Higanti Ng Isang Api -Two

1570 Words
Higanti Ng Isang Api-Two Pailing-iling na tumayo si Sean mula sa kanyang kinauupuan. Labag sa kanyang loob ang nais ng kanyang ina dahil ipagduduldulan na naman s'ya nito sa babae. Mayaman kasi ang pamilya ni Cloudia. Kapantay nito ang yaman nila. Kung magkakatuluyan sila ni Cloudia ay mas mapalalakas pa ang kanilang kumpanya na pagawaan ng alak. "Hoi, Sean! Ano na? Kumikilos ka na!" kumando ni Donya Gracia sa anak. "Yes mama, ito na," wika ng binata na halatang mabigat ang balikat sa pagsunod sa kanyang Ina. "Ipasyal mo si Cloudia sa hacienda. Siguraduhin mong masisiyahan s'ya ah? Bumalik na lang kayo maya't-maya kapag tapos ko nang ipaluto ang paborito n'yong dalawa mga anak," anito at sumilay ang matamis na ngiti ni Cloudia sa mga labi ng tawagin sila ng Donya ng 'Mga anak' Habang si Sean naman ay hindi na ma-guhit ang mukha sa papel sa sama ng loob sa kanyang ina. Kung maka-anak kasi ito ay parang sa tuno nito na si Cloudia na talaga ang pakakasalan n'ya. "Bakit hindi na lang kaya silang dalawa ang magpakasal?" mahinang usal ng binata. "May sinasabi ka, Sean?!" pabagsak na sambit ng Donya na may masamang tingin sa anak. "Wala mama, sabi ko alis na kami ni Cloudia," aniya sa kanyang ina. "Tara na, Cloudia?" aniya sa babae at inilahad ang kanyang kamay sa babae. Galak namang hinawakan ni Cloudia ang malaking kamay ng lalaki. Habang si Donya Gracia naman ay may guhit ng mga ngiti sa mga labi ng mag daup kamay ang dalawa. Hindi naman s'ya bastos na lalaki kaya tinatrato n'ya ng mabuti si Cloudia. Oo nga at halatang may gusto sa kanya si Cloudia pero hindi na ito kasalanan ng babae kung bakit panay sunod ito sa kanya, kundi kasalanan na ito ng kanyang mama na panay ang sulsul sa babae. Dinala ni Sean si Cloudia sa taniman ng mga grapes. Inilibot n'ya ito hanggang sa maaliw. Kasunod nun ay pinasyal n'ya ang babae sa kabayuhan. "Sean, pwede bang turuan mo ako mangabayo?" mahinhing sabi ng babae. Saglit na nag-isip ang binata. Nasa hacienda nila si Laura, lingo ngayon kaya wala itong pasok. Baka sumama ang kanyang nobya sa mga magulang nito sa farm at baka makita s'ya nito at mag dulot lang ng hindi pagkakaunawaan. "Sean, sige na, please…," Muling napa-isip ang binata sa pakiusap ng dalaga. "Sige, pero saglit lang ah?" aniya sa babae at tumango naman ito. Tinuruan nga ni Sean ng pangangabayo ang babae at kapawa sila nasiyahan. Habang sa 'di kalayuan naman ay natatanaw sila ni Laura. Nakaramdam ng matinding nagseselos si Laura at agad s'yang tumalikod upang hindi na palalain pa ang kanyang nararamdaman. Nahagip naman ng paningin ni Sean ang paalis na nobya kaya agad n'yang kinausap ni Cloudia. "Cloudia, mamaya na lang natin 'to ipagpatuloy, " aniya sa babae at ibinaba ito mula sa kabayo at agad na umalis. Nalungkot naman ang imahe ni Cloudia at nasa mukha nito ang kagustuhang ayaw n'ya maudlot ang kasiyahan sa pagitan nila ng binata. Nakaramdam s'ya ng pagka-inggit sa babaeng hinahabol ng binata gamit ang kabayo. Sa damit nito ay halatang trabahanti lang ito sa hacienda ngunit tila parang mas higit pa doon ang babae ng mas piliin itong habulin ni Sean kaysa ang makasama s'ya. Habang binabaybay ko ang daan palayo sa masakit na tanawin ay nakakarinig ako ng mga yapak ng kabayo, at palapit na ito ng palapit sa akin. "Laura! Laura!" tawag sa akin ni Sean dahilan upang mapalingon ako. Agad n'yang inihinto ang kabayo sa tapat ko at tumalon mula roon. "Laura," muli n'yang sambit sa pangalan ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Sean, bakit ka narito sa harapan ko? Hindi ba at abala ka?" casual kong sabi sa kanya sa tuno ng napaka-kalmado. Subalit ang totoo ay labis na selos ang nararamdaman ko. "'Yung nakita mo, walang ibang ibig sabihin iyon. Inutusan lang ako ni mama," paliwanag n'ya. Dahil sa mga sinambit n'ya ay gumaan ang loob ko. Nagpaliwanag pa talaga s'ya upang hindi maging masama ang iisipin ko. "Alam ko, may tiwala ako sa'yo, Sean. At sa pagmamahal mo sa akin," sabi ko sa kanya. "Hindi ka nagseselos? Hindi ka galit?" tanong n'ya sa akin. "Kanina, oo. Pero mas mahal kita kaysa sa pagseselos ko," turan ko. "Sige na, bumalik ka na doon, pupuntahan ko pa kasi sila inay. Akala ko nandito sila kaya dito ako dumaan. Kailangan ko na umalis, Sean," dugtong ko at naka-ngiti ko s'yang iniwan. Habang si Sean naman ay bumalik na sa piling ni Cloudia. "Pasensya ka na, Cloudia. Kailangan ko lang kasi s'yang kausapin. Tara na, balik na tayo sa pangangabayo," wika ng binata at agad na tumalikod sa dalaga. "Sean, s'ya ba?" agad na tanong ni Cloudia sa binata dahilan upang mapalingon si Sean. "Ano ang gusto mong malaman, Cloudia?" deretsong sagot ni Sean sa babae at handa nitong sagutin ang mga susunod na itatanong nito sa kanya. "Sean, alam kong alam mong gusto kita. Ramdam mo iyon alam ko, lagi akong bumibista sa inyo at nagpapansin sa 'yo dahil umaasa akong mahalin mo. Pero parang may nauna na sa akin," matapat na sambit ni Cloudia sa binata. Bumuntong-hininga si Sean bago sinagot ang dalaga. "Pasensya ka na, Cloudia. Tama ka, may ibang laman na ang puso ko, at oo, ang babaeng nakita mo kanina ay s'yang nagmamay-ari ng damdamin ko" tapat na sagot ni Sean sa babae at agad na pumatak ang mga luha sa mata ni Cloudia dulot ng pagka-bigo. Mahal n'ya si Sean kaya isang masakit na katotohanan ito para sa kanya. "Makaka-hanap ka rin ng ibang lalaki para sa'yo, Cloudia. 'Yung tipong mamahalin ka ng tapat at buong puso," dugtong n'ya sa dalaga at nagpahid ito ng mga luha. "Sean, sa palagay ko. Wala na akong ibang mamahalin kundi ikaw, nandirito lang ako para sa'yo, Sean. Naka-abang ako sa pag-ibig mo at handa akong yakapin ka sa oras na mabigo ka," sagot n'ya sa binata. "Ikaw ang bahala, Cloudia. Pero ang pag-ibig ko para kay Laura ay kailanman ay hindi mabibigo," Matapos mag-usap ng dalawa ay bumalik na sila sa mansyon. "Ay, Loling! Bilisan mo na sa paghahanda ng mga pagkain, dali!" pag-aapura ni Donya Gracia ng matanaw n'yang papalapit na ang dalawa. Dali-dali n'yang nilapitan si Cloudia at hinalikan ito sa pisngi. "How is the tour? Naging mahusay ba ang anak ko sa lakad ninyo?" usisa pa nito sa dalaga. "Opo, tita. Ang galing nga po n'ya mangabayo," maikling sagot ng dalaga sa matanda at ngumiti. Subalit agad namang napansin ng Donya ang matipid na ngiti ng dalaga. "What happened, bakit ang pakla ng ngiti mo? Anong ginawa ni Sean sa 'yo?" usisa ng Donya sa dalaga. "Sean? Anong ginawa mo kay Cloudia? Sinaktan mo ba ang damdamin n'ya?" pagalit na wika ng Donya sa anak. "A-ah, tita. Walang kinalaman si Sean. Sadyang napagud lang ako siguro sa ginawa namin," singit ng dalaga sa daldal ng matanda. "Ay naku, Sean! Bakit mo naman pagod si Cloudia? Diba sabi ko alagaan mo s'ya? Hay naku! Ang mabuti pa ay kumain na tayo. Handa na ang pagkain sa hapag," anyaya ng Donya at sabay nilang tinungo ang mesa habang si Sean naman ay nakasunod sa dalawa. Habang nasa hapag ay mausisa pa rin ang Donya. "Cloudia, mas dalasan mo pa ang pag pasyal mo rito sa amin ah? Mas mabuti kung mas palagi kang nandirito para mas mapabilis kayong magka-inaman ng anak ko. Mas maganda kapag ganoon upang mas mapabilis ang kasalanan," sabi nito at tipid lang na ngumiti si Cloudia. Hindi naka-lampas ang ganoong ngiti ng dalaga sa mata ng matanda kaya nagdududa ito kung ano ang nangyari kanina sa pagitan ng dalawa. Matapos makipag-salo ni Cloudia ay agad na itong nagpaalam sa Donya Gracia. "Tita, alis na po ako. Salamat sa pagkain at sa malugod ninyong pagtanggap sa akin palagi," sabi ng dalaga sa matanda. "Walang anuman, Cloudia. Mag iingat ka sa pag-uwi at i-kamusta mo ako sa ama mo," bilin ng Donya. "Mauna na ako, Sean," "Sige, Cloudia. Mag iinagt ka," sagot naman ng binata at tumalikod na ang babae. Nang makalayo na si Cloudia kasama ang driver nito ay tumalikod na rin si Sean ng bigla s'yang tawagin ng kanyang ina. "Sean!" bigkas ng Donya sa paalis na anak. Napahinto si Sean at hinarap ang kanyang ina na tumataas ang isang kilay habang nagpapaypay. "Yes, mama?" aniya at humakbang ito palapit sa kanya. "Ikaw, alam na alam ko ang ugali ni Cloudia. Sigurado akong may sinasabi ka sa kanyang kakaiba kaya ganun na lang s'ya katamlay. Sean, marami ang mata ko sa hacienda natin. May nakapag-sabi sa akin na napapadalas ang pakikipag-kita mo sa Isa sa anak ng ating trabahanti rito. Kaya tatanungin kita, may namamagitan ba sa inyo ng babaeng iyon?" "Mama, kung sino man iyang ibig mong sabihin. Wala akong koneksyon sa babaeng iyon, pero kung sakali man na may iba akong nagustuhan ay sana irespito ninyo ang t***k ng puso ko," markado n'yang sabi sa kanyang Ina sabay talikod. "Hoi! Sean! Bastos ka! Bumalik ka rito! Hindi pa ako tapos makipag-usap sa iyo! Sean! Sean!" halos putok botse na tawag ng donya sa pangalan ng kanyang anak subalit ginawang bingi ni Sean ang kanyang tainga para rito. "Sean! Sean! Wala kang Ibang iibigin kundi si Cloudia! Walang ibang ikakasal sa 'yo kundi si Cloudia lamang! Tandaan mo iyan! Sean! Bumalik ka rito!" high blood na sigaw ng Donya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD