You know what, Snow? I don't really like you,” she marveled. I laughed. “Aww, thank you for not liking me. I'm actually tired of adding someone to my long list of people who loves me,” I replied with sarcasm. “You're so rude!” pasigaw na giit ni Sasha. “I know, right?” sambit ko naman habang tumatawa. Napansin kong tahimik lang sila Zach at Jake. Nakikinig lang sila sa amin ni Sasha habang umiinom. They're letting us talk and I like it that they aren't interfering. “Zach, I'm really dizzy,” pag-iiba ni Sasha sa usapan. “Edi bumalik ka sa hotel para matulog. Nahihilo ka `di ba?” ani ko. Naiinis talaga ako sa kaartehan ng isang `to. Maarte rin ako pero hindi yung nakakadiring arte. “Bakit ka sumasabat? Hindi ikaw ang tinanong ko kaya tumahimik ka,” inis na sabi ni Sasha. Umikot talaga ang mga mata dahil sa inis. “Ako na ang sumagot dahil alam kong hindi ka papakialaman ni Zach. Kawawa ka naman kapag walang pumansin sa sinabi mo.” “Kanina ka pa!" galit na sigaw ni Sasha. “What? Are you so triggered?” tanong ko. Relax lang akong nakaupo habang siya naman ay halatang gigil na gigil. Naiinis din ako pero pinipilit kong magmukhang kalmado sa harap ni Sasha. “Stop it, both of you,” Zach spoke. “Can you two calm down? Let's spend the night without having a fight, alright?” sabi naman ni Jake. “Pakisabi sa katabi mo na tumahimik baka itahi ko `yang bibig niya,” sabi ko kay Zach. “Excuse me, you talking to me?!” singit naman ni Sasha. “Maybe?” I said and shrugged my shoulders. “Tama na `yan. We're in a public place and people are watching,” paalala ni Jake. Huminga ako ng malalim para i-release ang sama ng loob ko. “Fine. I'm sorry, Jake. It's just that.... nevermind.” Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. I don't want them to know why I'm mad. Gusto kong sabunutan si Sasha dahil sa masamang plano niya sa akin but I'll just let it slip muna. Jake is right, hindi ito ang tamang oras para mag-away. We're supposed to have fun and enjoy the night. “I need a booze. I'll just grab myself a drink and come back,” sabi ko. Umalis na ako sa table namin para magpahangin muna bago bumalik. I can't hold my temper anymore, gusto ko muna talagang lumayo rito at magpahangin. Tsaka na lang ako babalik sa table namin kapag ayos na ako and hopefully by that time, umalis na si Sasha. “Get off me! I have to talk to that brat!” Napapikit ako at huminto sa paglalakad dahil narinig ko ang sigaw ni Sasha. “Bitawan niyo ako!” sigaw pa niya. Lumingon na ako para harapin siya, sagad na talaga ang inis ko sa kanya. Nakita ko siyang pagewang-gewang na naglalakad papunta sa akin. Pinipigilan siya ng mga kasama namin sa party pero pinipilit niyang kumawala. Hindi ko nakikita sila Zach at Jake sa mga taong pumipigil kay Sasha. Agad ko silang hinanap tapos nakita ko silang dalawa na nakaupo lang sa table namin habang umiinom. “You! Kanina pa ako gigil na gigil sa'yo!” malakas na sigaw niya noong malapit na siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at inikutan ng mata. “Yeah? So?” Iyan lang ang sinagot ko. “Ang kapal ng mukha mong awayin ako! Do you think you can bring me down?!” Feel ko ang galit niyang nag-uumapaw pero deserve niya ang pang-aaway ko sa kanya. We don't like each other kaya natural lang na may away kapag pinagsama kaming dalawa. “And do you think you can trick me? I know what you were about to do so, I reversed it. How does the liquor tastes? Nahihilo ka ba? Should I tell anyone in here how evil and cunning you are?” ani ko. “You little witch!” Tumaas ang kamay niya sa ere para sampalin ako pero mabilis akong umilag. “b***h!” ani ko naman bago siya malakas na tinulak sa pool. Madaming nagulat sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Umalis na lang ako sa pool area hawak ang isang boye ng Whiskey na kinuha ko mula sa tray na hawak ng waiter. Okay, I'm done with the party. Hindi na ako babalik doon. I want to be alone and indulge myself with a booze. Tinanggal ko muna ang suot kong heels at dalampasigan dumiretso. “You okay?” Boses `yon ni Jake. Sinundan niya ako rito at may hawak din siyang bote ng Whiskey. “Yup, totally fine,” I replied. Umupo siya sa tabi ko at uminom mula sa bote na hawak niya. “Sure? You don't have to lie. Ako lang naman `to, I can keep secrets,” sabi niya. A faint smile escaped from my lips as I drank from my bottle. “I'm a mess, alright? I don't know if I'm still at my right mind or not. Gulong-gulo na ako,” pag-aamin ko. Simula noong umalis ako sa bahay, doon na nagsimula ang paghihirap ko. I may have been acting fine pero nahihirapan akong maging independent. I miss my parents but I can't go home yet, hindi ko kayang ikasal sa taong hindi ko naman mahal. Gusto kong ma-realize nila ang worth ko as their child. “Naiiyak ako, Jake,” pabulong na sambit ko. “It's alright. You can cry,” sagot naman niya. “No. I don't want you to see me crying. Nakakahiya.” Hindi naman kasi kami close ni Jake kaya nahihiya akong magdrama sa harap niya. Kinapa naman ni Jake ang kanyang bulsa at nilabas ang isang blindfold na kulay itim. Ipinakita niya pa ito sa akin bago itinali sa ulo niya para takpan ang kanyang mga mata. “What are you doing?” tanong ko. “Now, you can cry all you want. Babantayan kita,” aniya. Bigla na lang bumuhos ang luha ko sa sinabi niya. He's so kind to cover his eyes para lang hindi niya makita na umiiyak ako. The people I met recently are so kind that I sometimes think I don't deserve being around them. Hindi ko kasi naranasan na mamuhay sa environment gaya ng pamumuhay ko ngayon. Isa rin `yon sa mga rason bakit ako naiiyak, I'm so grateful for the kindness I'm receiving here. Umiyak lang ako ng umiyak ng hindi nagsasalita samantalang tahimik naman si Jake sa tabi ko. “You don't have to hide your frustration, bellissima. You can always vent it out,” he said after being silent for a while. “I don't want others to see my vulnerability,” I replied. “But why did you let me?” he asked. “Because you told me it's fine to show my frustration. Thank you, by the way. I feel a lot better now.” It's a good thing he came because his presence is enough for me to feel vulnerable. “Don't mention it. You can always run to me when you feel upset, frustrated or down. I'm always ready to put a blindfold when you cry,” he uttered and smiled gently. “I'll keep it in mind. But, you always have to be there when I cry because I cry a lot,” I joked. Mahina siyang tumawa at pinitik ang noo ko. “Silly. I can run miles to be your shoulder to cry on,” he murmured. Sumilay ang ngiti sa aking labi. “Thank you, Jake.” Hindi ko alam bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Kakakilala ko lang sa kanya kahapon tapos nagawa ko nang umiyak sa harap niya. “Anytime,” maikling sagot ni Jake. Tumahimik na naman kaming dalawa habang nakatingin sa bilog na buwan. Mayamaya pa ay napahinto ako nang may naalala ako. “Sh*t, nakalimutan kong tawagan si Sarah!” Basta na lang kasi akong umalis kanina tapos hindi ko manlang siya tinext. Napasabunot ako sa ulo at hinanap ang phone ko sa pouch ko. Dali-dali kong tinawagan si Sarah, mabuti na lang at sinagot niya agad. “Sarah? Nandyan ka pa ba sa sa kusina?” tanong ko. “Opo, Ate. Nasa'n ka po ngayon? Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya. “I'm fine. It's late now kaya bumalik na tayo sa hotel. Gusto mo bang makitulog sa akin ngayon?” tanong ko rin sa kanya. “Ha? Uuwi na lang po ako, Ate Snow. Nakakahiya pong makitulog sa'yo,” nahihiyang sagot ni Sarah. “Bukas ka na umuwi, Sarah. Gabing-gabi na baka wala ka nang masakyan na tricycle,” sabi ko. It's pass nine in the evening and she wants to go home, hindi pwede baka mapahamak pa siya sa daan. “I have a car. Pwede naman siyang ihatid kung gusto niyang umuwi ngayon,” sabat ni Jake. “Pwede ba? How about your guests? Ikaw ang host ng party kaya dapat samahan mo sila,” ani ko. “Nagpaalam na ako sa kanila kanina. Sabihan mo na lang siya na hintayin niya tayo sa parking lot. Doon ko iniwan yung sasakyan ko kanina,” sabi pa ni Jake. Tumango ako biglang sagot bago ulit kinausap si Sarah. “Magpaalam ka na sa mga kasama mo dyan. Ihahatid ka na lang namin ni Jake pauwi gamit ang sasakyan niya. Hintayin mo kami sa parking lot kapag nakapagpaalam ka na.” “Sige po, Ate. Magpapaalam lang po ako rito.” “Sige.” Pinatay ko na ang tawag tsaka tumayo at pinagpagan ang suot ko. Gano'n din ang ginawa ni Jake. “You look stunning with you dress,” puri niya sa akin. “Gold suits you very well,” dagdag pa niya. “You think so?” tanong ko. “Of course,” maikling sagot niya. Umalis na kami sa dalampasigan at pumunta sa parking lot. Doon ko nakita si Sarah na naghihintay sa amin. Nag-wave naman siya noong nakita niya kami ni Jake. “Wait me here. Kukunin ko lang yung sasakyan ko,” ani Jake. “Sige,” sagot ko naman. Mabilis ang mga pangyayari ngayong gabi, kanina lang ay umiiyak ako tapos ngayon naman ay nagtatawanan kami ni Jake habang pauwi. Hinatid na namin si Sara tapos ngayon ay pabalik na kami sa hotel, malapit na nga kaming makarating doon. Mga ilang minuto lang siguro tapos nasa hotel na kami. Gusto ko pa sanang maglibot dito sa isla habang may sasakyan. Parang gusto ko na ring ipakuha yung sasakyan ko sa bahay at ipa-import dito kaso baka malaman agad nila mommy kung nasaan ako. Pumarada na si Jake sa tapat mismo ng hotel tapos nauna siyang bumaba para buksan ang pinto sa passenger's seat. He didn't have to do it but he did anyway. "Where have you f*cling been, Snow?" I froze when I heard that spine-chilling cold tone. Zach is here!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD