Kabanata Twenty-one

3182 Words
Stacey`s POV This is a very special day for me and I will keep it treasured. Zach invited me for a simple picnic, we ate and then nagkwentuhan lang. Iniisip ko nga na ibang Zach ang kasama ko kanina dahil ibang-iba siya. Bumalik na kami sa hotel dahil may pipirnahan pa siyang papel tapos magpapa-meetingdin daw siya sa mga employees dito. Ako naman ay naglalakad lang dito sa tabi ng dagat dahil plano kong mag-sun bathing. “Hey, belissimma! You look beautiful today,” rinig kong sambit ni Jake habang naglalakad patungo sa akin.  He`s topless and his hair is wet, kagagaling niya lang yata sa dagat. Napansin ko na madami ang mga babaeng nakatingin sa kanya at hindi ko sila masisisi dahil ang hot ni Jake. He`s handsome and he got that bad boy aura. Mukha talagang basagulero si Jake pero mabait naman siya. “Hi! Grabe ang daming nakatingin sa`yo,” pabirong sambit ko. Umiling lang siya habang tumatawa. “Sanay na ako sa ganyan,” sabi naman niya. Dahil basang-basa pa si Jake, kinuha ko na lang yung dala kong tuwalya at binigay iyon sa kanya. “Oh, magpunas ka. Nakakahiya naman sa basa mong katawan.” “Thanks, belissimma.” Tinanggap naman niya ang tuwalya at nagsimulang magpunas ng katawan. Kagabi pa niya ako tinatawag na belissimma pero hindi ko alam ang meaning no`n. “Anong ibig-sabihin ng belissimma?” anong ko sa kanya. “Oh, that? Hindi ko rin alam,” aniya. “Don`t even start making fun of me,” natatawang giit ko. Tumawa lang din si Jake pero hindi muna siya sumagot. “Search it online. Tinatamad akong sabihin ang meaning nun,” palusot pa niya. Nakakatuwa talagang kasama `tong si Jake. “Fine,” maikling sagot ko. "Pwedeng tumabi?" paalam niya sa akin. Ang weird talaga nito, hindi ko naman siya pagbabawalan na umupo sa tabi ko. "Adik ka talaga, Jake. Hindi naman bawal na umupo diyan." Nagpaalam pa kasi eh pwede naman siyang umupo. "Gentleman kasi ako," giit niya. Mabilis ko siyang nilingon at tumawa ng malakas. "What was that again?" Namali yata ako ng rinig. "Ang gwapo ko," sabi pa niya. Hindi ko alam na mahangin din pala itong si Jake, akala ko seryoso siya sa buhay. "Hangin mo," sagot ko naman. Ano bang trabaho nitong si Jake? Hindi ko pa pala siya nakausap ng matino. “Mag-usap nga tayo ng matino,” dagdag ko pa. “Nag-uusap naman tayo. Hindi ba pag-uusap ang ginagawa natin?” pilosopong sagot niya. “Umayos ka nga. Bakit ka nandito? For vacation?” tanong ko. “Yeah. Ang boring kasi ng buhay ko sa company ni dad kaya tumakas ako,” aniya. Na-shock ako sa sinabi ni Jake. Tumakas lang pala siya kagaya ko? Well, hindi kami same ng situation pero ang point doon, we ran away from our parents. “Why would you do something like that?” tanong ko ulit. Kasi ako, tumaas ako dahil ayoko pang maikasal, I want to know his story. “My dad sucks. I don't want to manage my family's business because I want to be an architect. I took the course that I hate and then graduated from college five years ago but I haven't been able to manage our business well. Sakit ako sa ulo ni dad pero wala akong pakialam dahil hindi ko gusto ang pinapagawa sa akin,” kwento niya. Bakit kaya may mga magukang na ganyan? Hindi nila pwedeng ipilit ang gusto nila sa kabilang mga anak. Ang gusto ko rin ay maging fashion designer pero pinilit ako nila mommy na mag-take ng Business Management. Ang hirap maging isang paru-paro na pinutulan ng pakpak. “I'm planning to stay here for good,” Jake added. I looked at him and smiled. “I actually want to stay here and just be free. I have my freedom here,” I said. “Kumain ka na ba ng tanghalian?” pag-iiba niya sa usapan. “Hindi pa pero gusto kong kumain ng snack. I'm craving for pizza and beer.” Gusto kong mag-chill muna dahil ang taas pa ng araw. Mamayang hapon na ako magtampisaw sa tubig. “Alright. Sama ka sa akin, may pupuntahan tayo,” anyaya sa akin ni Jake. “Saan tayo pupunta?” tanong ko naman. Tumayo na siya sa upuan bago ako hinila patayo. “Basta. Makikita mo rin kapag nandoon na tayo,” sabi niya. “Okay. Siguraduhin mo lang na makakakain ako ng masarap doon.” Bigla kasi akong nag-crave ng spicy fried chicken, pizza tapos beer. I badly want to eat those. “You will, trust me.” Nagpahila na ako sa kanya papunta sa sinasabi niyang pupuntahan namin. “Malayo ba ang pupuntahan natin?” Tinatamad kasi akong maglakad dahil ang init. “Oo kaya sabihan mo ako kapag pagod ka ng maglakad,” sabi niya. Hindi nagbibiro si Jake sa sinabi niyang malayo ang pupuntahan namin. Ten minutes na kaming naglalakad pero wala pa akong nakikitang kainan dahil flat na buhangin ang nakikita ko. “Malayo pa ba?” hindi ko napigilang itanong kay Jake. “You tired?” he asked. Tumango lang ako bilang sagot dahil tinatamad na talaga ako. Nag-squat si Jake sa harap ko tapos sinabihan niya ako na sumakay sa likod niya. “Sakay na, dalian mo.” Dahil nga sa tinatamad ako, sumakay na lang ako sa likod niya tapos nagsimula na siyang maglakad. Mayamaya lang ay may nakita akong parang beach house na kulay puti sa malayo. “Doon ba tayo pupunta?” tanong ko sabay turo sa nakita kong parang beach house. “Yeah,” maikling sagot ni Jake. “Bakit hindi ko alam na may ganito pala sa isla?” Ilang araw na ako rito pero never kong narinig may ganito rito. The place is isolated pero relaxing ang paligid nito. “Pasok na tayo sa loob,” anyaya niya sa'kin. Pagpasok namin sa loob, napanganga talaga ako sa ganda at lawak ng lugar. Ang classy tignan tapos mapapansin talaga na mayaman ang may-ari dahil sa interior design. “Hey, Gomez! You brought someone,” rinig kong bati ng isang lalaki kay Jake. This man is also hot and he got the looks. Okay, bakit ang gwapo ng mga nakakasalamuha ko recently? “Yeah. Her name is Snow. Snow, this is Enzo, the owner of this club house,” pagpapakilala niya sa aming dalawa. “Hi!" bati ko kay Enzo. ”Hey, beauty! Welcome to my club house!“ bati rin sa akin ni Enzo. ”She wants pizza and beer,“ singit naman ni Jake. ”And a spicy fried chicken,“ I added. Hindi ko alam kung meron silang gano'n dito pero sinabi ko na baka lang naman meron. ”Noted. Ikaw, anong gusto mo?“ tanong naman ni Enzo kay Jake. ”Beer, pizza and spicy fried chicken too. Bilisan mo dahil nagugutom na siya,“ sagot ni Jake sabay turo sa akin. ”You can take your time, Enzo. Hindi naman ako nagmamadali. Baka si Jake lang talaga ang gutom,“ ani ko tsaka siniko si Jake. ”Ohh okay. Umupo muna kayo habang ginagawa nila ang order niyo,“ ani Enzo. Umupo na kami sa table habang si Enzo naman ay may kinakausap na employee yata niya. Pagkatapos nilang mag-usap ay nilapitan niya kami ant nakiupo sa table namin. ”Maghintay muna kayo ng konti bago nila ipunta yung order niyo rito sa table,“ sabi ni Enzo. ”Yeah, it's fine.“ Sakto lang naman na maghintay basta hindi sobrang matagal. ”I haven't heard about your club house since I came here. I've been staying here for couple of days already,“ I told Enzo. ”Because my club house is private. You have to be a member before you can enter but ONLY men can be a member. May exclusive black card ang bawat member ng club house ko at syempre may benefits din silang makukuha,“ paliwanag ni Enzo. ”What are those benefits?“ I curiously asked. ”They can invite their woman or their friends. They can also exclusively rent my club house but they have to pay a huge amount first. Hindi kasi lahat ay nakakapasok dito kung hindi sila inimbita ng isang member,“ dagdag na paliwanag niya. ”Ohh. So, how many members do you have?" Curious lang ako kung ilan na ba ang members ng club house niya. Siguradong mayayaman ang mga `yon dahil mukha talagang mamahalin ang club house ni Enzo. “Twenty,” he answered simply. Napanganga ako sa dami ng members ng club house niya. Gosh! How much does he earn and how much does he get from each member? Ang yaman din pala ni Enzo but he deserves it naman kasi pinaghihirapan niya iyon. “Just, wow! Are they your friends?” I can't stop myself from asking. Aliw na aliw ako sa business ni Enzo. “Most of them pero yung iba, kakilala ko lang.” Okay, I get it. He's sociable and I wonder how did he make so much friends? Ako kasi, si Aeryl lang ang kaibigan ko. “Don't talk about business in front of me, I'm sick of it,” reklamo ni Jake noong sumbat siya sa usapan namin ni Enzo. “Bro, you're a businessman too. You should join us!” pang-aasar ni Enzo sa kanya. “f**k! I'm not a businessman, I hate that job. I want to be an architect,” Jake replied. “Yeah, yeah, yeah. You can't stay here forever, uuwi ka rin tapos `yan din ang trabahong babagsakan mo,” sabi ni Enzo sa kanya. “Titira ako rito hanggang mamatay si dad,” bored na sambit niya. “Ang bastos din pala ng bibig mo, Jake. Pakilagyan `yan ng filter,” ani ko. Kahit naman may galit ako sa mga magulang ko pero hindi pa rin na deserve na masabihan ng ganyan. “Matagal pa ba ang order namin?” Pag-iiba ni Jake sa usapan. Magaling din siyang mag-change ng topic, eh. “Wait, I'll go check it,” sabi ni Enzo bago umalis papunta yata sa kitchen. Wala pang dalawang minuto ay bumalik na siya na may hawak na dalawang glass ng beer. Inilapag niya ang mga ito sa table at kasunod no'n ang dalawang box ng pizza at dalawang bucket na spicy fried chicken na sinerve ng isang waiter. “I can eat my order for three meals like, bakit ang dami? You should have ordered too, Jake. Dalawa na lang sana tayo sa isang order,” giit ko. Hindi ko kayang ubusin ang inorder ko dahil sobrang dami. “Kaya mo `yan. Aalis lang tayo dito kapag inubos mo lahat ng `yan.” May saltik yata sa ulo `tong si Jake. Kaya kaya niyang ubusin yung order niya? “Baliw ka, Jake. Hindi ko kayang ubusin `to. Samahan mo na lang akong ubusin yung order ko, Enzo,” anyaya ko kay Enzo na ngayon ay nakatingin sa screen ng phone niya. “Are you sure?” paniniguradong tanong niya. “Yeah. Go get your beer and join us.” It will be more fun kapag may kasama kami ni Jake dito. “Sure,” sagot ni Jake bago siya umalis para kumuha ng beer niya. “Ubusin mo lahat `yan inorder mo. Tignan na lang natin kung makakatayo ka pa,” hamon ko kay Jake. “I can eat these and order another box of pizza and a bucket of chicken,” sagot naman niya. Tumahimik na lang ako at hinintay na bumalik si Enzo. Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Enzo na hawak ang kanyang beer. Binuksan ko ang ang pizza at kumuha ng isang slice tapos tinikman ito. “This is good,” komento ko. “You can also try the chicken,” Enzo suggested. Inubos ko na yung pizza at kumuha naman sa chicken. “Ghad! It tastes so good!” Thumbs up din sa chicken nila. Sakto lang yung anghang niya tapos crunchy din. “Pwede bang araw-arawin ang pagpunta rito?” Gusto kong tumambay lang dito habang kumakain. “Sure,” mabilis na sagot ni Enzo. “But you have to invite atleast one of your friends,” dagdag niya. Good. Isa lang naman ang kaibigan ko, si Aeryl pero bakit kailangan ko pang mag-invite? “Okay but why do I have to invite someone?” nagtatakang tanong ko. “Do you have a girl friend? I want to meet one of them,” he said and winked. Parang nakuha ko ang gustong iparating ni Enzo. “I don't know if I'm guessing it right,” I said. “You got it. Please introduce me to one of your friends.” Sabi ko nga ba! Iyan ang point ni Enzo pero hindi ko agad iyon nakuha. Aeryl is planning to come here and Enzo wants me to introduce my friend to him. I think it's a perfect timing tapos sa tingin ko naman ay bagay silang dalawa. Ngumisi ako sa kanya ay tinaas ng baso ko. “Okay, cheers!” Ipapakilala ko siya kay Aeryl tapos si Enzo na ang bahala sa susunod na hakbang. Siguradong mabibighani siya sa ganda ng kaibigan kong suplada. Baka ngayon na yung panahon para magka-boyfriend na siya at nang hindi na siya bittrr kapag nakakakita ng magjowa. Nagkwentuhan kaming tatlo habang umiinom ng beer hanggang 3 PM kaya yung plano ko na namang maligo ay naudlot. On the brighter side, ayos lang din na hindi matutuloy ang plano ko ngayon basta nag-eenjoy ako ngayon. Naparami kami ng kwentuhan at tawanan kaya hindi boring. “Bakit pala walang babaeng member dito sa club house mo?” tanong ko kay Enzo. “Because women are meant to be invited in by men. However, I'll give you a special excuse. You can come here anytime,” sagot naman niya. “Really?! I mean, kahit hindi ako member?!” gulat na giit ko. Tumango si Enzo bagi sumagot. “Yup pero dapat may ipakilala kang kaibigan mo sa akin,” pilyong sambit niya. “Meron. Hinihintay ko lang ang pagdating niya rito sa isla,” ani ko. “H'wag mong ipakilala yung kaibigan mo kay Enzo dahil wala siyang sineseryosong babae,” giit naman ni Jake. “Okay lang. Hindi naman tanga-tanga ang kaibigan ko.” Kayang-kaya niyang sabayan si Enzo kahit babaero pa ito. I'll bet my coin to my friend. Pagkatapos namin umalis ni Jake sa club house ni Enzo, dumiretso na ako sa room ko para magpahinga. I went to two places at once kaya its quite tiring. Humiga na ako sa kama ko tapos kinuha ang phone ko para tawagan si Aeryl. “Oh, napatawag ka?” bungad na tanong niya sa akin. “Busy ka pa?” balik na tanong ko. “Yeah and I'm so stressed that I want to take a break. I'm actually planning of coming there tomorrow or sa susunod na araw,” aniya. Its good to hear that she's finally coming here. I miss her so much and I can't wait to see her. “Just come here. Hindi ka magsisisi na pumunta rito dahil sa ganda,” sabi ko. “I searched the island online and yes, it's so beautiful. I can't wait to go there. Hey! By the way, your mom came here this morning and asked if you called for atleast once,” aniya. Napabangon ako sa higaan. “And what did you reply?” “Syempre I acted sad and depressed kahit hindi naman. Sinabi kong never ka pang tumawag sa akin and that I'm hoping you will go home soon. Oh, `di ba? Very convincing yung sinabi ko kay mommy mo,” sabi pa niya. Mahina akong tumawa. “Gaga ka talaga. Hayaan mo munang hanapin nila ako dahil ayoko pa talagang umuwi. I love my freedom here.” I can do the things I want to try without someone controlling each action I make. “Madami bang gwapo diyan? I'll get bored kapag puro pangit lang ang makikita ko diyan,” bored na sambit ni Aeryl. Bigla ko namang naalala yung sinabi ni Enzo kaya napangisi ako. “I've seen hot men here. May ipapakilala ako sa'yo kapag nandito ka na,” ani ko. “Really? Naku, Stacey dapat gwapo `yan para naman ma-inspire ako,” pabirong giit niya. Tumawa kaming dalawa dahil doon. Ghad! I miss her so much! “By the way, you have to practice calling me Snow from now on because that's what they call me here. Snow dela Cruz ang pinakilala kong pangalan dito, hindi Stacey Rodriguez,” giit ko sa kanya. Mahirap na baka mabisto pa ako. “Yeah, fine. I have to go dahil nag-iimpake na ako. Wala ka bang ipapabili sa akin dito?” tanong niya. Oo pala! I'm running out of chocolate stock and some things that I need. “Send ko sa'yo yung list ng kailangan ko mamaya.” “Sige. Bye muna, tatawag ulit ako bukas kung matutuloy ako,” giit niya. “Okay. Bye, Aery. See you soon!” Pinatay ko na yung tawag tapos humiga ulit sa bed ko. After a while nakarinig ako ng malakas na katok mula sa door ko. Lumabas ako tapos binuksan ang pinto para tignan kung sino `yon. Laking gulat ko no'ng nakita ko si Zach na nakatayo sa labas. Napansin ko ang seryoso niyang aura at ang titig niya sa akin na nakakatakot. Have I done something wrong? Bakit ganyan na naman siya makatingin sa akin? “What?” I managed to ask. Hindi siya nagsalita at basta na lang pumasok sa loob ng room ko tsaka umupo sa couch. Sinara ko muna yung pinto bago siya sinundan. “Bakit ka nandito?” tanong ko ulit. “You're asking me why I'm here?” He hissed and looked away. Ano bang problema nito? “Did you enjoy hanging out at Enzo's club house?” he asked. Oh, that. “Of course, I did! Ang saya nga, eh,” sagot ko sa tanong niya. Lalo pang dumilim ang expression niya tsaka hinila ako paupo sa tabi niya. “What's wrong with you?!” gulat na tanong ko. “Why did you go out with Jake? Are you two friends?” he shot me with two questions. “Bakit? Kaibigan ko naman siya kaya okay lang na lumabas kami na magkasama.” Wala namang malisya roon dahil matanda na kaming dalawa. Anong issue nitong so Zach? “Fine. You can hang out with him all you want. You're friends, right?" sabi niya. "Seriously, Zach? Anong problema mo?" tanong ko. "Nothing. I have to leave," aniya bago tumayo at naglakad paalis. Sinara niya yung pinto noong umalis siya at ako naman ay nakatitig sa kawalan. I'm really confused bakit ganyan si Zach kanina. Ayan na naman yung side niya na hindi ko maintindihan. Okay naman siya kaming umaga? What happened to him? "Ghad, Zach! Hindi kita maintindihan!" naguguluhang sambit ko. Siya lang ang nakilala ko na hindi ko maintindihan ang takbo ng isip.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD