Chapter 8

2127 Words
"What the hell is wrong with you, Judas?! May sakit ang Mama mo pero inuuna mo pa rin ang paghahanap sa Sachi Kaide na iyon! Ano ba ang ipinakain niya sa'yo at ganyan ka na lang ka-obsessed sa kanya?!" Kanina ko pa pinapakinggan ang galit na panenermon sa akin ng ama ni Judas. Kahit na hindi naman talaga para sa akin ang mga panenermon na iyon, Wala akong pagpipilian kundi ang harapin ang galit ng ama nito at pakinggan ang lahat ng sinasabi nito dahil sa pagkakaalam ng matandang lalaki ay ako ang bunsong anak niya. "Ilang taon na ang nakalipas, Judas! Nabugbog ka na nang dahil sa Sachi na iyon! At ngayong nawawala siya, balak mo pa yatang magpakabayani at nakikipag-unahan ka sa pamilya niya na mahanap siya! Ano ba talaga ang gusto mo sa Sachi na iyon? Ang organisasyon ba? Ang kayamanan ba ng mga Kaide? Who knows kung buhay pa ang batang iyon?! Baka nga matagal ng patay ang hinahanap ninyo!" Naiinis akong napasulyap sa kanya. Ngali-ngali ko nang sabihin sa kanya na hindi naman talaga nagpapakahirap maghanap ni Judas dahil ito mismo ang nagpakidnap kay Sachi Kaide. Bukod pa roon ay isang taon na nitong inaalagaan ang binatang iyon. Siya ang gumastos para sa operasyon nito at ngayon nga ay kasal na ang dalawa. At habang ako ang sumasalo sa mga panenermon ng magulang niya, naroon siya at nagpapakasarap sa kandungan ng lalaking asawa niya. "Ano?! Hindi ka ba magsasalita?" Napatiim-bagang ako. Kung ako lang ang masusunod at kung ako lang si Judas ay pinuntahan ko na agad ang aking jna na may sakit. Hindi ko ipagpapalit ang aking ina sa taong nagugustuhan ko o kahit na sabihing sa asawa ko pa. Gaya nga ng sabi ng matatanda, ang asawa ay napapalitan; ang magulang ay hindi. Baka nasasabi ko lang ang bagay na iyon dahil maaga akong naulila at sabik na sabik pa rin ako sa pagkalinga ng aking ama at ina kahit sa edad kong 30. Maaaring iba ang desisyon ni Judas sa akin ngunit naniniwala ako na sa kabila ng kalokohan at pagiging sinungaling ni Judas, at may halaga pa rin dito ang kanyang ina. "I'll be there soon, Dad." Iyan na lang ang tanging nasabi ko dahil wala naman akong ibang maisasagot. Hindi pa pinal na nakakapagdesisyon si Judas kung ako ba o siya ang uuwi sa Ina niya. "Bakit soon pa? Bakit hindi ka na lang sumama sa akin ngayon? Hinahanap ka na ng Mama mo! Halos isang taon ka nang hindi nagpapakita sa kanya. Nagkakasakit na iyong tao sa kahihintay sa'yo! Mas importante pa ba ang Sachi na iyon kesa sa iyong sariling ina, ha, Judas?!" galit na galit nitong bulyaw sa akin. "Dad, please? Give me more time," muli kong pakiusap para sa amo ko. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Judas? Anong give you more time? Ang Ina mo ang maaaring mawalan na ng oras and you still choose to look for that damn Kaide! I'm telling you, Judas, kapag jindi ka dumating sa bahay bukas, dadalhin ko ang mga kapatid mo rito at pagtutulungan ka naming buhatin para iuwi sa bahay natin. This is my last warning to you!" Bago pa ako makasagot ay tinalikuran na ako nito at saka padabog na naglakad paalis. Halos ibato na rin nito pasara ang pinto na gumawa ng napakalakas na pagkalabog. "My name is Carem and not Judas," mahina kong sambit ngunit hangin na lang ang nakarinig niyon. Nahahapo na naupo ako sa couch na nasa likuran ko. Paulit-ulit kong minumura sa isipan ko ang totoong Judas. Alam kong masama itong tao ngunit hindi ako makapaniwalang kaya nitong tiisin ang ina para lang sa lalaking hindi naman siya mabibigyan ng anak. Baliw na baliw ito kay Sachi Kaide na halos kumuha pa ito ng taong magdadala sa mukha nito at haharap pamilya at business partners nito para lang manatili ito sa tabi ng Sachi na iyon. Tama nga ang ama niya. Baliw siya. Baliw na baliw siya sa Kaide na iyon. Ngunit nakuha niya na ito. Nagawa na niyang paibigin at napapayag na pakasalan siya. Maangkin na niya ito nang ilang ulit ngunit bakit ayaw pa rin niya itong iwan kahit ilang araw lang? Kahit ilang araw lang siyang dumalaw sana sa pamilya niya lalo na sa Ina niya na may sakit. Ngunit, ayon. Balewala na ang lahat ng konektado sa kanya basta si Sachi ang kasama niya. Kung ako lang ang magdedesisyon para sa aming dalawa, sumama na ako sa pag-uwi ng ama niya. Kaso, ang ikinatatakot ko ay ang mabubuko ako sa poder ng pamilya niya. Baka hindi na ako makaalis doon nang buhay. Alam ko pa naman na malakas ang instinct ng isang babae lalo na ng isang ina. Siguradong malalaman nito na hindi ang anak nito ang naroroon. Nang masulyapan ko sa bintanang bukas ang paglipad ng helicopter lulan ang ama ni Judas ay tumayo na ako at lumipat sa mesa niya. Binuksan ko ang laptop at ilang sandali pa ay sinusubukan nang kumonekta ng tawag ko kay Judas. Kailangan kong ibalita sa kanya ang nangyari kani-kanina lang at ang desisyon ng kanyang ama. Kailangan ko ring malaman kung ano ang desisyon niya tungkol dito upang makapaghanda rin ako. Dumaan na ang tatlong rounds ng pagri-ring sa kabilang linya ngunit hindi pa rin ito sinasagot ni Judas. Napamura tuloy ako nang malutong. Siguro ay abala na naman ito sa Sachi na iyon. Dahil sa inis ko kay Judas ay lalo akong nagkaroon ng galit Kay Sachi. Oo. May galit ako rito dahil ito naman talaga ang dahilan ng lahat. Siya ang puno't dulo ng lahat kung bakit naisip ni Judas na kunin ako at paoperahan para maging kamukha niya. Siya ang dahilan kung bakit napapahamaka ang mga tao sa paligid niya. Hindi niya alam na ilang tauhan na ni Judas ang naipatapon niya sa gitna ng karagatan dahil lang sa maling tingin na ibinato ng mga ito sa kanya. Ilang katulong na rin ang ipinakain nito sa mga pating dahil lang sa mga maling salitang nasabi ng mga ito sa kanya. Oo nga at Wala siyang kaalam-alam sa pinanggagagawa ni Judas para sa kanya. Pero sana naman ay gamitin niya ang utak niya. Hindi iyong lahat Ng lang Ng sinasabi ni Judas ay pinaniniwalaan niya. Kagaya ng Physical Therapist niya. Porke sinabi ni Judas na biglang nag-resign dahil sa family emergency, naniwala naman siya agad. Hindi ba niya napapansin na hindi siya madalas galawin ni Judas kahit patay na patay ito sa kanya ay dahil Meron itong pinaglalabasan ng init ng katawan nito na walang iba kundi ang Physical Therapist niya? Na isa ring isang libo't isang gago para pumayag na maging alipin ni Judas sa kama dahil lang sa pagmamahal niya rito. Muli akong napamura. Napakaraming nagpapakabobo ng dahil sa pag-ibig na iyan. Naparaming isinasakripisyo ng mga tao para lang makuha ang pag-ibig na pinapangarap nila. Napakaraming nadadamay, nakakalimutan, at nababalewala para lang sa stupidong pagmamahal daw. Kaya ako, hinding-hindi ako magmamahal nang todo. Hinding-hindi ko isasakripisyo ang mga taong mahalaga sa akin para lang sa pag-ibig na iyan. Naniniwala ako na darating ang araw na magsasawa rin ang mga taong nag-iibigan lalo na kapag nakilala na nila nang tuluyan ang mga tao na inaakala nilang minamahal nila. Iyang si Sachi? Sigurado akong mawawala ang lahat ng pagmamahal niya kay Judas kapag nalaman niya ang lahat ng ginawa nitong panloloko sa kanya. Siguradong iiwan niya ito kaagad kapag nalaman niya kung paano siya nitong pinaglaruan at pinaikotnsa mga palad niya. Baka nga siya pa mismo ang makapatay kay Judas kapag nalaman niya na ang pinakatatagong sikreto nito. Ayos lang naman sa akin iyon. Baka nga mawala pa ang galit ko sa kanya kapag ginawa niya iyon dahil bukod sa awtomatikong makakalaya ako mula kay Judas, mae-enjoy ko pa ang bilyong halaga ng pera at ari-arian niya na anumang sandali ay pwede kong ilipat sa pangalan ko. Hindi naman iyon kailangan ni Sachi Kaide. Mayaman nga raw ito ayon mismo sa ama ni Judas kaya Hindi na niya kailangan ang kayamanan ng asawa niya. Siguro ay hindi ko na rin ibabalik ang dati kong mukha na napakasimple lang. Okay na ako sa mukhang dala ko ngayon tutal mas may dating ito kesa sa original na mukha ko. Pinadaan ko pa ang tatlumpong minuto bago ko muling sinubukan na tawagan si Judas at sa pagkakataon na iyon ay sinagot na niya pagkatapos ng limang ring. "Ano ang kailangan mo?" tila masama pa ang loob nito na tumawag ako. Ano ba ang gusto niya? Na hihintayin ko pa na magkaroon siya ng oras na tumawag sa akin samantalang nagbabanta na ang ama niyang ipapabitbit ako sa mga Kuya niya pauwi ng Japan? "Boss, galing ulit dito ang inyong ama. Ibinalita niyang maysakit daw ang inyong ina at pinapauwi ka sa Japan," mabilis kong pagdedetalye sa kanya. "Tatawagan ko siya mamaya," tukoy niya sa kanyang ina. "Boss, nagbanta po ang ama ninyo na kapag hindi po kayo umuwi roon bukas, darating daw rito ang mga kapatid mo para bitbitin ako pauwi ng Japan." Ngitngit na napamura si Judas. "Kaya mo bang magpanggap na ako sa harapan ng pamilya ko? Nagawa mo na iyon ng ilang beses kay Dad, hindi ba? At Wala naman siyang nahahalata." "Boss, gaya ng sinabi ko sa into noong nakaraan, kayang-kaya ko iyon sa harapan ng iba ngunit ang ikinababahala ko ay ang inyong ina. Iyong lukso Ng dugo na hinding-hindi niya mararamdaman sa akin dahil hindi naman ako ang anak niya. Iyon po ang ikinatatakot ko, Boss. Baka matapos na agad ang maliligayang araw ko." At ang maliligayang araw mo sa piling ng iyong pinakamamahal na si Sachi. Gusto kong idagdag iyan bilang pananakot sa kanya upang mabilis na siyang makagawa ng desisyon. Ngunit mukhang hindi ko na kailangan pang sabihin iyon dahil muli na naman siyang napamura. Lihim akong napangiti dahil alam ko na ang ibig sabihin niyon. Suko na siya sa kanyang ama. "Fine, fine. Bullshit! Maghanda ka dahil ikaw muna rito habang nasa Japan ako." "Boss, pwede naman sigurong dito na lang ako. Hindi ko na kailangang magpunta pa riyan," suhestiyon ko. "Tinuturuan mo ba ako? Sino ba ang boss sa ating dalawa? Ikaw ba?" nang-uuyam nitong sunod-sunod na tanong. "At ano ang gagawin mo kung biglang magpunta riyan ang tatay ko dahil magkakasalisi kami habang papunta naman ako roon? Kahit sabihin ko sa kanilang uuwi ako ng Japan, siguradong hindi maniniwala si Dad. Baka magpunta pa siya riyan para mapatunayan na nakaalis na ako riyan. At anong magagawa mo kapag binitbit ka ng mga kapatid ko? You don't know my brothers. Kung demonyo ako ay mas demonyo sila." "Opo, boss. Sige po, boss!" sagot ko na lang dahil may punto naman siya. "You will stay with Sachi habang wala ako. Ihanda mo na ang sarili mo. Ikaw ang magsisilbing ako sa tabi niya ngunit hanggang sa pagtatabi lang sa pagtulog, kung hindi maiwasan, ang gagawin mo. Wala kang gagawin na wala akong pagpayag. Hanggang maaari, umiwas kang maging malambing at intimate sa kanya. Ayokong may gagalaw sa kanya bukod sa akin dahil sisiguraduhin kong ikaw ang susunod kong ipapakain sa mga alaga kong pating sa isla." Napalunok ako sa pagbabanta niyang iyon. "Remember, Carem Yamashiro. You are dispensable. Kaya kitang palitan ng kahit na ilan. Don't anger me, don't antagonize me. All you have to do to stay alive is to obey me. Me and no one else," seryoso niyang pagbabanta sa akin. "Yes, boss. Masusunod po, boss." Magalang pa akong yumukod sa kanya. "Magpahatid ka rito sa isla, ASAP. Hihintayin kita at mag-uusap pa tayo nang personal bago ako umuwi ng Japan. Dalhin mo ang laptop na ginagamit mo upang kahit naririto ka ay makakapagtrabaho ka," dagdag bilin pa niya sa akin. Tignan mo nga naman. Isa rin itong slave-driver. Gagawin na nga akong tagapag-alaga ng pilay niyang asawa, pagtatrabahuin pa niya ako sa mga negosyo niya. Wala na nga itong konsensya, wala pa itong puso. Hindi na ako magugulat kung malalaman kong wala itong atay. "Sige na. Hihintayin kita." Bago pa ako nakasagot at namatay na ang tawag. Malakas na lang akong napabuntonghininga. Kailangan mo ng maraming pasensya, tiyaga at pag-arte sa paghahanap ninyo ni Sachi, Carem. Pagkausap ko sa sarili ko. Ano pa nga ba? Wala naman akong pagpipilian. Ngunit kung tutuusin, maganda na rin itong simula sa lahat ng plano ko. Pwede ko nang simulan ang pagtatanim ng duda sa isipan ni Sachi para kay Judas. Kapag nangyari iyon at magkakagulo silang dalawa, mas mapapabilis ang plano ko. Imposibleng Hindi gumanti si Sachi sa lahat ng kasamaang ginawa sa kanya ni Judas, hindi ba? At sa huli, ako - si Carem Yamashiro - ang magwawagi sa larong sinimulan nina Judas Watanabe at Sachi Kaide.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD