MATAPOS nilang magtanghalian ay napansin ni Ken ang katahimikan ni Thoie. Pagkatapos kumain ay muli itong lumabas ng bahay at doon bumalik sa kinauupuan. Nagtungo siyang muli roon at pinagmasdan ang babae mula sa likuran nito. Ilang ulit itong bumuntong hininga habang malayo ang tingin. Kanina ay hindi na ito nakipagtalo pa sa kaniya, ibinigay nito ang mga gamit nitong hinihingi niya. He felt too much guilt for what he did, ngunit para rin iyon sa kaligtasan ng babae. He would rather choose her gets mad at him than he let him fall in danger. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa kaniyang isip ang naging desisyon ni Don Inigo. Pagkalipas ng isang buwan ay saka niya lamang malalaman. “Gusto mong magpahangin?” tanong niya rito habang nananatiling nakasandal sa gilid ng pintuan. Tumingi