“Nandito na tayo, Hijo,” anang driver sa akin dahil nakatulog ako.
Nandito ako ngayon sa kaklase ko na si Brandon. Pero, hindi ko alam kung patutuluyin ako nito dahil nakititira lang din ito sa tita niya.
“Salamat ho, Manong,” sambit ko. I gave my p*****t and went down. I rang the doorbell, but no one came out. I sat on the pavement. And I leaned against the gate. “Kung buhay lang sana kayo mama, hindi mangyayari ito. Pero, kasalanan ng mag–inang iyon. Kasalanan nila kung ba’t nangyayari ang lahat ng ito,” garalgal na sambit ko.
I hugged my knees. And I just let my tears fall. At hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
***
“Silver! Silver!” I heard my name called, causing me to open my eyes.
“Brandon,” sambit ko at mabilis akong tumayo.
“What are you doing here? Lumayas ka?” gagad nito.
“Oo, Brandon dahil ayaw ko na sa bahay dahil nandoon na ang kabit ng daddy ko at ang anak niya,” pahayag ko.
“Ano? Agad–agad? Grabe naman ang daddy mo,” saad nito.
“Kaya, lumayas na lang ako. Um, puwede bang makiligo, Brandon?” tanong ko.
“Puwede! Pero, hindi ka puwedeng tumira sa amin dahil alam mo naman na nakititira din ako dahil alam mo naman si tita at baka paalisin niya ako at ayaw ko ring umuwi sa amin dahil magulo rin. Alam mo na ang politics,” wika nito sa akin.
“Okay lang, Brandon. Makililigo lang ako,” pakiusap ko.
He accompanied me to his room and I showered and got dressed. Sabay na kaming pumasok ni Brandon at sa canteen na lang ako snag–almusal.
We entered our class and I didn't understand a single thing, hanggang mag–uwihan na kami.
“Saan ka ngayon, Dude?” tanong ni Brandon sa akin.
“Hindi ko alam, bahala na,” sagot ko.
“Pasensya ka na talaga, Dude, dahil hindi kita mapa–stay sa bahay ni tita,” hinging paumanhin niya.
“Okay lang at kaya ko naman ang sarili ko,” ngiti na sambit ko.
Lumabas na kami sa campus at nagkanya–kanya na kaming dalawa.
Pumunta ako sa public CR at doon ako nagpalit. Dito na lang ako sa palengke magpalilipas ng gabi. Wala naman sigurong loko–loko rito dahil probinsya naman ito.
“O, Totoy, pagkain mo,” anang matandang lalaki sa akin, sabay bigay ng nakasupot na pagkain na may ulam na.
“Salamat ho, Manong,” ngiti na sambit ko. Gutom na ako kaya nilantakan ko na ang pagkain.
Hindi kasi puwede na maubos ang pera ko dahil limang daan lang ito. At dahil nabawasan na’y magtatrabaho ako rito sa palengke.
Sabado bukas at tamang–tama dahil makade–delihensya ako. Kumuha ako ng karton at isinapin ko ‘yon. At khit malamik ay pinili ko pa ring matulog.
KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa paninipa ng lalaki sa aking paa, dahilan upang mapamulat ako.
“Teritoryo ko ito, kaya umalis ka rito!” asik nito sa akin.
Even though I was sleepy, I chose to leave. I took my two bags and moved.
Pero, inisip kong pumunta na lang sa mga may puwesto rito sa palengke.
“Ale, ako na lang po magbubuhat ng mga paninda ninyo, kahit bente lang ho ibigay ninyo sa akin may pangkain lang ho ako,” pakiusap ko sa nakita kong ginang na hindi magkamayaw sa mga paninda nitong nakabanyerang sari–saring isda.
“Sige, Hijo. At tawagin mo na lang akong Ate Weng, umpisahan po nang buhatin ang mga ‘yan doon sa kaliwang puwesto ko dahil magsisiratingan na ang mga suki ko,” saad nito sa akin.
Buhat–hila ang ginawa ko dahil may kabigatan ang banyera na ito. Hanggang makailang banyera ako at hindi lang si Ate Weng ako nagtrabaho, kundi aay sa mga may puwestong gulayan din.
This is what I do every day, before I go to school, but because I also struggle sometimes, I can't go to school anymore at sayang dahil patapos na sana ang 1st sem. Hanggang mapadpad ako sa probinsya ng Pangasinan at nakilala ko sina Thomson at Dafne roon. Naglalako kami ng kung ano–ano. At humiwalay rin ako sa kanila at kung saan–saan na ako pumupunta.
Hanggang dumating sa punto na nagmamalimos na lang ako sa kalye. At nagpupulot na lang ako ng pagkain ko sa basurahan kung wala akong mapagtrabahuhan.
Nakita ko ang pamilyang kumakain sa fast food chain at hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanila.
“Mommy,” I said sadly.
Dahil ganito ang buhay namin noon nang hindi pa nagkaroroon ng mistress si daddy. Masaya kami at kung saan–saan kami pumapasyal. But, suddenly everything changed just because of his mistress.
Nangilid ang luha ko. Agad kong pinunasan ito dahil may palapit na mag-asawa sa akin at may dala silang nakaplastick na pagkain.
“Hijo, para sa ‘yo,” ngiti na sambit nila sa akin, sabay abot ng pagkain.
“Salamat, ho, Madam, Sir,” I said happily and took it and ate it right away because I was really shaking with hunger. Nakanood lang sa akin ang mag–asawa at nagkatinginan pa ang mga ito.
“Wala ka bang pamilya, Hijo at nandito ka sa kalye na palakad–lakad at nanlilimos at namumulot ng pagkain sa basura? Baka, magkasakit ka niyan,” nag–aalalang sambit ginoo sa akin.
“Sanay na po ako, Sir dahil halos isang taon na po akong ganito,” pahayag ko, habang nginunguya ko ang pagkain. Wala akong pakialam kung marumi ang kamay ko, basta’t malagyan ang tiyan ko.
“Araw–araw ka naming nakikitang palakad–lakad. Um, wala ka bang pamilya?” tanong naman ng ginang sa akin, dahilan upang tumigil ako sa pagnguya.
“Mayroon po. Pero, may pamilya na pong iba ang daddy ko. Lumayas po ako dahil mas mahal pa ho nila ang bago nilang pamilya,” malungkot na pahayag ko at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.
“Ang nanay mo?” tanong naman ng ginoo sa akin.
“Nasa langit na po,” sagot ko at ikinuwento ko kung ba’t maaga akong nawalan ng ina dahil nagtanong ang mga ito. Naiyak ang ginang sa akin, kaya niyakap ako nito. “Ang dumi ko po, Madam, kaya lumayo po kayo sa akin,” saad ko.
“Kung gusto mo, sumama ka na lang sa aming mag–asawa dahil wala kaming anak at kami na lang magulang mo at pag–aaralin ka namin,” nakangiti na sambit ng ginang dahilan upang umawang ang labi ko sa tuwa.
“Hindi po ba kayo nagbibiro? Aampunin n’yo po ako?” I said in disbelief.
“oO, Hijo dahil alam naming mag–asawa na mabait ka at higit sa lahat ay matalino,” naluluha na saad ng ginang.
Inalalayan nila akong tumayo. Nangayayat na rin ako at hindi ko na rin alam kung ano na ang hitsura ko dahil mahaba na ang buhok ko. Tinawag ng ginoo ang driver nila at ipinadala nila ang dalawang baag ko dahil nandito ang mga mahahalagang gamit ko, kaya hindi ko talaga ito iniiwanan.
Sumakay kami sa van nila. At walang kalahating minuto’y nandito na kami sa subdivision at ipinasok ng driver ang sasakyan sa magarbong bahay.
“Nandito na tayo, Hijo,” ngiti na sambit ng ginoo.
“Ba–Bahay n’yo po ‘yan?” untag ko.
“Oo, Hijo kaya bumaba na tayo,” anang ginang sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang kanilang pangalan.
Bumaba na kami. Nahihiya pa ako dahil ang dumi–dumi ko. Pumasok na kami sa loob at napaawang ang labi ko dahil kung anong ikinayaman ni daddy ay mas mayaman pa ang mag–asawang ito.
“Maligo ka muna at magbihis ng kung anong damit na mayro’n ka sa loog ng bag mo. Pagkatapos ay kakain tayo at babalik tayo sa bayan at magpagugupit ka at mamimili tayo ng gamit mo,” pahayag sa akin ng ginoo. “Tawagin mo pala kaming Papa Marino aat Mama Laura at anak ka na namin ngayon,” ngiti na saad nito sa akin.
“Maraming salamat po, Papa Marino,” tugon ko.
“Hijo, rito ang kuwarto mo,” ani Mama Laura na binuksan ang pinto nang kuwarto at hindi ito iba sa kuwarto ko sa mansion namin. “Take a shower at kompleto na rin ang mga gamit sa loob ng banyo,” ngiti pa sa akin ni Mama Laura.
“Thank you so much again, Mama Laura and Papa Marino, ” pagpasasalamat ko.
Lumabas na ang mga ito at tinungo ko na agad ang banyo dahil sa dalawang beses sa isang linggo kung maligo ako sa kalye.
Nagkuko pa ako, saka ko binuksan ang shower at ang sarap ng tubig. Ibinabad ko ang sabon sa katawan ko at nagkuskos akong mabuti . Nagsipilyo rin ako at ito ang lagi kong ginagawa kahit nasa kalye ako dahil iba pa rin kapag mabango ang hininga mo. Nagshampo na rin ako at nagbanlaw at kalahating oras ang itinagal ko sa banyo bago ako lumabas.
“Damn, I feel so fresh!” bulong ko.
Nagbihis na ako at lumabas. At napaawang ang labi nina Mama Laura at Papa Marino.
“Ang pogi mo pala, Hijo kapag nalinisan ka. Kumain muna na tayo at nang maaga tayong makaalis,” ani Mama Laura sa akin.
We had lunch and then we went back to town. At pumunta kami sa mall.
“Pili ka lang kung anong magustuhan mo, Hijo,” saad ni Papa Marino sa akin.
But, I just chose what I know I can wear and what I need. Ngunit, nakita kong pumipili pa ng ilang gamit ko si Mama Laura.
Pumunta rin kami sa barber shop at guminhawa ang pakiramdam ko nang magupitan ako.
Umuwi na kami pagkatapos ng halos dalawang oras na pamimili at pamamalagi sa mall.
“Bagay po ba sa akin, Mama, Papa?” tanong ko dahil ipinasuot na nila sa akin ang isa naming pinamili dahil butas–butas na ang suot ko kanina.
“Bagay na bagay, Hijo. At siya nga pala, huwag mong kalimutang inumin ang vitamins mo,” ani papa sa akin.
“Opo, Papa,” sagot ko. At mas gusto nilang tawagin ko sila ng papa at mama lang.
I also found out that they are businessmen and they own a factory in Taiwan and they only use their vacation home here in the Philippines.
I spent a month staying with them and I can say that they are good people despite their luxury.
Nagtataka rin ako dahil inaayos nila ang mga papeles ko at kung ba’t may tatlong passport sa ibabaw ng mesa.
“Babalik na ho ba kayo sa Taiwan, Papa, Mama?” tanong ko sa mga ito.
“Oo, Hijo at kasama ka naming aalis at doon ka na mag-aaral. Gusto rin namin ni mama mo na ilipat sa ‘yo ang ibang ari–arian namin at ang pabrika dahil nakita namin ang pagiging mabuting pagkatao mo,” pahayag ni papa sa akin kaya naiiyak ako sa tuwa.
“Pero, may kamag–anak ho kayo, Papa. Baka, awayin po nila ako,” nag–aalalang sambit ko.
“Hindi, Hijo. Dahil mayro’n din naman sa kanila. At sa mga charity na tinutulungan namin. At nakahanda na rin ang mga papeles na pipirmahan mo dahil pinaayos ko na sa aming attorney,” sambit nito sa akin.
I grabbed papa and mama's hands. “I don't know how to thank you, kayo ho ni mama. Pero, ipangangako ko ho sa inyo na palalaguhin ko ang negosyo ninyo at dadagdagan pa ho natin ang mga charity na tinutulungan n’yo.”
“Salamat, Hijo,” ngiti na saad nito sa akin. At niyakap ko silang dalawa.
UMAGA nang Lunes at nandito na kami sa NAIA INTERNATIONAL AIRPORT dahil ngayon ang flight namin patungong Taiwan. I got on the plane with mom and dad and I can say that I enjoyed it kahit ngayon lang ako makasasakay rito.
One hour and fifty seven minutes nang makarating kami rito sa Taiwan Taoyuan Airport. May sumundo sa amin at ipinakilala nila ako rito at ito ang isa sa mga pinagkatitiwalahan ni papa at mama.
Sumakay na kami sa kotse at isang oras at mahigit din ang bin’yahe namin bago kami makarating dito sa Taichung, North District.
“We’re here!” tuwang sambit ni mama.
Pinagbuksan kami ni Kuya Warren at inalalayan kong makababa sina mama’t papa. May dalagitang lumabas sa bahay at masayang sumalubong ito sa amin.
“Tita! Tito!” sambit nito at yumakap ito.
“Sa loob na tayo, Hija,” ani papa at pumasok kami sa loob.
“Who is he, Tita, Tito?” tanong ng dalagita.
“Siya si Silvestre at anak–anakan namin siya ng tito mo. Silvestre, siya si Yell Jalandoni at pamangkin siya ni mama mo,” pagpakikilala ni papa.
“Hello,” bati nito sa akin. At ngiti lang ang tinugon ko. “Suplado,” narinig kong sambit pa nito.
“Pagod lang ako,” halos pabulong na saad ko. Dahil iyon naman ang totoo.
“Diyan ang kuwarto mo, Hijo,” turo ni mama sa kanang kuwarto. “Pahinga muna kami ng papa mo dahil napagod kami sa biyahe,” dagdag pa nila sa akin.
Tumango lang ako aat inayos ko na rin ang mga gamit ko sa loob ng kuwarto.
Nang gabing iyon ay sabay–sabay kaming kumain at napag–usapan namin na mag–e–enroll ako sa susunod na buwan.
Ang saya pa naming apat at napapansin kong panaka–naka akong tinitingnan ni Yell. At hindi pala kami nagkalalayo ng edad dahi 14 years old lang ito.
Subalit, sumagi sa isip ko si Romina, dahilan upang maikuyom ko ang kamay ko dahil hindi ko nakalimutan ang mga pinagsasabi niya sa akin noon.
“Iniisip mo ba ‘yong girlfriend mo sa Pilipinas?” tanong ni Yell sa akin, dahilan upang lingunin ko ito. Nagpalilipas ako rito sa labas dahil katatapos lang naming nagdinner.
“Pardon,” sambit ko.
“Sabi ko, iniisip mo ba ‘yong girlfriend mo sa Pilipinas dahil ang lalim ng iniisip mo,” pag–uulit nito.
“Wala akong girlfriend,” matigas na sambit ko.
“Ang suplado mo talaga! Pero, kung wala kang girlfriend, bagay tayo dahil nakipaghiwalay na ako sa jowa ko rito kanina lang,” she informed, causing my eyebrows to rise.
“I’m not interested,” matigas na sambit ko at iniwan ko na ito.
“Mapapasaakin ka rin!” narinig ko pang saad nito, pero hindi ko na lang ito pinansin.
After three weeks of my stay here in Taiwan, Attorney Serrano gave me the papers to sign and it contained that the business would be inherited by me.
I signed the papers, kaharap si mama’t papa. Nagpasalamat ako dahil sa tiwalang ibinigay nila sa akin.
Binisita namin ang Santillan Clothing Fabrication, kasama sina mama’t papa. Maluwang ito, pero marami pang kulang dito.
Umupo ako sa makina at pinag–aralan ko ang pagtatahi gamit ng mga pira–pirasong tela. Sa una’y natusok ako ng karayom, pero parte iyon sa trabaho. Sabi nila’y hindi ka matuto , hangga’t hindi ka nasusugatan.
At sa kalahating oras kong nananahi ay nakapagtahi ako ng dalawang sando for men at women.
“Look at this, Papa! Mama!” tuwang sambit ko at ipinakita ko ang natahi ko sa kanila.
“Wow! Ang ganda, Hijo at puwede ka nang gumawa ng sarili mong design,” ani mama sa akin.
“May makina po tayo sa bahay, kaya pag–aaralan ko pong magtahi,” ngiti na tugon ko.
“Yes, Hijo dahil pagdating ng panahon, ikaw ang magmamanage nito,” saad ni papa sa akin, kaya naman niyakap ko ang mga ito.
Nang hapon na iyon pinauna akong umuwi ni papa upang makapagpahinga na ako. Naiwan sila ni mama dahil may meeting pa sila, kasama ang mga empleyado.
“Mag–isa mo lang?” tanong sa akin ni Yell.
“Obvious ba? Wala kang nakitang kasama ko, kaya mag–isa ko lang,” sarkastiko na sambit ko.
“Alam mo, ikaw. Kung hindi ka lang guwapo, hindi kita kakausapin,” gagad nito.
“Mas okay ‘yon, dahil ayaw ko rin namang kausapin ako ng babae na siya nagpakikita ng motibo sa akin,” matigas na sambit ko at tinungo ko na ang kuwarto ko, subalit, hinila ako ni Yell.
“No man has ever turned me down, Silvestre.” Pinanliitan niya ako ng mata, ngunit ngumisi lang ako.
“Puwes, ako ang tatanggi sa ‘yo!” sambit ko at itinulak ko ito palayo sa akin.
I entered my room because I might lose control. Mabilis akong humanga sa babae, pero iniisip ko na malaki ang tiwala sa akin ng mag–asawang Santillan.
It's late in the evening, but papa and mama haven't come home yet. I'm getting worried. I went out and walked outside.
Pero, naisipan kong tawagan na lang sila sa telepono, pero naunahan ako ni Yell dahil nagring na ang telepono.
“Um, yes,” narinig kong sambit nito.
Tumingin siya sa akin at senenyasan ako nito at ibinigay sa akin ang telepono.
“Is this Silvestre Santiago? I'm a police officer and don't be shocked or surprised by what I'm going to say,” saad nito.
“Why? What happened, Sir?” takang tanong ko.
“Marino and Laura had a car accident and they are dead on arrival,” imporma nito, dahilan upang magulantang ako.