Therese POV
Kinaumagahan I had to prepare myself dahil magsstart na akong magwork kina Tita Grace. She texted me already na may event sila this upcoming weekend and needed na yung mga damit na inorder and she was not even halfway done. It was already in the middle of the week.
Matapos akong makapag handa, I went down greeted them and started my breakfast. Daddy was eyeing me as well as Kuya. Si Cristoff naman ay busy sa kanyang phone.
I sighed and stopped eating.
“Fine. Pupunta ako kina Tita Grace for work, happy?” at inirapan sila
“Sabi ko nga” said dad na sumimsim sa kanyang kape. Kuya just nodded and continued eating.
Pinagpatuloy ko na ang pagkain when I received a text. It was from Andrew. I smiled nung sinabi niyang siya maghahatid sakin today. Nilapag ko ang phone ko saka bumaling kay dad.
“Uhmm si Andrew maghahatid sakin.”
‘Sinasabi ko na nga ba!” sabi niya saka bumaling kay Kuya Alex.
“Hatid mo siya.” Tumango naman si Kuya.
“Daddy namaaaan!” ungol ko. Tumawa lang ito saka umiling.
“Therese, you’re just 16. Ayoko niyang may paboyfriend boyfriend ka na.”
“Daddy! Approve naman siya sayo ah.”
“May limitations.”
“Kuya pleeeaasse.” Kay kuya naman ako umungot.
“Just following orders, Therese. Sensya na.” napangisi naman si kuya.
“Ayoko na daw sa inyo. Nakakainis.” Padabog kong ibinaba ang kobyertos ko. Humalakhak lang si dad.
“Fine fine. Basta walang hanky panky.” Sabi niya
“Deal dad. I promise.” Tumango ako ng mabilis.
“Fine, hatid sundo lang. Wala pang date date.” Napanguso ako.
“Fine.” Saka ko tinapos ang pagkain.
I went out of the house papuntang gate para mahintay si Andrew. Biglang may babaeng lumapit sakin, saka hinawakan ako sa braso. Napatingin ako ng nakakunot ang aking noo.
“May I help you?” sabi ko.
“Ikaw ang may kailangan ng tulong. Pinaglalaruan ka ng mga taong akala mo mapagkakatiwalaan mo.” That’s what she said then she left.
Naiwan akong naka awang ang bibig sa kanyang sinabi. Parang feeling ko, may di magandang mangyayari. Pero nang akmang susndan ko ito ay siya namang pagdating ni Andrew.
“Love, where you going?” tanong niya nang mailabas sa bintana ang kanyang mukha.
“H-ha? A-ah, wala.. may nakita lang ako.” Pinagbalewala ko lang muna saka sumakay sa kotse niya.
He smiled nung makasakay na ako saka ito lumapit para mahagkan ang pisngi ko. He held out his hand saka pinagsiklop niya ang aming mga kamay. I was smiling from ear to ear habang ganun ang posisyon namin.
“So, sa mall ka ngayon?”
“Yep, Nalipat na kasi yung main branch sa mall. Kaya dun na din ako marereport kay Tita.” Tumango lang ito.
“Until what time will you be there?”
“I don’t know, 5 or 6, depende pa sa workload. May event kasi sina tita on the weekend, she is not yet halfway done kaya kailangan ko talaga tumulong.” I explained.
“Okay, I’ll just come by 6 pm, then help kung di ka pa tapos.” Napangiti naman ako.
“Ang sweet naman ng boyfriend ko.” Kiniliti ko pa ito sa chin niya.
“Oo na, inuuto mo nanaman ako.” He said and I chuckled.
“Sige tapos dinner nalang tayo after. Okay ba yon?” I asked at tumango naman ito.
“What’s your plan for today?” I asked bigla naman itong sumeryoso.
“Going somewhere important,” tipid na ngiti ang ginawad niya sakin.
“I see, okay. Mag iingat ka okay?” tumango naman ito.
“Para sa’yo, mag iingat ako.” Bigla ko naman itong inismiran ng pabiro.
“Yuck, wag ganyan!”
“Ah ganun ha,” saka kiniliti ako sa tagiliran.
“Okay Okay tama na.” patuloy pa din ang hagikhik ko.
“Sige na, andito na pala tayo. Mauuna na ako. Ingat ka, bye. Love you” saka ko nag flying kiss kasi nasa labas na ako.
Pero nung makapasok na ako sa mall, bigla kong na alala ang sinabi nung babae. Anong ibig niyang sabihin? Don’t tell me may isa pang secret si Daddy. Ano nanaman kaya yon?
Akma nang papasok na ako sa boutique ng biglang may kumabig sa braso ko. It was her again.
“Layuan mo ang taong mananakit lang sayo.” Saka ito tumalikod at umalis.
Nagtataka na talaga ako kung kaya’t sinundan ko ito. Kung minamalas nga naman, nawala pa ito sa paningin ko. Kaya bumalik nalang ako sa boutique.
“O hija, anjan kna pala. Kanina pa ako naghihintay. Tulungan mo ako dito o. Ikaw nalang bahala sa catering, entertainment tsaka souvenirs. Ako kasi ang mag aayos pa sa damit tsaka yung venue. Di kasi papasok ng ilang weeks si Yvonne, she’s sick kaya ako lang mag isa kasama nila.” She said. I smiled.
“Okay tita, ako na bahala jan.” sambit ko. Magaan lang naman ang pinapagawa niya.
“Anong event po ba to?” I asked para alam ko kung anong klaseng pagkain saka entertainment and souvenirs ang pwede kong makuha.
“Ah bridal shower yan, so kailangan mejo… alam mo na.”
“Okay po, ako na bahala.”
I started working on the to-do list ni tita. I have to go to different locations para sa mga bagay na yun. I already had the catering, entertainment and last but not the least souvenirs na last kong pupuntahan today.
I went to the old shop na napag orderan ko ng mga souvenirs, mabilis sila and they can cater kahit large amounts.
I told them na gusto ng bride na simpleng succulent lang ang ibigay, kasi mas bongga nalang daw sa wedding. I finished talking to the personnel nang may makita akong parang pamilyar sa akin.
I walked towards that person na nakatalikod and I was ceratin. It was Andrew. Pero ang kasama niya ay yung babaeng kanina pa ako sinasabihan ng babala.
I was almost near them then bigla silang punasok sa kotse at umalis. Kinakabahan ako kaya’t denial ko ang number ni Andrew.
“Hey babe!” bati niya pero halatang may kumakaloskos na malapit sa kanya.
“Where are you?” tanong ko.
“Ah sa bahay, kararating ko lang.” he said, he was lying. Ka aalis palang ng sasakyan niya dito.
“San ka galing?” pagtatanong ko pa.
“Ah saTito ko. He wanted something from me. What’s with the question, babe?” he asked.
“A-ah wala, just wanted to know if you are safe.” He chuckled.
“Ganyan ka ba talaga ka thoughtful? Mas lalo ata akong nahuhulog sayo.” I tried to smile.
“Okay cge, I just wanna make sure. Ingat ka, kahit nasa bahay ka na.” diniinan ko ang sinabi ko sa huli then I hung up the phone.
Huminga ako ng malalim saka umalis na sa lugar na yon. I went back to the boutique.