Chapter 5: Sachi

2018 Words
Pawisan akong nagising kahit na malamig naman sa aking buong silid. Unti-unti akong bumangon at pagkatapos ay nag-aalalang tumingin sa paligid. Napanaginipan ko na naman ang araw kung kailan ako nakidnap. Hindi ko mismo nakita kung paano pinatay ang bodyguards ko at doktor pero narinig ko ang pagkalabog ng kanilang mga katawan sa sahig bago ako nawalan ng malay. Napanaginipan ko rin ang mga araw na dilim ang nakatutulugan ko sa gabi at dilim pa rin ang nakagigisnan ko sa umaga dahil sa blindfold ng tumakip sa aking mga mata ng ilang araw mula nang ako ay makidnap. Kahit halos isang taon na ang lumipas ay hindi ko pa rin makakalimutan ang trauma na dulot sa akin ng pangyayaring iyon lalo na ang muntik na pananamantala sa akin ng isang lalaki. I thought I would even be ràped that time and it almost gave me a heart attack kaya naman nang malaman kong may nagligtas sa akin ay nawalan ako ng malay. And my hero is Judas Watanabe, my childhood friend. Una ko siyang nakilala noong ako ay sampung taong gulang pa lamang. Siya ang kauna-unahan kong naging kaibigan mula sa organisasyong kinabibilangan ng aking ama na si Francis Leiv Kaide o mas kilala sa pangalan niyang Isly. My father's adoptive father, named Kenth Kaide, named him as his heir kahit na may tunay na anak ito na si Tito Zeke. At bilang panganay na lalaking anak ni Dad, ako dapat ang kanyang tagapagmana sa organisasyong sinimulan pa ng Lolo niya na siyang ama ng lolo ko na si Kenth Kaide. Actually, dumating ako sa panahon na isinusuko ko na ang pagiging tagapagmana ni Dad. Sinabi kong ibigay na lang ang organisasyong sa tunay na kadugo ni Lolo Kenth na walang iba kundi kay Kenji na anak ni Tito Zeke. Dahil sa mga masasakit na pangyayari noon ay pumayag din si Dad ngunit tinanggihan ito ni Kenji. Nagpunta pa ito sa Japan upang isauli ang mga papeles na naglilipat ng grupo sa pangangalaga niya. Iyon din ang dahilan kung bakit nakidnap ito kasama si Damon. Kung tutuusin, napakagulo ng family tree namin dahil si Damon ay pinsan ng lalaking parehong nagpatibok sa puso namin ng pinsan kong si Kenji. Pareho naming minahal at iniyakan (kahit na lalaki kami) ang taong iyon. Ngunit sa huli, wala ni isa man sa amin ni Kenji ang nakatuluyan niya. Kenji and Damon are now lovers. In fact, nasa Russia ngayon si Kenji upang makilala ang pamilya ni Damon. As for Azyra, hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon. Ang huling pag-uusap namin ay nang makiusap siyang puntahan at bisitahin ako na akin namang tinanggihan. Ayokong lumabas na taga-salo na lang niya palagi. Ako ang sumalo pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Kenji. Ngayong si Damon na ang kapiling ni Kenji, ayokong maging taga-salo o panakip-butas na naman ang maging papel ko sa buhay niya. Oo, hanggang ngayon ay may parte pa rin ang puso ko na minamahal siya. Kahit na siguro ilang taon pa ang magdaan at kahit na siguro may iba akong minamahal ngayon ay patuloy pa rin ang isang bahagi ng puso ko ang magmamahal kay Azyra. May lugar pa rin siya sa puso ko. But unlike before, nang malaman kong sina Damon at Kenji na, na bahagyang lumaki ang pag-asa sa puso ko na magkakabalikan kaming muli ni Azyra, ngayon ay masasabi kong hindi na siguro mangyayari pa iyon. I already have Judas. I already met the man who would love me more than Azyra did. Kay Judas ko napagtanto na kaya ko pa palang magmahal ulit. Malaki ang pasasalamat ko dahil binigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon para sumaya, na ipinadala niya sa akin ang aking tagapagligtas, at minamahal ako nito ng buong puso. Judas has been nothing but good to me. Inaalagaan niya ako. Halos hindi siya umaalis sa tabi ko. Pinagsisilbihan niya ako na tila ako isang prinsipe. At higit sa lahat, dahil sa kanya ay makakapaglakad na akong muli. Hindi niya ako sinukuan. Kumuha siya ng mga mahuhusay na doktor na nag-opera at therapists na nangalaga sa akin upang muling magkabuhay ang mga binti ko. Ngayon nga ay malapit na akong makapaglakad at hopefully soon, Hindi na lang paglalakad ang kaya kong gawin. Makakatakbo na ako at higit sa lahat, magagawa ko ulit ang hobby ko - ang figure skating. Wala akong mairereklamo kay Judas. Napakapositibo niyang tao. All I hear every day from people who work for him is his kindness. Napakabait daw nitong boss, maunawain, mapagbigay, at higit sa lahat, hindi raw pinapabayaan nito ang mga pangangailangan nila. Sa halos isang taon naming pagsasama ay hindi ko pa siya nakitang nagalit. Noon, kahit halos sumuko na ako sa sakit ng aking naging mga operasyon o sa hirap ng mga physical therapies, nariyan siya palagi sa tabi ko upang palakasin ang loob ko. Napakabait at napakabuti niya kaya naman hindi na ako nagulat nang magising ako kinabukasan na nagugustuhan ko na siya and eventually, minamahal. Of course, may mga pahiwatig a sa akin si Judas noon pa man ngunit palagi niyang sinasabi na hindi niya sasamantalahin ang pagiging dependent ko sa kanya. Punatunayan naman niya iyon sa akin. He's a total gentleman. Hindi niya sinamantala ang pagiging mahina ko. Hindi niya sinamantala ang utang na loob ko sa kanya. Hindi niya rin ako pinilit na tanggapin ang pag-ibig niya. I answered him yes not because I am obliged to after everything that he has done for me. Minahal ko siya dahil iyon ang nararamdaman ng puso ko. I have Judas at malapit na akong makapaglakad muli. Halos na sa akin na ang lahat. Ngunit hindi makukumpleto ang kaligayah ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasama ang pamilya ko. God, how I miss them. I miss my Dad, my Tatang, and my siblings. Ang pinakahihiling ko na lang ay ang mahuli na ang lahat ng taong involved sa nangyaring pangingidnap sa akin dahil hanggang hindi sila nahuhuli ay hindi ako makababalik sa pamilya ko. Also, with Judas by my side, I am confident to take the throne of the Kaide Mafia Organization. Alam kong Hindi ako pababayaan ni Judas at alam kong mas maiintindihan niya ang tungkulin ko dahil parte ng organisasyong ang pamilya niya. Tiyak ko na hindi rin siya tatanggihan ni Dad. Malakas din ang impluwensiya ni Judas sa mga organisasyon sa buong mundo. Naikukuwento niya iyon sa akin noon. Iyon din daw ang dahilan kung bakit nakapagpatayo siya ng maraming negosyo at yumaman nang yumaman. Siguradong alam iyon ni Dad dahil ayon kay Judas, nagbibigay si Dad ng pera para sa gastusin ko rito ngunit tinatanggihan niya raw ang ibinibigay ni Dad. Hindi ko nga alam kung bakit pumapayag si Dad na si Judas ang lahat ng gumagastos para sa akin. Basta ang sinasabi naman ni Judas ay malaki na raw ang tiwala ni Dad sa kanya. And tonight, alam kong may binabalak si Judas para sa aming dalawa. Alam kong itataas na niya ang level ng relasyon namin dahil naintindihan ko naman ang mga pahaging niya sa akin kanina. At aaminin ko, nakadarama ako ng matinding antisipasyon. I feel excited to feel how to be loved once again. Iyong hindi lang pagyayakapan at paghahalikan kundi mas malalim pa roon. It has been a long time since I've made love with someone and that someone happened to be Azyra. Ngayon na may kasintahan ako ulit, alam ko na parehong posisyon pa rin ang kalalagyan ko. Hindi ko rin alam kung ano ang mga mararamdaman ko ngayon na may lalaki ulit na magmamay-ari sa katawan ko. Kakayanin ko kaya iyon physically, mentally, at emotionally? Kakayanin ko Naman siguro dahil mahal ko naman talaga si Judas at alam kong mahal na mahal niya rin ako. At kailangan ko nang maghanda para ngayong gabi. Ayokong mainip siya sa paghihintay sa akin kaya naman pinindot ko na ang electronic bell sa itaas ng higaan ko upang papasukin ang therapists ko. Ilang sandali pa nga ay pumasok na si Philip. Isa siyang Norwegian na kinuha ni Judas upang magserbisyo sa akin. "I have to take a bath, please," pakiusap ko sa kanya na kaagad naman niyang naintindihan. Pumasok siya sa banyo upang ihanda ang liliguan ko. Nang matapos ay bumalik siya sa akin. Maingat akong inalalayan ni Philip na makaupo sa wheelchair ko at pagkatapos ay itinulak na niya ito papasok sa banyo. Nang makapasok na kami ay tinulungan niya akong makapaghubad Ng damit hanggang sa ang panloob ko na lang ang natira. Sa halos one year niyang pagseserbisyo sa akin ay kumportable na ako sa kanya. Wala ng malisya sa aming dalawa. Binuhat niya ako upang ihiga sa bath tub na inihanda na niya nang saglit siyang mawala sa paningin ko kanina. Siya rin ang nag-shampoo sa ulo ko habang nililinis ko ang katawan ko. Tahimik lang kaming dalawa habang naliligo ko. May pakiramdam ako na sadyang dumidistansiya na sa akin si Philip simula nang magkaroon kami ng relasyon ni Judas. Naiintindihan ko naman siya. I know he doesn't want to offend my boyfriend. Pagkatapos kong maligo ay tinulungan din ako ni Philip na makapagbihis. Isang formal na kasuotan ang pinili kong isuot. Judas provided everything that I am using here pati ang mga damit na isinusuot ko. Lahat-lahat ay galing sa kanya. Ang sarili ko nga lang yatang katawan ang pag-aari ko sa lugar na ito. Ilang sandali pa ay itinutulak na ulit ni Philip ang wheelchair palabas sa aking kuwarto. Napasulyap ako sa hagdan habang papasara ang pintuan ng elevator na kinaroroonan namin. Naisip kong balang-araw ay bababa ako mula sa kuwarto ko gamit ang hagdan na iyon. Habang nasa loob kami ng elevator ni Philip ay naisip kong muli tila sinadya ni Judas na magkaroon ng elevator dito sa kanyang bahay para sa akin. Ngunit nang tanungin ko siya noon tungkol dito, ang sinabi niya ay pinagawa niya raw iyon para sa kanyang mga magulang na matatanda na. Sadly, hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikilala ang kanyang mga magulang. Sa loob ng isang taon ay never pa silang nakapasyal dito. Nahihiya nga ako dahil alam kong dahil din sa akin kaya pati ang mga magulang niya ay nadadamay sa ibayong pag-iingat. Hindi namin alam kung alam na Ng mga kumidnap sa akin na ang pamilya ni Judas ang tumutulong sa akin. Kapag nalaman nila, tiyak na damay na talaga sa gulo ang pamilya niya. Nang makarating kami sa baba ni Philip ay sa labas ng mansiyon niya ako dinala at hindi sa kusina kung saan niya ako inihahatid gabi-gabi. Nanumbalik tuloy sa akin ang excitement. "You know about the surprise, don't you?" tanong ko sa kanya. Nakikita ko na ang maliwanag na bahagi sa pampang. "Yes, Sir Sachi. Mr. Watanabe asked me to bring you there," honest naman nitong sagot kaya napangiti ako. Ngunit lalong lumapad at tumamis ang ngiti sa aking mga labi nang makita kong nakatayong naghihintay si Judas sa akin na tulad ko ay nakasuot din ng pormal na kasuotan. Hindi na nga ito nakatiis at sumalubong na sa akin. Nang nasa tapat ko na siya ay awtomatiko siyang yumuko upang pagdikitin ang mga labi namin. "Sachi," malambing niyang sambit sa pangalan ko. Nginitian ko naman siya at hinayaan na siya na ang magtulak sa wheelchair ko. Papalapit na kami sa nakahandang mesa nang makita kong may nakatayong isa pang lalaki sa gilid niyon. "Judas, who is that?" Lumingon ako kay Judas na nakatingin sa lalaki. "He's our special guest, babe," sagot niya sa tanong ko. "Special guest?" nagtataka kong panggagagad sa sinabi niya. Tumigil si Judas at nagpunta sa harapan ko. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod at pagkatapos ay kinuha ang kamay ko. Mas ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa. May singing siyang isinuot sa palasingsingan ko. Hinalikan niya ito at pagkatapos ay buong tamis siyang ngumiti sa akin habang sumalubong sa mga mata ko ang nangniningning niyang mga mata. He told me in a very sweet voice, "He's the priest who will marry us tonight, Sachi Kaide. Tell me, my love... are you ready to be Mr. Sachiro Kaide-Watanabe tonight?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD