Bata pa lang ako. Madalas ko na marinig ang tungkol sa mga kwento-kwento ng mga matatanda at mga batang tulad ko.
Lagi nilang usapan ang tungkol sa pagala-gala raw na babaeng nakapula.
Walang nakakakilala dito sa aming lugar na kahit sino sa babaeng tinutukoy nila na nakapula.
Wala din ang makapagpatunay na totoo ito. Dahil wala pa naman sa bayan namin ang pinagpakitaan nito.
Sa kabilang bayan kasi ito namataan ng isang lalaking lasing at hayok sa laman. Buong akala ng lalaki ay panalo na siya ng sa tingin niya ay isa lang itong pagala-galang babae sa kanilang lugar na naligaw. Hindi kasi pamilyar sa kanya ang pormahan ng babae. Kaya naman malakas ang loob niya na nilapitan ang nakapulang babae. Subalit laking gulat niya ng bigla nalang siya nito panlisikan ng mga mata.
Napatumba ang lalaki, tutop ang bibig na naituro niya pa ito ng kanyang daliri at sinabi. "Demonyo" sigaw ng lalaking lasing, nauutal at garalgal ang boses na napatakbo palayo at nagkadauntog pa ito sa mga puno ng napasukang kagubatan.
Mula sa mga kwento-kwento ng mga tao.
Mula ng gabing iyon ay hindi na umuwi ang lalaking lasing. Hindi na rin ito namataan ng mga kakilala at pamilya sa lugar nila. Sa madaling salita walang nakakaalam sa tunay na nangyari sa lalaki.
Tanging tsinelas na nasira at butas ang naiwang bakas ng lalaki ng araw na 'yon.
Umiiyak ang pamilya ng lalaki, lalo na't madalas itong hanapin ng mga batang anak nito na halos wala pang kamuang-muang sa buhay ay naiwan agad ng kanilang ama.
Sampu ang anak ng lalaking nasabing nawawala. Hindi nga ito ganun kahilig sa s*x dahil sa nakasampo pa itong anak at sunod-sunod ang taon ng mga kaarawan ng mga batang anak nito.
Bata pa din ang asawa nito na wala pang trenta. Habang ang napabalitang lalaki. Nasa kuwarenta.
"Anong kalokohan na naman ang pinagkukwento mo sa mga bata?" galit na tanong ni Ina. Dumating na pala siya.
"Sorry po, kumain na po ba kayo?" tanong ko, kinuha ko ang bayong na nakasukbit at maging ang hawak din ng kamay nito. Hindi ako pinansin.
Agad pumasok si Ina sa loob ng bahay, hindi ko alam kung bakit tila pagod at wala sa sarili ito ng umuwi ng aming bahay.
Gewang-gewang kasi siya na naglalakad at parang matutumba. Ako naman nakasunod sa likod niya, baka sakali nga tulad ng nasa isip ko. Matumba siya
"May niluto po akong tinapa. Gusto niyo po kumain?"
"Busog ako, ipagtimpla mo nalang ako ng kape." tugon sa akin ni Ina, lumakad naman ako papunta sa kusina upang magtimpla 'nga ng kape niya.
Ano kayang nangyari kay Ina? Bakit parang may mabigat na dala si Ina pag-uwi niya? tukoy ko sa parang mabigat nitong pakiramdam at masungit nitong ugali ngayon.
Parang pagod na pagod din ang itsura niya. Saan kaya siya napalaban? naitanong ko sa sarili habang naglagay ako ng tubig sa takure.
Napasinghap ako habang naiisip ko, kung anong pinagdaanan ni Ina ngayong araw sa kanyang pagtitinda sa kabilang bayan? Nakapapanibago kasi. Hindi ganyan si Ina sa tuwing uuwi siya. Ngayon lang siya umuwi na para bang talagang napaka laki ng problema niya.
"Yung kape ko," sigaw ni Ina.
"Saglit lang po, nagpapainit pa ako ng tubig." pabalik kong tugon, napasigaw din ako. Hindi niya kasi maririnig kung hihinaan ko.
Bakit kasi ngayon pa kami naubusan ng tubig na mainit? Naitanong ko, habang aking hinihintay matapos na kumulo ng mainit na tubig.
Saka ko lang naalala, nang maikamot ko ang kamay ko sa aking ulo.
Pinampaligo nga pala ni Kuya kangina bago pumasok ng trabaho niya ang mainit na tubig na pinakulo ko, kanginang umaga.
Makaraan kong makapagpainit ng tubig. Mabilis akong nagtimpla ng kape ni Inay, galit na ito at ilang beses na din sumigaw. Nagugulat pa ako, kamuntikan ko pang maibuhos ang mainit na tubig sa aking katawan. Nang nagmamadali akong maisalin ito sa thermos.
"Nay, eto na po ang kape niyo," naku po, kasarap ng tulog ni Ina. Naghihilik pa. Patawa din itong si Ina, matapos magsisigaw abot hanggang sa ikapitong bahay ang lakas. Sa pagtulog din pala ang bagsak niya. Napailing nalang ako.
******
"Nabalitaan mo bang nagpakita raw muli ang babaeng nakapula after ilang taon ang lumipas. Napakatagal na nung huli na magpakita ito at sinasabi nila na namataan nila ito sa kagubatan. Naalala mo pa yung kwento ng lalaking lasing na nagbalak gahasain ang babaeng nakapula?" Tumango ako. Napalunok din ako, para kasing nilalamon ng takot ngayon ang katawan ko ng magtaasan ang mga balahibo ko ng kinilabutan ako sa mga sumunod nitong kwento.
Mahabaging langit, parang ayaw ko ng marinig pa ang susunod nitong sasabihin, bulong ko habang napausod ako ng upo at biglang napatayo ng tila may kumalabit sa likod ko. "Gosh," sabay ako napasigaw at tiningnan ang kung ano ba yung bilgang naramdaman ko sa likod.
"Bwisit ka!" binato ko ng hawak kong dalandan sumakto sa kanyang noo.
Pumaling ang mukha nito, nasaktan kasi ng madaplisan ng sumunod ko muling bato ng dalandan sa mukha nito.
"Bakit ba nananakot ka?" tanong ko sa kanya, naupo ito sa kinauupuan ko kangina. Tawa-tawa pa ng para bang hindi man lang nasaktan sa lakas ng pagkakahagis ko sa hawak kong dalandan.
"Ano ba kasi ang pinag-uusapan niyo? Napakaseryoso niyo kangina pa habang napapanuod ko kayo sa itaas ng puno."
"About sa Lady in Red. Naalala mo ang kwento don?" sumeryoso ang mukha nito. Nag-iisip ng pumaling ang tingin sa akin.
"Naalala ko na, Julius. Di ba, minsan mo nang naikwento yon sa mga bata sa gawi ng bahay niyo?" Tumango ako.
Lalaki na pala ako, itong kausap ko si George habang itong baliw na naupo at inagawan ako ng upuan. Si Tristan.
Ako pala si Eman, kalalaking tao ko, pero napakamatatakutin din ako. Nakakita na rin kasi ako ng tikbalang duon sa likuran ng bahay namin. Minsan kapre pa nga, kinawayan pa ako at kinausap. Kaya lang ay nagtatakbo ako palayo sa takot ko. Iyong suot kong short nahubo. Kasi ay sumabit ako sa isang bakod sa kakatakbo ko at ayun, yung garter ng suot kong short nasabit. Hanggang sa lumuwag ang suot ko at nahubo sa akin.
Naalala ko pang pinagtatawanan pa ako ng nitong si Tristan. Nakita niya kasi ang namumutla kong itsura. Habang imbis na alalayan ako at damayan sa labis na takot na bumalot sa 'kin. Pinagtatawanan niya pa ako at nasamid nalang siya ng malunok ang naipon na laway sa kanyang lalamunan.
"Anong na bang latest? May bago ba?" tanong ni Tristan.
"Oo, may nakakita na naman sa babaeng nakapula. Ang balita, nasagap ko lang ito at kwento ng erpat ko." lumingon ito sa likod, naging mahina ang kanyang bulong. "Ngayon naman raw, namataan muli sa gubat ang babaeng nakapula. Dito lang sa atin. Malapit kila Eman." pumaling ito sa akin.
"Tapos?" Hindi makapaghintay na wika ni Tristan.
Sabi ni George. "Sabi ni Erpat kay Ermat. Kasabay ng pagkakita sa babaeng nakapula. Siya din raw ang pagkawala nito ng mabilis at parang iglap lang. Nawala ito." kinilabutan na naman ako, may nauna kasi si George kangina nabanggit tungkol sa natagpuan na kalansay sa may kabilang bayan. At ang kwento niya ang lalaking nawawala may ilan taon na. Ang siyang natagpuan ng taong nakakita sa babaeng nakapula.
"Dinig ko sa kwento ni Erpat. Matapos mawala ng babaeng nakapula. May natagpuan din daw dito sa lugar natin na isang bangkay, sa kagubatan." nakakatakot na wika nito ng ibinuka nito ang bibig ng parang- kinilabutan talaga ako. Kasabay ng hindi ko na narinig na sinabi nito ng mahina at halos ibinulong lang niya. Isang napakalakas na hangin ang dumaan sa aming tatlo lang.
Napalingon ako sa paligid. Pero sa gawi lang namin kami nanlamig. "Naramdaman niyo." Tumango kami ni Eman.
"Sige na, aalis na ako." sabi ko, nagpaalam muna ako mauuna sa kanila. May napansin ako sa tabi ni Tristan at hindi ko na kinaya pang tingnan. Hindi ko naman binanggit sa kanya at baka magtatakbo sila... Mauna pa sila at maiwan ako.
Gabi na, madilim na sa dadaanan ko pauwi ng bahay. Jusko, wag naman po. Ipinikit ko ang mga mata ko ng makita ko ang isang- ayaw ko na banggitin at baka pagdilat ko... Siya pa rin ang makita ko.
Ilang sandali ng tumigil ako sa paglalakad. Nagdesisyon akong imulat ang mata ko. Napasigaw ako- pero agad kong natutop ng dalawang kamay ko ang bibig ko at napalunok.
Si Inay...
Si Inay....
Siya ang babaeng nakapula na pinag-uusapan pa lang namin kangina ng mga kaibigan ko.
Hindi ko alam saan ako papaling ng tingin o tatakbo. Pero- nangingilabot akong napahugot ng hininga. Hindi ko alam, pero nangingilabot ang mga binti at braso ko. Para akong tinali dito. Sa lupang kinatatayuan ako.
No....... sigaw ko at nawala ako ng malay.