TINANGGIHAN sa maliit na clinic ng isla ang dalagang buhat-buhat ni Ken dahil sa kakulangan sa gamit, kaya naman wala silang nagawa kung hindi byumahe patungo sa malapit na hospital sa bayan. Kaagad itong tinanggap ng naturang hospital. Naiwan si Ken sa labas ng emergency room dahil hinarang na siya ng ilang nurse. Hindi siya mapalagay at matindi pa rin ang namuong kaba sa kaniyang dibdib. Mabigat din ang kaniyang pakiramdam, hindi niya alam kung paano pagagaanin ang nararamdaman gayong walang kasiguraduhan kung magiging maayos ang dalaga o hindi. Paano kung lumala ang kondisyon nito ngayon? Alam niyang hindi biro ang matuklaw ng ahas. Lalo na at hindi niya alam kung anong ahas ang nakatuklaw rito. There were so many ‘What if’ in his head. Malalim siyang bumuntong hininga at napasandal s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books