NAPAHINTO si Thoie sa mabilis na paglalakad nang mahawakan ni Ken ang kaniyang kamay. Malalim siyang bumuntong hininga at humarap dito. “Uuwi na ako, marami pa akong ginagawa sa bahay.” Inalis niya ang palad nitong nakahawak sa kaniyang braso. “Wait, may nasabi ba akong masama?” Nakakunot ang noo nito at titig na titig sa kaniya. Kaagad nitong napansin ang pagbabago ng kaniyang mukha. Nasanay itong madalas siyang nakangiti. May nasabi nga ba siyang masama? Kaagad siyang umiling at bumuntong hininga. “I’m sorry.” Napagtanto niyang mali ang kaniyang iniaasta. Wala siyang karapatang magalit sa lalaki kung may nakauusap man itong ibang babae. She’s just nothing in his life. Magkaibigan lamang sila. Ngunit magkaibigan nga lamang ba? Gayoong taliwas sa isang magkaibigan ang kanilang ginagawa