bc

Higanti Ng Isang Api

book_age18+
365
FOLLOW
1.5K
READ
drama
tragedy
twisted
serious
like
intro-logo
Blurb

Blurb:

Laura, isang babaeng labis na nagmahal sa nag iisang lalaki na s'ya namang dudurigin ng kapalaran at tadhana. Babaeng pinagkaisahan at inapi, pinagkaitan ng kaligayahan na s'ya ring babalik s'ya ng may kinang na apoy sa mga mata upang durugin ang mga taong naglagay sa kanya sa impyerno.

Ngunit, paano kung sa kanyang pagbabalik ay muli n'yang mapatunayan na ang galit n'yang puso ay may pag-ibig pa rin? Magbabago pa ba ang pusong itim kung malalaman n'ya na ang batang kanyang isinilang ang buhay pa? Mapapalitan pa ba ang lantang rosas n'yang puso ng panibagong pamumulaklak? May pag-asa pa ba ang naudlot na pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Higanti Ng Isang Api -1
Higante Ng Isang Api "Anak, sabihin mo nga sa akin. May iniirog ka na ba?" usisang tanong ng aking ina sa akin habang nakaupo ako sa upuang kahoy at naka-ngiting nakatanaw sa malinaw na buwan. "N-nay, naman. Kita mo namang ang bata-bata ko pa. Dese otso pa lang ako nay, oh," tanggi ko sa aking ina sabay kurot n'ya ng malakas sa aking ilong. "Aysos… anak ha! Dapat lang, dapat huwag ko muna mag jo-jowa. Malaki pa ang pangarap namin ng ama mo sayo. Kahit na trabahanti lang kami ng ama mo rito sa hacienda ng mga Sandro ay malaki ang pangarap namin para sa'yo. Iyan lang ang maibibigay namin sa'yo, anak. Kaya pangalagaan mo ang sarili mo para makamit mo ang mga pangarap mo. Hangat maaari ay sana, huwag ka muna mag jo-jowa," sabi sa akin ng ina. Nakonsensya naman ako dahil ang totoo ay may boyfriend na ako at lihim ko itong itinatago sa kanila. "O-opo nay, lagi ko iyang tatandaan," sagot ko na may malawak na konsensya para sa mga magulang ko. Pero batid ko na kapag nakilala na nila ang boyfriend ko ay t'yak kong matatanggap s'ya nila. Mabait at napaka-responsableng boyfriend ng boyfriend ko kaya alam ko sa sarili ko na matatangap nila ama at Ina ang relasyon naming dalawa. Habang sa kabilang banda naman ay nagtitipon-tipon ang magkaibigan. Kaharap nila ang bagong alak na gawa sa strawberry. Nagka-kasiyahan ang lahat at kay lakas ng kanilang mga tawanan. "Ang sarap ng alak na ito, cheers!" wika ni Miguel sa tropa. "Cheers mga pare!" sagot naman ng apat na kalalakihan at pilyong nilapitan ni Miguel ang kanyang pinsan na si Sean at inakbayan ito sa balikat. "Pre, gaano ba kasarap ang alak na ito para sa'yo? Mas masarap ba kaysa kay Laura?" pang a-alaska pa n'ya sa pinsan at nagsitawanan ang lahat. Lumagok naman ng isa pang tagay si Sean at walang kahit anong sagot itong i-binigkas para sa mga barkada. "Ohhhhh! Oww!" kanshaw ng mga ito kay Sean at nagtawanan muli. "Huwag mo sabihin pare na hindi mo pa nakukuha si Laura?" panghuhula pa nito at muli na naman silang nagtawanan at tanging isang lagok na naman ng alak ang ginawa ni Sean. "Mga pare, parang mananalo tayo ah! Oy Sean! Akin na, nasaan na ang pera mo? Mukhang, sa isang anak ng trabahanti n'yo lang titiklop 'yang p*********i mo ah," muling kantyaw pa nito at nagtawanan na naman ang grupo. "Sean, kaya mo ba? Bibigyan ka namin ng tatlong araw para makuha mo ang p********e ni Laura. Pero ngayon din, kung hindi mo kaya, eh…. sumuko ka na sa amin. Lapag mo na ang pera namin, diba mga tol?" dagdag pa ng isa at nag-aper pa ang mga ito. "Ano, pre? Aaminin mo na ba sa amin ngayon na talunan ka na? Na sa isang babaeng taga tanim lang ng mga prutas dito sa hacienda titigil ang pagiging matinik mo?" dagdag pa ng isa na tila ay hinahamon ang p*********i ng binata. "Huwag mo sabihin sa amin, Sean. Na tumitiklop kana? Na wala ng talab iyang charisma ng gwapa mong mukha sa isang chemay ng hacienda n'yo?" dugtong pa ng isa. "Sean, kapag hindi mo pa makuha ang babaeng iyan ay masasabi ko, na hindi na Ikaw ang Sean na kilala namin. Ikaw na si Sean talunan!" pambubully pa ng isa at nagtawanan na naman ang lahat. "Sino nag sabi sa inyo na hindi ko makukuha ang babaeng iyan, ha? Hoi mga loko! Si Sean ito! Sino ba ang babaeng a-ayaw sa akin, ha? Wala! Kaya maghintay kayo, huhubad din sa akin ang babaeng iyan," panunumpa ni Sean sa barkada. Kinabukasan ay maagang nilisan ng aking mga magulang ang aming tahanan. Habang ako naman ay papasok sa skwela. Lumipas ang mga oras ay sa wakas at tapos na ang aming klase. Kasalukuyang tinatahak ko na ngayon ang daan pauwi. Nang sa 'di kalayuan ay natatanaw ko na ang aking kasintahan sa ilalim ng malaking puno ng nara. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Paano kasi, napapadalas na kasi ang paghihintay ni Sean sa akin. Ang sweet at ang bait talaga ng nobyo ko sa akin. Mabilis kong inihakbang ang aking mga paa palapit sa aking irog. "Sean, kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Kitang-kita naman ng aking mga mata kung paano ako titigan ng aking nobyo sa mukha kaya medyo nahiya ako. Yumoko ako at i-tinago ko ang aking hiya dahil sa loob ng aking puso ay may kilig akong nararamdaman. Para kasi s'yang humahanga sa ganda ko. "Sean, huwag mo naman akong titigan ng ganyan," sabi ko sa loob ng aking isipan. Nilapitan n'ya ako at hinaplos n'ya ang aking pisngi. Ramdam ko sa aking balat ang init ng kanyang kamay. Inangat ko ang aking tingin sa kanya at tinitigan ko s'ya sa kanyang mga mata. "Sean, bakit ganyan na lang ba ang mga titig mo sa akin?" tanong ko. Inilapat pa n'ya ang isa pa n'yang palad sa aking pisngi. Mas tumamis pa ang aking mga ngiti ng ikulong n'ya ang maliit kong mukha sa malapad n'yang mga palad. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa akin ng aking nobyo. Ang saya, sobrang saya ng nararamdaman ko. Iba pala talaga kapag nagmahal ka ng isang lalaking tunay mong iniibig. "Laura, ang ganda mo. Ang ganda ng mga labi mo," sabi n'ya sa akin na tila naging musika sa aking tainga. "Sean, s-salamat," masaya kong turan. "Tara, doon tayo," anyaya n'ya sa akin. Sumama naman ako sa kanya, dahil gaya ng dating nakagawian namin ay doon kami tumatambay sa pampanga, sa ilalim ng malaking puno ng manga. Naupo ako sa damuhan habang si Sean naman ay nasa aking likuran at mahigpit akong niyayakap. "Laura, mahal mo ba ako?" seryoso n'ya tanong sa akin at hinaplos ko ang kanyang isang pisngi. "Mahal na mahal kita, Sean. Sobrang mahal kita," sagot ko. "Ikaw, mahal mo ba ako, Sean?" balik tanong ko sa kanya. "Oo naman, sa lahat ng naging girlfriend ko. Sa'yo lang ako umibig ng ganito," seryoso rin nitong saad sa dalaga. Aminado si Sean, na umiibig na rin s'ya kay Laura. At hindi lang iyon dahil sa pustahan. Natatakot lang s'yang umamin sa kanyang tropa dahil t'yak n'yang pagtatawanan s'ya ng mga ito. "Sean," seryoso kong bigkas. "Paano kung malaman ng mga magulang natin ang relasyon nating dalawa? Anong gagawin natin? Lalo na ikaw, anong gagawin mo kapag nalaman ng mga magulang mo ang tungkol sa atin? Batid kong hindi nila ako matatanggap dahil lupa ako, langit ka. Isa lang akong hamak na anak ng mga trabahante ninyo habang ikaw ay anak ng amo namin. Sean, anong gagawin mo kapag dumating ang mga araw na iyon?" may pangamba kong tanong sa kanya. Sa relasyon namin, ay alam kong hindi magiging madali ang lahat. Ngayon pa lang ay alam ko na, na hindi ako magugustuhan ng mga magulang n'ya. Naramdaman ko ang mas humigpit n'yang yakap sa akin mula sa aking likuran at hinalikan n'ya ako sa pisngi. "Laura, Isa lang ang maipapangako ko sa'yo. Ipaglalaban ko ang pag-ibig nating dalawa. Ipaglalaban kita. Dito, dito kung saan tayo madalas ay dito ako magpapatayo ng bahay natin. Dito tayo bubuo ng pamilya. Ikaw at ako ay palaging magkasama," seryosong sagot ni Sean sa akin. Lumuwag ang dibdib ko ng marinig ko ang lahat ng mga salitang iyon. Kay Gaan sa kalooban na handa akong ipaglaban ng aking irog, ng aking minahal. Maya't-maya lang ay naramdaman ko na ang paghalik ni Sean mula sa aking pisngi pababa sa aking leeg. Nakikiliti ako sa bawat pag dampi ng mga labi n'ya sa aking balat. Hanggang sa naramdaman ko ang pag pisil n'ya sa dalawa kong dibdib. Kaya agad akong kumawala mula sa mga bisig n'ya. Natakot ako sa maaaring kasunod nun, naalala ko ang aking mga magulang. "Sean, ano ba!" patayo kong sambit. "Hindi pa pwede. Bata pa ako, hindi ko pa maaaring gawin ang gusto mo," sambit ko sa buong pagtutol. Nagtama ang aming mga mata, at huling-huli ko kung paano nalungkot ang kanyang mukha kaya nahabag ako. "Sean, hindi talaga pwede eh," muli kong tangi at niyakap ko s'ya upang ipaintindi sa kanya na hindi pa talaga pwede sa aming dalawa ang bagay na iyon. "Laura, sabi mo mahal mo ako, diba?" "Oo, mahal kita at totoo iyon," sagot ko. "Kung ganon, bakit hindi mo kayang ipagkatiwala sa akin ang sarili mo? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko para makampangti ka sa piling ko?" nagtatampo n'yang tugon. "Sean, hindi naman sa ganoon," sagot ko at padabog s'yang tumayo mula sa damuhan at tinalikuran na ako. "Uwi na ako, bukas na tayo magkita," aniya at maagao kong hinawakan ang kanyang isang kamay. "Sean," bigkas ko. "Mahal mo ba talaga ako?" "Oo," walang dalawang isip kong sambit sabay humarap s'ya sa akin at sinungaban n'ya ng maalab na halik ang aking mga labi. Lumalim ang aming mga halikan sa isat-isa at nahiga ang aking likuran sa damuhan, hanggang sa naging malaya ang kanyang kamay at mga labi sa pag-angkin sa aking katawan. Hanggang sa kapwa naming pinagsaluhan ang bawal na pakikipag-isa. Ang aming pagiging Isa ay tunay na pag-ibig para sa amin. Wala akong bahid na pagsisisi sa nangyari sa amin ngayon dahil binigay ko lamang ang sarili ko sa taong mahal ko, at para sa akin ay hindi iyon mali. Kasalukuyan akong naka-unan sa kanyang braso habang tinatanaw namin pareho ang malinaw at malinis na ulap kagaya ng aming pag-ibig. Nilaro-laro n'ya rin ang buhok habang naka-yakap ako sa kanya. "Sean, paano kung mag bunga ang araw na ito sa ating dalawa? Anong gagawin mo?" seryoso kong tanong sa kanya. Tinitigan n'ya ako sa mga mata at ngumiti sabay halik sa aking noo. "Hindi ito magbubunga, hindi pa pwede," sagot n'ya sa akin na ikinalungkot ng puso ko. "Ibig sabihin, kung sakaling mabuntis ako ay tatalikuran mo lang ako?" nalulumbay kong sambit sa kanya. Isang masuyong pisil ang naramdaman ko sa aking balikat. "Hindi sa ganoon, Laura. Sinasabi ko lang na hindi pa dapat dahil nag-aaral ka pa. Malayo pa ang mararating mo, habang ako naman ay kailangan ko pang mas lalong matuto dito sa hacienda. Pero kung sakali man na magbunga ang araw na ito ay ipinapangako ko sa'yo na pananagutan kita, ipaglalaban kita," sambit n'ya sa akin na sobrang ikinaligaya ng puso ko. Ang swerte ko talaga kay Sean sa kahit saang angulo tignan. Natapos ang mga oras namin ni Sean at hinatid n'ya ako sa malapit sa amin. Malayo palang ay natatanaw ko na si ina na nakatingin sa amin ni Sean mula sa kubo naming bahay. "Sean, dito na lang ako, umuwi ka na," sabi ko sa kanya. "Baka kasi mahalata tayo ni inay," dugtong ko. "Sige, mag i-ingat ka palagi ah?" turan n'ya sa akin at nagpaaalam. Habang ako naman ay lumapit na ako sa aking Ina. Subalit hindi pa nga ako lubos na nakakalapit sa inay ko ay agad na n'ya akong pinalo bahagya ng hawak n'ya walis tingting. "Laura, bakit mo kasama si Sir?" agad na usisa ni inay na may halong paghihinala. "Sinamahan n'ya po ako dito eh, kaya kasama ko s'ya," pilosopo kong wika sabay mahina akong hinampas ng ina ko gamit ang hawak n'yang walis. "Aray ko, nay," drama ko. "Hoi,Laura! Pinupormahan ka ba ng lalaking iyon?" malisyosang tanong sa akin ni ina. "Nay naman, nag magandang loob lang iyong tao oh, hinatid lang ako," pagsisinungaling ko . "Naku, Laura! Umayos ka ah. Baka nililigawan ka ni, Sir. Baka magpapa-uto ka sa kanya. Alam mo naman ang bali-balita rito sa hacienda natin? Kung anong klaseng tao si Sir Sean. Playboy at manloloko, bolero pa," sabi sa akin ng aking Ina. "Hindi naman s'ya siguro ganon kasama, nay," pagtatanggol ko sa boyfriend ko. "Aba! Ikaw pinapaalalahanan lang kita. Para din ito sa kinabukasan mo!" patuloy na daldal ni ina sa akin. Habang sa kabilang banda naman ay naka-ngiting tinatahak ni Sean ang daan pabalik sa kanilang mansyon. Bakas sa mukha ng binata ang tuwa at saya sa kanyang imahe. Masaya s'yang malaman na s'ya ang pinaka-unang lalaki sa buhay ni Laura. Kahit sa pustahan nagsimula ang lahat ay sigurado s'ya sa kanyang sarili na iniibig na n'ya ang dalaga. "Ngiting panalo!" wika ni Miguel mula balkonahe. Kasalukuyan itong nakaupo sa balkonahe kasama ang tatlo pa nilang barkada. Gulat naman si Sean ng makita n'ya ang kanyang mga kaibigan. Hindi n'ya namalayan ang presensya ng mga ito dahil abot langit ang kanyang tuwa. Lumapit s'ya sa mga ito at naupo kasama ang tropa. Lumapit si Miguel sa binata at inakbayan ito. "Sean, wala ka bang ikwe-kwento sa amin d'yan?" may malisyang tanong ni Miguel sa binata sabay nag halakhakan ang tatlo. "Oo nga, Sean. Isang kwento naman d'yan!" sabat naman ni Teodor. "Kwentong masarap," dugtong ng isa. "Kwentong mahalimuyak!" sabi ng isa pa. "A-anong kwento? Wala akong sasabihin sa inyo," turan naman ni Sean habang naka-ngiti. "Hindi mo ba sasabihin sa amin kung paano mo nakuha ang birheng perlas ni Laura sa ilalim ng puno ng nara?" nan-u-udyok na wika ni Miguel. Mabilis pa sa alas-kwatro na nagbago ang mukha ng binatang si Sean. Napatuwid ang upo nito sa upuan at seryosong tinitigan sa mata ang kaibigan. "B-bakit n'yo alam?" gulantang n'yang tanong. "Mga brad, bakit daw natin alam?" tawang-tawang wika ni Miguel sa mga barkada habang nagtatawanan. "Malamang! Nandoon kami nakakubli sa damuhan habang hirap na hirap kang tusukin ang butas n'ya!" sagot ng isa at nagtawanan na naman sila. "Ang sarap siguro ni Laura, ang lakas ng ungol mo eh," dugtong naman ng isa. "Hoi, ano ba! Hinaan n'yo nga iyang mga boses ninyo! Baka may makarinig sa atin!" saway naman ni Sean sa kanyang mga kaibigan. "Bakit, Sean? Nahihiya ka ba?" wika ni Miguel. "Malamang! Eh anak ng hampas lupang trabahanti namin ang tinira ko. Kaya hinaan n'yo ang mga boses n'yo dahil nakakahiya! Baka marinig pa ni mama!" aniya sa kanyang mga kaibigan. Kahit hindi totoo ang kanyang mga sinabi ay kailangan n'yang sabihin iyon upang matigil na ang mga ito. "Oh, ito! Sampong libo!" wika ni Miguel at inilapag sa mesa ang pera at ganun din ang ginawa ng tatlo. "Woah! Dalawang panalo, Sean! Ang birhen ni Laura at kwarenta mill!" wika ng isa. "Hoi? Ano ang mga iyan? Ano Yan?!" sambit ni Donya Gracia at nag mabilis itong lumapit sa mga binata ng makita n'ya ang mga itong nagsilapagan ng mga pera. "Wala tita, katuwaan lang. Pustahan lang," paliwanag ni Miguel. "Pustahan?!" striktang sambit ng Donya. "Anong pustahan? Hoi ikaw, Sean?! Anong pustahan na naman ito? Babae na naman ba? Hay naku! Kayo mga lalaki kayo!" nangagalaiting dugtong ng Donya at binigyan ng tig-iisang hampas sa ulo ang mga binata gamit ang kanyang pamaypay. "Mga wala na kayong magandang naidulot sa anak ko kundi puro mga pustahan! At ikaw naman, Sean. Umayos ka! Kapag Ikaw, naka buntis! Naku, palalayasin talaga kita! Alalahanin mo, wala akong ibang gustong mapakasalan mo kundi si Cloudia lang!" dugtong ng Donya sabay naagaw ang attention nito ng isang dalagang bagong dating. "Ikaw pala, Cloudia," sambit ng Donya at nilapitan ang dalaga at hinalikan ito sa pisngi. My dear, bakit hindi ka nag sabi na pupunta ka? Sana nakapag-handa man lang ako para sa'yo. Halika, hija. Doon tayo sa loob," anyaya ng Donya sa dalaga. "Naku po, tita. Biglaan lang kasi ang desisyon ko. Gusto ko lang sana makita si Sean," sagot ng dalaga. "Hoi, Sean!" tawag ni Donya Gracia sa kanyang anak at tinapunan ito ng masamang tingin. Sa titig pa lang ni Donya Gracia ay alam na ng binata ang nais nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook