IRISH: PANAY ANG TULO ng luha ko habang mabilis na sinisilid ang ilang damit sa maleta ko. Hindi ko siya kayang makita o makausap pa. Tama na. Ayo'ko nang magpabola na naman sa kanya. Sa pagpapainosente niya. Sa pagpapanggap niya. Wala namang issue sa akin ang pagkuha nito sa necklace dahil para naman talaga sa kanya ang kwintas na 'yon kaya ko binili. Ang kinagagalit ko ang pakikipagtagpo pa nito kay Elijah at pagsabing mahal niya ito. Mahal niya pa rin ito. Paano naman ako? Kung nasa puso at isip niya si Elijah saan ako lulugar sa kanya? P*tangina! Alangan namang sa balunbalunan niya ako lulugar? Sa kidney? Sa atay? Shuttaah! ako si Irish Shayne Crawford. Wala sa kalingkingan ko ang magmakaawa sa isang lalake para manlimos ng pagmamahal! Tama na ang pangungulit ko sa kanya. Natauhan na