“KEN, kamusta?” tanong ni Lylia nang magkasalubong sila sa hallway ng hospital, lalabas sana si Ken upang bumili ng ilang makakain para sa kanila ni Kate nang masalubong ang kababatang dadalaw sana sa silid ng kaniyang nanang. Ngumiti siya rito at inayang pumasok sa loob ng silid, sinalubong sila ni Kate na magalang na kinuha ang mga dalang prutas ni Lylia para kay Nanang Mameng, inilapag niya ito sa bedside table. Isinama niya ang kapatid sa hospital kinaumagahan dahil wala rin naman itong pasok at linggo. “Ayos lang, Lylia. Hinihintay ko lang ang mga papeles ni Nanang para mailakad sa gobyerno.” “Gusto mo bang samahann kita?” Ngumiti ang dalaga at naupo sa isang hinatak na upuan. “Nako, hindi na—” “Magpasama kana kaya, Kuya?” Hindi natapos ni Ken ang sasabihin nang magsalita ang bu