Nangingiti ako habang papasok na kami ni Judas sa bahay. Ewan ko ba kung bakit I find him different yet so amusing today. May kakaiba talaga sa kanya simula pa kahapon. There's something na ngayon ko lang nakikita sa kanya kahit na halos isang taon ko na siyang nakakasama. O baka naman ngayon ko lang talaga nadidiskubre ang ilan sa mga ugali at mannerisms niya na hindi ko napapansin noon. For one, nagiging mapagbiro na siya. Though hindi naman siya gaanong pormal dati sa mga tao na nagtatrabaho para sa amin, hindi niya binibiro ang mga ito. Palagi siyang seryosong makipag-usap at tipid ang pagngiti. Ngunit kanina ay nagagawa na niyang makipagbiruan kay Hyacinth. Iba rin ang pagiging maloko at pilyo niya ngayon. Dati ay may kapilyuhang na siya at ramdam kong may malisya iyon. Ngayon, pi