Kabanata Fifteen

2118 Words
Stacey's POV “I said, where have you been, Snow,” Zach reiterated. The way he said it sounded like it wasn't a question, his voice is so plain and cold. It gave me a shiver. Nakakatakot din talaga ang isang `to. Bigla-bigla na lang siyang nag-iiba ng character. “Hinatid lang namin si Sarah,” I replied. I saw him put both of his arms on his waist. “Really? Bakit hindi sa akin nagpahatid si Sarah?” tanong niya. “Bakit hindi sa'yo? I was thinking na baka hinatid mo na si Sasha sa room niya kaya hindi na kita inabala,” I replied. Totoo naman `yon, inisip ko talaga kanina baka hinatid niya si Sasha. His poker face turned into a frowning one. “What the actual f*ck are you thinking, Snow? Why would I freaking do that?” he marveled. Okay, I think he's mad or annoyed, maybe? “Malay ko ba na hindi mo pala siya kasama kanina? And why are you even asking kung saan ako galing?” Ako naman ang nagtanong sa kanya ngayon. “I... I left the party when I saw you pushed Sasha into the pool. I was asking because I didn't know where you are after you left,” he replied. So, umalis pala siya pagkatapos kong itulak si Sasha sa pool? “She was with me. Sinamahan ko siyang hinatid si Sarah kanina,” sabat naman ni Jake. “Gusto kasing umuwi ni Sarah instead of staying with me. Sinabihan ko siyang makitulog muna sa akin ngayong gabi pero uuwi daw siya kaya hinatid na namin ni Jake,” paliwanag ko. Wait... Why am I even explaining? It's not like I committed something wrong or anything. I don't know why I'm doing this. I should stop. “The party is still on but you should better take a rest now,” sabi ni Jake sa akin. “How about you?” Babalik pa ba siya sa party? Sabagay, siya naman ang host kaya dapat lang na bumalik siya. Inabala ko pa kasi siya kanina. “My friend texted me saying he needs to talk to me. Babalik ako sa pool area para kausapin si Stephen,” sagot naman niya. “Alright. Balik na na room baka hinihintay ka na ng kaibigan mo. Thank you pala kanina,” pasalamat ko. He kept me entertained kanina kaya naging okay ulit ako. “I told you not to mention it. Remember what I told you, alright?” lumapit si Jake sa akin at mahinang pinitik ang noo ko. “Yeah, I will. Balik ka na sa party, bye!” I waved my hand no'ng paalis na si Jake papunta sa parking lot para iparada ang sasakyan niya. Hindi pa nakakalayo si Jake noong bigla akong hinila ni Zach papasok sa loob ng hotel. “Aray! Can you let go off me?! Bakit ka ba bigla-biglang nanghihila?!” asar na sigaw ko. “Because you two talked to much in front of my f*****g face,” sagot niya. Hila-hila pa rin niya ang kamay ko, hindi pa niya ito binibitawan. “Oh tapos? Ikakamatay mo ba `yon?!” tanong ko sa malakas na tono. Hindi muna siya sumagot dahil sumakay na kami sa elevator. “Who said I'm going to die?” he asked when the elevator closed. Dalawa lang kami rito sa elevator at mukhang magtatalo na naman kami. It's fine naman din para walang makarinig na iba. “Alam mo? Napakalabo mong tao, Zach. Hindi na kita maintindihan," sabi ko. ”I didn't tell you to read me,“ he replied with a flat voice. ”Yeah, whatever,“ sagot ko na lang. Bumukas na ang elevator at nauna na akong lumabas pero hinawakan na naman ni Zach ang wrist ko para pigilan ako. Nilingon ko siya at pinandilatan ng mata. ”Ano na naman ba ang sasabihin mo, Zach?“ inis na sambit ko. ”Let's talk,“ maikling tugon niya. ”Talk about what?“ I asked him. Wala naman yata kaming pag-uusapang dalawa, `di ba? ”About what you did earlier,“ he mumbled. Hindi ko na napigilan ang pag-ikot ng mga mata ko. ”What? Papagalitan mo na naman ako dahil si Sasha na naman ang kakampihan mo?“ Ganyan naman siya eh, ako na lang palagi ang may kasalanan sa paningin niya. Wala na ba akong ginawang tama? I was just defending myself from being Sasha's victim. ”Listen, Snow. I'm about to say you---“ ”Stop it, Zach. Ano ba ang gusto mong gawin ko? Hihingi ba ako ng tawad kay Sasha? It will never happen, Zach. Let me tell you this, just because I refused to be that b***h's victim doesn't make me evil. I just saved myself from her scheme and I was freaking mad at her that's why I pushed her. Ako na naman ba ang mali sa paningin mo, Zach? Ako na naman ba?!“ Hindi ko na-control ang sarili ko kaya tumaas na ang boses ko. Gano'n na ako kadaling i-judge? Ang hirap naman yatang mamuhay sa ganyan. ”What do you mean? What did Sasha plan to do with you?“ he asked, ignoring my rant. ”She wants to put pills on my drink para lasingin ako. Naalala mo yung mga lalaking nambastos sa akin noong isang araw? Kasabwat niya ang mga `yon at isa sa kanila ang naglagay ng pills sa glass na dapat ay iinumin ko. Mabuti na lang at narinig si Sarah ang plano ni Sasha para nagawan namin ng paraan. Hindi ka ba nagtataka bakit biglang naging wasted si Sasha? Dahil `yon sa pills, pinagpalit ni Sarah ang drinks naming dalawa ni Sasha kaya gano'n ang naging resulta,“ mahabang paliwanag ko. ”Sasha actually did that,“ he said. It wasn't a question, it was a statement from him. ”Mukha ba akong nagsisinungaling? I do have a proof if you want to see it. Rinig na rinig namin ang sinabi ni Sasha na ipamimigay ako sa mga lalaking `yon kapag lasing na lasing na ako. Alam mo ba kung gaano ako naapektuhan doon? Babae ako, Zach kaya nakakatakot marinig ang ganyan na plano nila sa akin,“ sabi ko pa. ”Kakausapin ko siya bukas,“ ani Zach. ”Kahit h'wag na. I don't want to talk about it anymore. Tapos na `yon dahil ginawan na namin ng paraan ni Sarah.“ Ayoko ng marinig pa ang nangyari kanina dahil tapos na `yon. ”You mean you were about to get r***d and now you're telling me that you not to talk about it?“ he asked while looking at me straight in the eyes. It's like he's overlooking everything about me. ”Seriously, Zach? Ngayon ka lang magsasabi ng ganyan kung kailan tapos na ang problema,“ tugon ko sa kanya. ”If you told me earlier then I should have done something. Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado ang ginawa niyo ni Sarah? Both of you and Sara were just lucky because Sasha used a dumb guy,“ aniya. ”Wow! Worry, ha! Babae lang kasi kaming dalawa!“ Nakakabwiset din talaga kapag nagsalita si Zach ng seryoso. Walang preno ang bibig. ”Hindi mo naiintindihan ang punto ko, Snow! Paano na lang kung napahamak kayong dalawa?! Mahirap bang sabihin sa akin na may ganyan palang plano si Sasha?!“ pasigaw na Saad ni Zach. ”Hindi ko sinabi dahil ayokong ma-involve ka na naman, okay?! I want to stay away from you as much as possible! Nakakatakot ka, Zach. Nakakatakot ka,“ pag-aamin ko. Noong isang araw ko pa pinag-iisipan ang mga pangyayari at doon ko na-realize na may hindi tama. I'm starting to like him and I don't want it. Ayoko dahil natatakot akong ma-involve sa isang gaya niya. He's complicated, ang hirap niyang basahin kaya alam kong masasaktan lang din ako. That's why, habang maaga pa, iiwasan ko na lang siya. ”Dahil ba demonyo ako, Snow? Oo, masama akong tao pero alam ko rin namang gumawa ng tama kahit paano,“ giit niya. Ang bigat ng pagkasabi niya sa bawat salitang binitawan niya. ”Hindi rin lang natin maintindihan ang isa't-isa kaya tama na. Let's end the argument here, ayoko na,“ pagsusuko ko. ”Pumasok ka na sa room mo,“ saad niya gamit ang malamig na boses. Umalis na ako sa harap niya papunta sa room ko, hindi ko siya nilingon kahit minsan. Nakatayo lang siya sa harap ng elevator habang nakatingin sa akin. Bakit ko alam? Napansin ko lang mula sa peripheral view ko. Binuksan ko na ang pinto at papasok sana sa loob pero narinig kong nagsalita si Zach. ”I surely did something if you told me about it.“ Iyan ang huli kong narinig mula sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa room ko at sinara ang pinto. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. ”Does it mean he cares?“ pabulong na tanong ko. Honestly, may part naman talaga sa akin na sabihin kay Zach ang plano ni Sasha. Ang tanging pumigil lang sa akin para sabihin sa kanya ay ang pride ko. Inaamin kong bitter ako kapag nakikita ko silang magkasama ni Sasha kaya gusto kong ipakita kay Zach na kayang-kaya kong labanan si Sasha. ”I have to call Aeryl.“ Kailangan ko siyang kausapin dahil sasabihin ko sa kanya ang nangyari ngayon. Ayokong sarilihin ang mga nangyayari sa akin dito. I want her to know everything going on. I dialed her number and she already picked up the call. ”Sup?“ she asked. Humiga muna ako sa kama bago sumagot. ”I have to tell you something,“ pagsisimula ko sa usapan. ”Shoot,“ she replied. Huminga muna ako ng malalim bago sinimulang magkwento. ”I got into a fight with Sasha b***h earlier. I was invited to a party so I had to attend. Invited din si Sasha sa party tapos may plano pala ang gaga sa akin. Balak niyang lagyan ng pills ang drink ko tapos kapag lasing na lasing na ako, ipapamigay ako sa mga lalaki para sila na raw ang bahala sa akin. Mabuti na lang talaga at may kakampi ako para tulungan ako. May nakilala ako rito na palagi kong nakakasama, her name is Sarah. Siya ang nakarinig sa plano ni Sasha bago niya sinabi sa akin. I'm so thankful that she helped me swap my drink with Sasha's. So, ang ending, si Sasha ang nakainom ng drink na may halong pills,“ mahabang kwento ko. ”What the hell, Stacey?! Muntikan ka ng mapahamak! Oh my gosh! Ano na lang ang nangyari sa'yo kapag hindi narinig nung Sara yung plano ni Sasha?!“ paranoid na sabi ni Aeryl. ”Kaya nga nagpapasalamat ako sa kanya. Tapos eto pa, nagsagutan kami ni Sasha sa table namin kaya gusto ko munang umalis. Paalis na nga ako no'n tapos sinundan pa ako ng gaga, she was about to slap me pero umilag ako tapos malakas ko siyang tinulak sa pool,“ dagdag ko pa. Malakas na tumawa si Aeryl mula sa kabilang linya. ”You did what?“ tanong niya habang tumatawa pa rin. ”Tinulak ko siya sa pool. I was mad so, yeah. Deserve naman niya `yon,“ tugon ko. ”Of course, she does! Nanggigigil ako sa Sasha na `yan! Sana nalunod na lang siya sa pool!“ galit na saad ni Aeryl. ”May sasabihin pa ako,“ ani ko. I want to tell her about Zach. I want to hear what she would say. ”I'm listening,“ she murmured. ”I told you about Mr. El Mundo, right? I think I'm starting to feel something for him,“ I confessed. She stayed silent for a while. ”Oh my gosh, Stacey! Ilang araw ka pa lang diyan tapos na-fa-fall ka na sa may-ari ng isla?!“ hindi makapaniwalang saad ni Aeryl. ”I don't know why I'm falling, okay? I just felt it pero ayokong lumala pa `to. I want to keep distance from him but I want to stick around him. I'm a mess right now, Aeryl. Hindi ko na alam ang gagawin ko,“ I told her with all my frustration. ”Hold on, Stacey. Pupuntahan kita riyan one of these days,“ aniya. ”Aeryl, nagseselos ako kapag magkasama sila Sasha,“ pag-aamin ko. Oo, nagseselos ako sa kanilang dalawa. They're on the same age while I'm behind them. Alam kong mas bata ako kumpara kay Zach pero hindi ko talaga napigilan ang sarili kong nagsimulang mahulog sa kanya. Zach, would you catch me if I fall? I want to know if you would or not.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD