“I’ll go direct to the point, Mr. Lazaro, your grandmother is in serious condition. She has a tumor, a heart cancer. You maybe confused how come, there are few cancer patient of heart tumor show symptoms in seldom and many do. As what her diagnosis result, we can do something about it. We need to undergo surgery to remove tumor in her heart, if not, she can only last maximum of two years.”
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ni Ken ang sinabi ng doctor sa kaniya noong magpunta siya sa opisina nito, hindi siya makapaniwalang ngayon niya lamang nalaman ang sakit ng kanilang nanang, ngayong malala na ito at kinakailangan sumailalim sa operasyon. Pumasok siya sa banyo sa loob ng hospital at hinilamusan ang kaniyang mukha, tumingin siya sa salamin. Hindi naitago ng tubig ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mata. Binanggit din ng doctor ang malaking halagang kanilang kakailanganin sa operasyon, isa’t kalahating milyon ang kinakailangan nilang bayaran para sa operasyon. Pilitin man niyang huwag isipin ang tungkol sa gastos ngunit paano niya iyon gagawin, gayong nakasalalay roon ang itatagal ng buhay ng kaniyang lola. Saan ko kukunin ang ganoon kalaking halaga? s**t!!
Pinunasan niya ng mga hinatak na tissue ang kaniyang mukha. Pinanghinaan siya ng loob, mabilis ang mga pangyayari at biglaan. Hindi siya makapaniwalang may ganoong sakit ang kaniyang lola, datapwat dati na itong na-diagnost sa isang sakit sa puso, hind inga lamang siya sigurado roon dahil ang lolo niya lamang ang nakakaalam, masiyado pa siyang bata noon upang malaman ang ganoong bagay. Ngayon naman ay malala na ito, siguro nga ay tama ang doctor, walang sintomas na ipinakita ang kaniyang lola patungkol sa sakit o kung hindi naman ay itinago lamang ito sa kaniya upang hindi siya mag-alala. Kung ganoon man ang nangyari, hindi makakayang patawarin ni Ken ang kaniyang sarili.
Nang mailipat sa isang silid ang kaniyang nanang ay wala pa rin itong malay, ito ay dahil sa gamot na itinurok dito. Awang-awa siya sa nakitang kondisyon nito at hindi niya malaman kung ano ang dapat isipin, ipinapanalangin niya na lamang ang bawat mangyayari kasabay noon ang paghingi ng gabay sa panginoon. “Nanang, kailangan mo pang samahan si Kate hanggang sa grumaduate siya ng college.” Hinaplos niya ang buhok nito at pinipigilang pumatak ang mga luha. Malalim siyang bumuntong hininga at inihilig ang ulo sa gilid ng kama nito. Inihingi niya ng tulong kay Lylia ang kapatid niyang mag-isang naiwan sa bahay, marunong na si Kate sa mga gawaing bahay, ngunit hindi niya nais na maiwan itong mag-isa sa loob ng kanilang bahay. Kinakailangan pa rin nito ng gabay ng mas nakatatanda kaya naman natatakot si Ken na hindi na tumagal ang buhay ng kanilang Nanang Mameng.
Dumagsa ang tulong para sa kaniya, nagtungo sa hospital ang in ani Lylia upang pauwiin siya sa kanilang bahay, magpalit ng damit at kumain. Nagprisinta si Alisha (ina ni Lylia) na ito muna ang magbabantay, laking pasasalamat ni Ken sa ginang maging sa dalaga nitong anak na hindi nag-aatubiling tulungan sila ng kaniyang pamilya. Umuwi siya sa kanilang bahay at niyakap ang kaniyang kapatid. Humagulgol ito ng iyak sa kaniyang balikat, ayon sa bata ay naikwento na ng kaniyang Ate Lylia ang nangyari sa kanilang lola. “Magiging ayos din si Nanang, okay?”
Tumango-tango ito sa kaniyang balikat, hindi niya binitawan ang kapatid hanggang hindi ito tumatahan. Nang makatulog ito ay saka lamang niya ito inihiga sa higaan nito at isinara ang kwarto, inayos niya ang mga gamit na dadalhin sa hospital para sa kaniyang nanang dahil batid niyang magtatagal pa sila roon. Dinala niya na rin ang paboritong unan ng kaniyang lola, bumalik siya sa hospital at hindi siya iniwan ng ginang. “Hayaan mo’t tutulungan kitang ilapit ang gastusin nyo sa gobyerno, baka matulungan nila tayo.”
“Maraming salamat, Aling Alisha.”
“Nako, ‘wag ng ‘Aling’, tita na lang ang itawag mo sa ‘kin o kaya naman ay ate, kasing edad ko lang naman ang nanang n’yo.”
Natawa si Ken at gumaan ang kaniyang loob, may mga tao pa ring mabubuting loob na handing tumulong sa kanila. “Maraming salamat po talaga, Ate Alisha, pasabi na rin po kay Lylia.” Matapos iyon ay muli niyang naalala ang kaniyang mga problema, hindi pa man siya tapos sa problemang ipambabayad sa kanilang bahay, ngayon naman ay isa’t kalahating milyon ang kanilang kailangan. Hindi niya na alam kung paano at saan kukuha ng ganoon kalaking pera. Nakatulog si Alisha sa isang sofa, private room ang ibinigay na kwarto sa kaniyang lola, nakiusap siyang makisama sa ibang pasyente ngunit tumanggi ang hospital, hindi raw iyon maari para sa cancer patient tulad ng kaniyang lola, dahil sa dami ng kaniyang dapat isipin ay hindi na siya nakipagtalo pa. Alas tres ng madaling araw nang makaramdam siya ng gutom, dahil nasa loob naman ng silid si Alisha ay naisipan niyang lumabas ng hospital upang bumili ng makakain. Minaneho niya ang kaniyang motorsiklo papunta sa coffee shop na kaniyang pinagtatrabahuhan, doon niya na lamang naisipan tumambay at kainin ang bibilhin niyang pagkain, nang sa ganoon din ay makausap niya ang ilan sa kaibigan. Pagod na siya sa katahimikan. Bumili siya ng isang tuna sandwich sa mini store na nadaanan, sa coffee shop na siya um-order ng kape dahil mayroon naman siyang employment ID para sa 20% discount.
“Kamusta? Bakit ka nandito? Wala ka namang pasok?” tanong ni Leo na siyang nasa counter, lumabas naman sa kusina si Jerico at malapad na nginitian siya.
“Oo nga naman, Ken, anong ginagawa mo dito?” Lumapit pa si Jerico at umakbay sa kaniya.
Sumandal siya sa pader, napansin niyang walang katao-tao sa shop kaya naman sa kaniyang palagay ay ayos lamang kung kakausapin niya ang dalawa. “Dinala sa hospital ang lola naming, na-admit siya at ngayon kailangan ko ng isa’t kalahating milyon para sa operasyon n’ya.” Isang buntong hininga na lamang ang kaniyang pinakawalan, hindi niya na magawang maluha dahil tila natuyot na ang kaniyang mga mata.
Natahimik naman ang dalawa niyang kaibigan at nagkatinginan. “Pasensiya na, Ken, wala akong maitutulong ngayon, hayaan mo sa sahod mag-aabot ako kahit papaano.”
“Okay lang, Jerico, hindi naman kailangan. Siguro ay hindi muna ako papasok bukas para mailakad ang papeles ng nanang at makahingi ng tulong sa gobyerno. ‘Yon na lang kasi ang nakikita kong paraan para masimulan ang operasyon sa halagang kalahating milyon.” Kinagat niya ang kaniyang tuna sandwich at sinabayan ng paghigop ng kape. Nanatili silang tatlo nang nakatayo.
“Nako, paano ‘yan? Baka hindi ka lalo makapasok saying naman ang araw mo.” Mayroong pag-aalala sa mga mat ani Leo at simpatya para sa kaibigan.
“Hindi ko na alam. Saka ko na lamang iisipin—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang maliit na kalambang ng salaming pintuan. It’s a sign that someone open or close the door. Nalunok niya ang nginunguyang pagkain at napadiretso ng tayo nang makilala kung sinong pumasok sa loob ng coffee shop. Ito ay ang kanilang morning customer, na siyang palaging nakasuot ng hoodie jacket. Walang imosyon ang mukha nito, pinagkuskos ang palad dahil malamig sa labas. Lumapit ito sa counter at tinignan ang counter na si Leo.
“Double expresso for Ma’am Barbie,” itinawag ni Leo ang order nito kahit hindi pa nagsasalita ang babae. Silang tatlo lang naman ang paikot-ikot sa counter kaya hindi na bago sa kanila ang order nito. Tumalima naman si Jerico upang gawin ang order. Pasimple niyang nililingon ang babae hanggang sa maupo ito sa paborito nitong puwesto. Sinimulan nang linisin ni Leo ang kaniyang area upang mamaya ay magbibilang na lamang ng pera, inilabas na ni Jerico ang order matapos magawa, ito na sana ang maghahatid ng order ngunit nang pumasok sa kusina ang kanilang manager ay hindi ito nakalabas. Natawa na lamang si Leo nang sumimangot ang mukha ni Jerico, batid nilang dalawa ni Ken na natitipuhan ng kanilang kaibigan ang customer kaya napasimangot ang mukha nito. Hindi malaman ni Ken kung ano ang pumasok sa kaniyang isip nang harangin niya si Leo sa tangkang paghatid ng order ng customer.
“A-ako na ang maghahatid.”
“Ha? Bakit? Hindi ka naka-uniform.” Nagtataka ang kaniyang kaibigan ngunit walang nagawa nang kunin niya ang tray mula rito.
“May itatanong lang ako.” Naglakad siya palapit sa babae bitbit ang order nito. Nang tuluyang makalapit ay tila umusog ang kaniyang dila, may ilang katanungan siyang nais itanong dito ngunit tila hindi nakikisama ang kaniyang dila. That’s crazy, Ken! Napalunok siya ng sariling laway nang mag-angat ito ng mukha at pasadahan siya ng tingin. Kumunot ang noo nito nang makitang hindi siya nakauniporme.
“Magandang umaga, Ken.” Ngumiti ito. “Maupo ka.” Kaagad nitong napagtanto na wala siyang pasok at hindi siya trabahador ng coffee shop ngayon kaya naman maari siya nitong ayaing maupo.
Inilapag niya sa lamesa ang tasa ng kapeng kaniyang inumin. Hindi siya tumanggi sa inialok nitong pag-upo niya.
“Maraming salamat kahapon,” wika nito at diretsong tumingin sa kaniyang mga mata. Dali-dali siyang nag-iwas ng tingin, hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito dahil tuluyan ngang napipe siya sa nararamdamang tension sa dibdib. “Wala ka bang pasok, Ken? Pero bakit ang aga mo dito.” Humigop ito sa kapeng inumin. Ngumiti ito nang hindi siya sumagot. “Don’t get shy, I can be a friend.”
Tumikhim siya at bumuntong hininga. Pinilit niyang ngumiti ngunit talagang wala siyang makuhang salita upang itanong dito, ngunit hindi niya nais na maabala ito sa ginawang pag-aaya sa kaniyang sumalo sa lamesa. “P-p’wede bang magtanong?”
Mabilis itong tumango. “Of course, ano ‘yon?”
Umubo siya upang itimbre ang kaniyang boses. “Ahm… Barbie—”
Tumawa ang babae nang tawagin niya ang pangalan nitong sinabi sa kaniya. “Yeah, tama. Barbie, anong itatanong mo?”
Ang magaganda nitong bilugang mata at naniningkit ang nakapagpapautal sa kaniya nang labis ngunit kahihiyan ito para sa kaniya, kaya naman kailangan niyang magpakalalaki. “You’re living near here?” Masiyado siyang matatas sa tagalog ngunit ganoon din siya sa ingles, hinasa niya ang kaniyang sarili. Top student siya noon at madalas nag awing leader sa kanilang pangkat. Mataas ang kaniyang grado at hindi ito bumababa sa marking otsenta. Valedictorian at nakapag-aral sa magandang paaralan bilang scholar, subalit hindi niya natapos ang pag-aaral nang kailanganin niyang magtrabaho o maghanap buhay para sa kaniyang kapatid at nanang. Sila na lamang tatlo ang naiwan sa kanilang pamilya matapos na magkasunod mamatay ang kanilang lolo at mga magulang. Siya ang tumayong padre de pamilya sa kaniyang lola at kapatid na si Kate.
“Yes I am, in fact it’s only ten steps away.” Mahinhin itong tumawa at muling humigop ng mainit na inumin. “Biro lang, sasabihin ko sanang sa kalsada lang ako nakatira pero mukhang hindi ka maniniwala.”
Mabilis siyang umiling.
“Gusto mo bang malaman kung sino ‘yong mga tinaguan ko kahapon? Mga siraulong palagi akong pinagtitripan sa tuwing lalabas ako na coffee shop.” Nagpangalumbaba ito sa lamesa. “Can I be your friend?” Muli itong ngumiti at tumingin sa labas na paunti-unti nang nasisinagan ng araw na papalabas. “You look kind and thoughtful, napatunayan ko kahapon lang.”
Napangiti siya sa sinabi nito, dahil sa kadaldalan ng babae ay tila biglaan na lamang naglaho ang lahat ng kaniyang nararamdamang awkwardness at tension. Hindi siya kaagad nakasagot doon.
“Do that smile means yes?”
Natatawa siyang tumango, tila siya isang batang nakahanap ng isang bagong kaibigan. Inilahad ng babae ang palad sa kaniya, kinuha niya naman ito at nakipagkamay.
“Nice meeting you, Ken.” She smiled perfectly and gave him a wink.
“Nice meeting you, Ma’am Barbie.”
“Ma’am ka d’yan hindi bagay,” biro nito matapos bitawan ang kaniyang palad at suklayin ang mahaba nitong buhok gamit ang mga daliri. “You can call me anything you want to call me, Barbie, jellyfish or whatever do you think I am.”
Hindi siya nakasagot at ngumiti na lamang.