PINATULOY ng mayordoma si Ken papasok sa bahay. Bahagya pa siyang nagulat nang ipasundo siya ng ginoo sa kanilang inuupahang bahay, saktong alas dyis ng umaga. Hindi na siya nakataggi pa at kaagad nang sumama sa mga ito. “Pumasok ka sa ikalawang silid.” Itinuro nito sa kaniya ang ikalawang pintuan sa hallway kung saan ay pinagpapalit siya ng kasuotan. Sa unang araw ng trabaho bilang bodyguard ay hindi niya mapigilang hindi kabahan. Malakas na tumitibok ang kaniyang puso sa hindi niya malamang dahilan. Mabilis ang naging mga pangyayari, hindi siya tiyak sa dahilan kung sa paanong paraan ay napasok niya ang trabaho bilang bodyguard, ngunit ganoon pa man ay buo ang loob niya itong tatanggapin. “Maraming salamat po.” Ngumiti siya at tumango. Kaagad din siyang iniwan ng mayordoma at hinayaan