KINAKABAHANG lumabas ng silid si Ken at bumaba sa sala kung saan naabutan niya si Ysabel, abalang-abala ito sa pakikipag-usap sa ilang taong kasama nito sa ibaba. Sa kaniyang nakikita ay nagbibigay ito ng instruksiyon sa mga kausap, ang isang kausap nito. Nang tuluyang makababa ay saka niya lamang narinig ang pinag-uusapan ng mga ito. “Yep, kailangan madala na ‘yan mamayang alasais dahil alas syete magsisimula ang party.” Dinig niyang wika ni Ysabel sa kausap nito, tumango naman ang kaharap at tumayo kasabay ang dalawa pa nitong kasama. “Kung gano’n mauuna na kami, Madame, babalik ako rito nang sakto sa oras, sila na pong bahala sa preperasyon sa garden,” ani ng isang bading na kausap ni Ysabel, isa itong party coordinator na siyang kinuha ni Ysabel upang ipaayos ang magaganap na pigin