NAGMAMADALING lumapit si Ken sa isang matandang lalaking kaniyang naabutang papatumba, kaagad niya itong inalalayan. Sinamahan niyang maupo ang matanda sa isang bench na nasa lilim ng isang malaking puno ng mangga. “Tatay, ayos lang po ba kayo?” nag-aalala niyang tanong dito, hinilot ng matanda ang sintido. Tumayo si Ken nang makakita siya ng mabibilhan ng botelya ng tubig sa kanilang harapan, sandali niyang iniwan ang matanda sa upuan upang bumili ng tubig. Bumalik siyang may bitbit nang maiinom. “Uminom po muna kayo.” Iniabot niya ang hawak na inumin, hindi naman na tumanggi ito at kaagad na tinungga ang tubig. Hinintay niyang gumaan ang pakiramdam ng matandang lalaki bago naisiapang magtanong. “Mag-isa lang po ba kayo? Mukhang pagod na pagod kayo, dapat ay nagpasama kayo kahit na kanino.” Napansin ni Ken na bahagya nang may edad ang matanda at
Napangiti ang matandang lalaki at mahinang tumawa, tinakpan nito ang inumin. “Sinesermunan mo ba ako, Hijo?” Humarap ito sa kaniya.
Napahawak siya sa kaniyang batok at natawa. Hindi ito ang kaniyang nais ngunit ganoon na nga ang kinalabasan nito para sa ginoo. “Pasensiya na po.” Bahagya siyang napahikab dahil sa antok, napansin naman ito ng matanda.
“Salamat, Hijo.” Iniabot nito ang bote ng mineral pabalik sa kaniya ngunit wala na itong laman. Walang paalam na umalis ang matanda, nagkibit balikat na lamang siya at tumayo upang pumasok sa simbahan. Taimtim niyang ipinalangin sa panginoon ang kaniyang mga problema. Nagtungo siya sa palengke matapos magtungo sa simbahan. Ginugol niya ang mas mahabang oras sa pagtatrabaho at pagkita ng pera. Kailangan niyang kumita kahit na ang kapalit nito ay ang pagkukulang niya ng tulog. Ilang oras din siyang nanatili sa palengke upang maghanap ng pagkakakitaan bago bumalik sa bahay, saka lamang siya natulog nang makauwi. Mangiyak-ngiyak ang kaniyang lola nang silipin ang binata sa silid nito, hindi siya mapaniwala kung gaano siya kaswerte upang biyayaan ng isang binatilyong katulad ni Ken. Positibo lamang ito palagi, tahimik, matalino, matulungin at higit sa lahat ay mapagmahal. He used to priority others than himself, thus, his Nanang Mameng will never regret how she made him grown up. Nilapitan ito ng matanda at hinaplos ang buhok. “Magpakatatag ka, Ken, proud ako sa ‘yo.”
Kinagabihan nang magising ang binatilyo ay dali-daling nag-asikaso ng sarili upang bumalik sa kaniyang pinagatatrabahuhang coffee shop, sa uulitin ay siya nanaman ang night shift crew ngunit kasama ngayon si Leo. Maayos ang naging takbo ng customer hanggang umabot ang madaling alas kwatro ng umaga. He expected the woman to enter the store, but until five o’ clock in the morning, she never appeared. Hindi niya malaman ngunit nakaramdam siya ng lungkot, o pagkadismaya. Nasanay siya kakaibang awra nito, kaagad niyang iwinasto ang tungkol sa babae at nagbilang na lamang ng perang kaniyang benta, muli ay kailangan niyang matulog kahit na kapiranggot at kumita ng extra mula sa palengke. Panginoon, kalian ko mabubuno ang anim na libo ngayong linggo? Naglakas loob siyang kumatok sa opisina ng kanilang general manager na saktong naka-duty naman sa coffee shop. Hindi na alintana ni Ken ang kahihiyan, wala na siyang paki para roon. Ang tanging nais niya ay makapagabayad sa bahay nang hindi mapaalis. “Nakakahiya po pero gusto ko nang maglakas loob para mangutang ng anim na libo, huhulugan ko na lang po sa loob ng dalawang buwan, tubuan n’yo na lamang.” Pinagsalikop niya ang palad habang nakaupo sa isang armchair kaharap nito, taimtim siyang nananalanging mapagbigyan.
Umiling ang kanilang boss. “Nasa hospital ngayon ang misis ko’t may sakit, kailangan ko rin ng panggastos ngyon, wala akong mapapahiram.” Pilit itong ngumiti. Tumango siya at nagpasalamat, bagsak ang kaniyang balikat, paunti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa ngunit hindi niya ito iinda kahit na kalian pa man. Ken Lazaro was Ken Lazaro, he never lost hope and always fight until the end.
“Ken,” si Leo ang unang bumati sa kaniya nang makalabas siya ng opisina ng kanilang general manager. Pauwi na rin si Leo katulad niya, dahil pareho lamang sila ng oras nang pinasok.
“Leo, bakit?” Humarap siya rito nang may pagtatanong sa mga mata. Nasa tapat sila ng pintuan ng opisina. Nagulat siya nang mag-abot si Leo ng dalawang libo. Kunot noo at nagtataka siyang tumingin dito. “Para saan?”
“Pasensya na, narinig ko ang usapan n’yo ni Sir Roel. Ito, hiaramin mo muna. Galing ‘yan sa ipon ko pambili ng mamahaling sapatos pero mukhang mas nangangailangan ka. Kunyari na lamang ay ipatatago ko sa ‘yo.” Mas inilapit nito ang pera upang kaniyang kunin. Ngumiti si Leo.
Gumanti rin siya ng ngiti at hindi makapaniwala sa nangyari. Mabait talaga ang panginoon, hindi niya tayo pababayaan Kate. Kinuha niya ang pera. “Salamat, Leo, hindi ko na tatanggihan dahil talagang malaki ang pangangailangan ko ngayon.
“I know, pare.” Tinapik nito ang kaniyang balikat at magkasabay silang naglakad palabas. “Subukan mong humiram kay Jerico, kahit maliit ay madadagdagan naman ‘yang hawak mo. Tayong mahihirap lang ang magtutulungan.” He smiled so genuinely. Dahil sa paunang perang natanggap lumakas ang kaniyang loob, naniniwala siyang mabubuo niya ang sapat na perang ipambabayad sa may-ari ng kanilang inuupahan, kilala ito ni Ken maging ang lahat ng kapwa nito chismosa sa kanilang barangay, si Aling Rosa ay talagang madaldal, ilang beses na itong nakarating sa barangay at nakipagtalo sa mga nangungutang dito. Batid niya ring totoong hindi ito nadadaan sa pakiusap matapos kang bigyan ng araw upang magbayad, tototohanin nito ang mga sinabi sa kaniya.
“Maraming-maraming salamat, Leo.” Hindi niya naisip na ang kaniyang kapwa crewmate ang tutulog sa kaniya, pinagsisisihan niya tuloy na sa manager pa lumapit, batid niyang nagsisinungaling iyon. Kahapon lamang nang makita niyang kasama nito ang asawang bumisita sa shop, ngayon naman ay may sakit na ito. Well, thank God. Kaunti na lang.
Kaagad siyang umuwi at dumiretso sa kanilang bahay upang sunduin ang kapatid at ihahatid sa paaralan nitong bahagyang may kalayuan.