Episode 6

1092 Words
IBINABA ni Ken ang dalaga sa pinakadulo ng kalsada gaya ng ipinakiusap nito, hinubad nito ang kaniyang helmet at iniabot sa kaniya. Walang tanong-tanong na kinuha niya ito, nagtama ang kanilang palad na halos ikinagulat niya, palagi na lamang siyang tila nakukuriyente sa tuwing madidikit sa babae. Wala siyang makuhang salita upang itanong dito, hindi niya na nais pang itanong dito kung ano ang nangyari. Isa lang naman ang alam nya, nasa piligro ito kanina lamang, hindi siya tiyak kung kaano-ano ng dalaga ang mga lalaking nakita niya sa tapat ng coffee shop. Hindi naman sila napansin ng mga ito dahil nasa pinagilid sila ng parking. “Maraming salamat, Ken.” Ginaaran siya nito ng isang matamis na ngiti. Hindi niya napigilang mapangiti sa nakitang nginti nito ngunit nang mapansin niya ang ginawa ay pasimple siyang tumikhim at naubo. Tumango na lamang siya at isinuot ang kaniyang helmet. Iwinagayway ng babae ang palad nang papaalis na siya, isinuot nito ang hood sa ulo at patakbong naunang umalis. Malalim siyang bumuntong hininga, dumiretso siya sa kanilang bahay upang sunduin ang kaniyang kapatid na papasok ng alasais. Pagkarating niya sa bahay ay naabutan niyang nakikipag-usap ang kaniyang ‘Nanang’ sa ilang may-ari ng bahay na kanilang inuupahan. “Sige na po, baka pup’wede namang bigyan n’yo pa kami kahit na dalawang buwan. Magbabayad naman ho kami, Aling Rosa,” wika ng kaniyang lola na mayroong malungkot na mukha. “Ano pong nangyayari?” Lumapit siya at nagmano. “Kaawaan ka ng diyos,” sambit nito at muling humarap sa kausap. “Pakiusap, Rosa, matagal-tagal na rin kami rito. Dito na lumaki si Kulot huwag mom una kaming paalisin, babayaran ko ang kulang sa susunod na buwan.” “Panibagong utang nanaman ‘yon, hindi kayo matatapos niyan, Mameng.” Lumukot ang mukha ng babaeng kausap ng kaniyang lola. Lumipat siya sa harapan ng kaniyang lola. “Magkano pa ho ba ang kulang?” “Anim na libo, paanong hindi kayo paalisin nyan. Kung sa iba ko pauupahan ang bahay aba’y nagagamit ko na ngayon ang pera, may pangangailangan din ako, Hijo, at talagang kailangan ko na ang pera.” Nauunawaan niya ang pinaggalingan ng may-ari ng bahay, mahirap ang buhay at maraming pinagkakagastusan. Sa hirap ng buhay ngayon, doble-doble ang kailangan niyang kayurin upang sumapat ang perang hawak sa kanilang maraming gastusin. “Gagawa ho ako ng paraan, magbabayad ho kami. Pakiusap, kahit ilang linggo lang.” “Isang linggo, tama na iyan.” Nag-irap ng mata si Aling Rosa, isang byudang babae na mayroong bagong kinakasama. Pensyonada na ito at ang mga anak ay nasa abroad, ganoon pa man ay hindi nan ais pang makipagtalo ni Ken tungkol sa estado nito sa buhay, kailangan nilang magbayad ng bahay gaya ng nararapat. “Babalik ako sa isang linggo, maliwanag ba?” “Pero, Aling Rosa—” Hindi natapos si Ken sa sasabihin nang tumalikod ang matanda. Napahilamos na lamang siya ng palad at humarap sa kaniyang lola. “Ano hong nangyari, Nanang? Hindi ho bat bayad na tayo sa tatlong libo para sa upang noong isang buwan? Paanong naging anim na libo ang kulang?” Ito ang lubos niyang ipinagtataka, tatlong libo lamang ang kanilang upa sa isang buwan, at sa pagkakatanda niya ay nagbigay siya sa kaniyang Nanang noong isang buwan. Yumuko ang kaniyang Nanang na mayroong malungkot na mukha at tila nahihiya sa kaniyang apo. “Pasensiya na, Ken, n-hold up ako noong. Hindi ko na sinabi pa s aiyo dahil ayokong mag-isip ka pa, akala ko’y makakahiram ako ng pera sa bumbay ngunit hindi ako nakakuha.” “Nanang panibagong utang ‘yon.” Yumuko ito at tila maluluha na. Bumuntong hininga si Ken at niyakap na lamang ang kaniyang lola. “Huwag n’yo na pong uulitin, pakiusap. Karapatan kong malaman kung anong nangyayari sa aking nanang, kalimutan n’yo na po. Gagawa ako ng paraan para magkaroon tayo ng ipangbabayad.” Bumitaw siya sa pagkakayakap at humarap dito. “Nasaan ho si Kulot?" "Ipinasabay ko na kay Manong Ben,” tugon ng kaniyang lola na ang tinutukoy na lalaki ay ang siyang kapit-bahay nilang tricycle driver. Tumango na lamang siya at inayang pumasok ang lola sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa kaniyang silid at nanghihinang naupo sa gilid ng papag na kaniyang higaan. Iniisip niya kung saan siya makakakuha ng perang ipambabayad sa anim na libong hinihingi ni Aling Rosa sa susunod na linggo. Kahit magtrabaho siya ngayon, simula umaga hanggang gabi ay hindi siya kikita ng sampung libo o higit pa upang ipambayad ang anim at ang iba naman ay panggastos sa kanilang bahay, maintenance rin ang gamot ng kanilang nanang at hindi pa siya tapos sa pagbabayad sa kaniyang motorsiklo. Ngayon ay kailangan niyang mag-isip ng paraan upang kumita nang malaking pera sa loob ng isang linggo. Umiling siya at tumayo upang magpalit ng damit, lumabas siya ng silid dahil hindi niya magawang matulog dahil sa kaniyang iisipin, naabutan niyang nakahiga ang kaniyang nanang sa kahoy na upuan, nakatalikod ito at nakaunan ang braso. Sigurado siyang natutulog ito kaya naman hindi niya na lamang ginambala upang magpaalam lumabas. Ilang beses na siyang bumuntong hininga ngayong araw, wala siyang maisip na kung sino upang pagkuhaan o mapag-utangan man lamang. Napahawak siya sa kaniyang sintido, hindi rin naman siya makatutulog nang maayos kung may iniisip na bayarin. Pupunta na lamang siya sa palengke upang magkaroon kahit na kapiranggot n akita, malaking bagay na rin ang ibibigay ni Mang Tonio sa kaniya. Sumakay siya sa motorsiklo at umalis, inihinto niya ang sasakyan sa plaza, ninais niyang dumaan sandali sa malaking simbahan sa San Isidro upang ipagdasal ang kaniyang suliranin. Ipinarada niya sandal ang sasakyan sa hilera ng mga motorsiklo matapos ay nilakad niya na lamang ang maiksing distansya papasok sa simbahan. Maraming bata ang naglalaro sa labas, napapangiti siyang makita ang mga ito. Samantala, napakaraming mga tent na nakapalibot sa paligid, bilihan ng mga laruan at kung ano-ano pang kagamitan na iyong makikita sa bangketa, mayroon ding mga kabataang umiikot sa paligid upang magbenta ng sampaguita. Nalungkot si Ken para sa mga ito, kung ngayon ay namomroblema siya sa malaking halaga upang mabayaran ang bahay at magkaroon ng sapat na panggastos sa araw-araw, paano na lamang kaya ang pamilya ng mga itong nakatira sa bangketa at walang matitirhan. Hindi niya hahayaang maging ganoon ang buhay ng kaniyang kapatid na si Kate. Napahinto siya sa paglalakad nang may kung ano siyang nakita at naagaw nito ang kaniyang atensyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD