“Eman, gising. Gumising ka,"
“Halimaw..." taranta ang isip ko na sabi nito.
“Hoy,"
Teka, boses talaga ang naririnig ko na tumawag sa pangalan ko. Nararamdaman ko rin ang pagyugyug ng mga kamay nito sa katawan ko. “Eman, uy, anong nangyari ba sayo?" narinig ko muli ito magsalita.
Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Baka si Ina ang makita ko. Nanlilisik ang mga mata nito na tila ba ay hindi siya ang nasa harapan ko. Lumapit kasi ito. At nang makalapit siya ng mas malapit. Duon ko nakita ang nakakatakot niyang itsura.
Namumula ang kanyang mga mata. Animo'y tila ba masusunog ka habang sinasalubong ang mga mata nito— napahugot ako ng hininga. Mas naramdaman ko ang pagyugyug sa katawan ko. Niyugyog na nang may-ari ng boses ang nakahiga kong katawan sa lupa.
“Eman, bangon ka na, uy, ano ba? Bakit ayaw mong imulat ang mga mata mo?" tanong— kilala ko 'yon.
Bigla kong naimulat ang mga mata ko. Si George.
Biglang balikwas ko rin sa pag-upo. Mabilis pa sa kidlat— bumangon ako at naupo. Humarap ako kay George at parang t*nga na pinindot ang magkabila niyang pisngi.
“Ano bang ginagawa mo?" tanong niya. Hindi ako sumagot.
“Bakit ba?" naiinis niyang angal ng hawakan at hilahin ko ang isang kamay niya at hinawak ko naman sa aking mukha.
“Buhay ako?"
“T*anga, natural buhay ka, bakit mo naman iisipin na patay ka na?" tanong nito, binatukan ako sa ulo. Gumaganti ang g*go.
Oo nga pala, bago mangyari ang nangyari kangina. Nakita ko pa siya at si Tristan kausap ko sila. Pero nasaan si Ina? Nagpalingon-lingon ako. Nagtaka si George kung bakit sa buong paligid. Tinitingnan ko.
“Hoy, bakit?" naipaling ko ang mukha ko sa kanya, bakas ko ang nagkasalubong niyang kilay.
“Si Ina nakita mo?" Umiling si George. Duda ang kanyang itsura.
“Hindi ko siya nakita. Pero ikaw nakita ko ng bumagsak ka dito." Sabi niya, ako naman itong nagsalubong ang kilay ng balikan ko ang pangyayari kangina. Nag-iisip ako, nagpatuloy naman si George sa pagkukwento.
“Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung anong nangyari sayo kangina." saad niya, nagtanong agad ako ng tingnan ko siya ng ganito. Nanlalalim.
“Hoy, ibalik mo nga kung ano itsura niyan kangina. Nakakatakot ka naman tingnan sa ganyang tingin mo." Ewan ko, para akong naging rebulto na hindi nagalaw maging ang mga mata ko.
Hindi ko nga alam kung anong anyo o itsura ba ang tinutukoy nito. Basta naisip ko, parang ganito din ako kangina ng mapatulala at napahinto sa harap ni Ina bago pa man ako mawalan ng malay at bumagsak ng una ang ulo. Para akong binaluktot kangina habang sakal ni Ina at nakikita ko ang nanunulis niyang mga mata.
Mahigpit akong sinakal ni Ina, nang naubusan ako ng oxygen at tila nangitim ang aking mukha, mabilis pa niya akong binitawan na parang tinulak at duon na ako nawalan ng aking malay.
“Ano bang itsura ko ngayon?" tanong ko, naipatong ko ang kamay ko sa balikat niya, nanlalalim ang mga tingin. Palagay ko lang.
“Anong itsura mo?" Tumango ako.
“Ano nga ba?" Tila ay nag-isip pa.
“Hmm, hindi ko alam kangina ng sundan kita. Tila na nagulat ka at napahinto nalang. Ewan ko, kung bakit bigla ka nalang tila natakot at napahinto." wika ni George. “Naisip kong lapitan sana kita kangina. Kaya nga lang ay bigla tila ba... ewan!Hindi ko din alam kung paano ko explain ang nakita ko bago ka bumagsak dito sa lupa. Para kang takot na takot talaga at sumigaw ka pang demonyo. Gaya ng sabi mo kangina habang natutulog ka at walang malay. Nagsasalita ka pa at binabanggit mo ang salitang demonyo. Habang ginigising kita at ayaw mo naman magmulat ng mata." patuloy nitong kwento.
Naiangat ko ang isang kamay ko sa aking ulo. Masakit. Sumakit bigla ito. “Ayos ka lang?" hindi naman ako mukhang ayos sa nakikita niya pero tinanong agad niya ako kung ayos ako.
Hindi ko rin alam pero ang dibdib ko parang may nagsusumiksik sa bawat sulok. Masakit din. Napahawak nga din ang isang kamay ko dito na para bang naninikip talaga ng sumisikip, saka ako nahihirapan huminga.
“Eman, okay ka lang ba talaga?" shock pa rin ito nakatingin at nakamasid ng maupo ako. Iniisip ko si Ina.
“Saglit, tumayo ka muna. Lumakad tayo sa banda doon. Masyado madumi dito." nakasalampak nga pala ako sa lupa habang siya nakaupo ng hindi sinasayad ang pw*t sa lupa.
Inalalayan niya ako tumayo. Hinawakan niya ako sa isang kamay ko at saka iniangat ng makatayo ako.
Nagpagpag muna din ako ng aking likod na puno ng dumi mula sa lupa na inupuan ko. Si George ang nagpagpag sa aking likod ng hindi ko na ito maabot.
Napabuntong-hininga ako, lumakad at nilakad ko ang mga paa ko ng may magkasunod na hakbang.
Ramdam ko pa din ang higpit ng pagkakasakal ng kamay ni Ina sa aking leeg.
“Maupos ka muna, halika." alok nito na ikinaupo ko nga sa isang tuyong nabuwal na puno.
“Alam mo nakapagtataka ka, Eman."
“Nakita ko yung babaeng nakapula. Hindi mo ba nakita kangina?" shock na shock ang mukha nito. Nabahiran din ng pangamba sa itsura niya.
“Sure ka ba?" tanong niya, Tumango ako.
“Oo, nakita ko siya. Talaga bang hindi mo nakita?" Umiling siya, napaisip ako.
Hindi naman ako tiyak na namalitmata lang kangina. Talagang nakita ko si Ina at sinakal pa nga ako. Paano hindi niya nakita kung sinundan niya ako at nakita niya ang mga nangyari sa akin kangina.
Imposible? Napatanong at napasinghap ako.
“Sure ka din ba talaga na hindi mo siya nakita? Si Ina nakita mo?" tanong ko, tumango ito. Nagdikit ata ang mga kilay ko sa pagkunot ng noo ko.
Paano niya nakita si Ina? Kung kangina nakita niya ako dito ng may kakaiba siyang mapansin sa akin at nakita niya ang pagkabuwal at pagbagsak ko sa lupa... Tapos si Ina, ang nakapulang babae hindi niya nakita? Imposible—
“Nakita ko siya kila Aling Chedeng kangina bago pa ako nagdiretso ng sunod sayo. Binati pa nga niya ako eh, sabi ko pa nga ay susunod ako sayo. Tinanong ka pa nga niya sa akin. Sumagot din ako kangina magkakasama pa tayo ni Tristan sa may tambayan." wika ni George, nakakagulat naman. Imposible talaga. Sino ang babaeng kangina nakita ko na may nakakatakot mata?
Hala, kung hindi si Ina, sino siya?
Heto na naman ako, naglalandasan ang tila mga maliliit na insekto sa kalob-looban ko. Minsan napapansin ko nga din na parang may kakaiba din sa akin. Kasi nga ay madalas ako kausapin ng mga hindi nakikita ng mga ordinary lang na tao. Parang ako, hindi ko maihahanay sa mga ordinaryo ang sarili ko. Pakiramdaman ko naiiba talaga ako.
“Nakita ko talaga siya, nanlilisik ang mata." bulong ko, mabilis na narinig ni George.
“Sino ba?"
“Yung babaeng nakapula nga." yamot ko naitugon. Subalit sa itsura ngayon at pagkakapinta ng mukha ni George. Hindi pa din siya tila naniniwala although na shock siya sa nakwento ko sa kanya kangina.
Kahit sino naman siguro ang paglalaanan kong mapagkwentuha. Hindi agad maniwala lalo na't ako... ako... nawalan nga ng malay at nakita nakahiga na sa lupa.
“Wala naman akong nakita kangina dito. Wala talaga, Eman."
“Meron talaga, sinakal pa nga niya ako dito." nilagay ko ang kamay ko sa leeg at pinakita kung paano ako sinakal at yung mata... Nagulat at napaatras siya ng bumagsak sa lupa at tumama ang balakang sa dulo at nakausling kahoy.
Nasaktan siya, ngiwing-ngiwi ang mukha na para bang bako-bakong kalsada ang itsura. Madami kasi siyang pimples. Hehehe, tapos ay maitim din si George. Kaya naman nakakatawa pero sadyang oo. Ganun talaga ang itsura niya, paano pa kaya kung siya na ang sumunod na makakita sa nakapulang babae? Baka mas namutla siya at tumakbo nalang sa takot niya.