Si Carem talaga ang unang kong pinuntahan nang makauwi ako sa isla. I wanted to make sure that he's really following all of my instructions especially when it comes to Sachi at napatunayan ko namang sinusunod niya iyon. May mga pagbabago siyang ginawa pagdating sa pagpupuwesto ng mga tauhan ko rito sa isla ngunit napagtanto ko na kinakailangan talagang gawin iyon upang hindi kami mabuko ni Sachi at ng mga tao ko rito. Of course they didn't know about Carem. I am careful when it comes to that. Iilan lang sa mga tao ko ang nakakaalam ng tungkol sa kanya. May hinala kasi ako na maaaring may tao si Papa sa mga tauhan ko o maaaring may magtraidor sa akin sa mga tauhan ko lalo na at lumalaki na ang perang ino-offer ng mga Kaide para lang matagpuan kung saan itinatago si Sachi. I don't trust