C-2: The New Personal Assistant

2426 Words
Medyo kinabahan ako sa katunggali kong lalaki pero nagpapasalamat ako dahil mas nalamangan ko ito. "So, Miss Melody Honey Jimenez ikaw ang hinihirang kong magiging personal assistant ng magiging boss mo. Heto, ang folder at pakibasa lahat ng Do's and Don't's sa magiging trabaho mo." Sabi ng lalaking nagsalang sa kanila kanina ng lalaking kasama niya. Binuklat ko ang folder, medyo nagsalubong ang aking kilay dahil napakarami iyon at ang iba, weird at napaka-OA. "May problema ba, Miss Melody?" Untag sa akin ng lalaki. Mabilis kong isinara ang folder at nginitian ito. "Wala naman po," magalang kong sagot. "Mabuti naman kung ganoon, bukas dalhin mo na lahat ng mga gamit mo. Susunduin ka ng sasakyan na pagmamay-ari ng kumpanya para ihatid ka sa bahay ng magiging boss mo." Paliwanag pa ng lalaki na ang pangalan ay Aljur. "Eh...Sir Aljur kailangan ba talaga na makikitira ako sa kanya?" tanong ko para sure. "Oo! Personal assistant nga hindi ba? Dapat twenty four seven nasa tabi ka niya." Napangiwi ako, paano na kapag nasi- cr ako? O, kaya gusto kong magwiwi, kasa-kasama ko din ba siya? "Wala ka na bang ibang tanong?" Narinig kong tanong ni Sir Aljur. "Ahm...ano pong itatawag ko sa magiging Boss ko Sir?" "Boss, Koen. Nasa folder naman hindi ba?" "Eh... Sir bakit ang sungit mong sumagot?" Hindi ko napigilan ang aking sarili dahil pormal na pormal ang hitsura ni Sir Aljur. "Gusto mo bang masisante ngayon din?" "Nagtatanong lang Sir. Bawal kaya ang masyadong mataray, hindi hahaba ang buhay dapat chill lang po at laging masaya." "Dami mong satsat, ihanda mo na ang iyong gamit at basahing mabuti ang hawak mong folder. Isaisip mo lahat iyan," "Ay parang girl scout lang po?" pilosopo kong sagot. "Anong-" pinanlakihan niya ako ng mata. "Sabi ko nga po, maghahanda na ako." Sabi ko na lamang dahil gusto kong matawa sa hitsura ni Sir Aljur. Baka mamaya eh, tanggal na agad talaga ako dahil sa kapilosopohan ko. Nagpaalam na ako kay Sir Aljur, at habang naglalakad ako ay aking binabasa ang nilalaman ng hawak kong folder. Napapaismid ako at napapatawa dahil parang inappropriate naman na ang nilalaman ng folder. Pero, dahil need na need ko talaga ang trabaho, wala namang mawawala kung susubukan ko. Habang si Aljur, ay panay ang punas sa pawis nito at pigil na pigil ang tawa. Kanina pa gustong tumawa ng binata dahil nakakuha yata ito ng dalagang bibira sa pag-uugali ni Koen. Parang nakikinita- kinita na ni Aljur ang mala-tandem na Tom and Jerry sa pagitan nina Koen at Melody. Pinili niya si Melody dahil chill lang ito mukhang masayang kasama. Masyado din kasing pormal at mainitin ang ulo ng lalaking katunggali ng dalaga kaya mas pinili ni Aljur si Melody. Panay ang ikot ng mga mata ni Melody sa kabuuan ng malawak at malaking Condo na pinagdalhan sa kanya. Hindi ito makapaniwalang naroon na siya at magsisimula ng magtrabaho. "Ikaw ba si Melody?" tanong ng isang Ginang na lumabas mula sa kusina. Agad namang tumayo si Melody at nagmano sa Ginang. Ngumiti ang Ginang at pinasadahan niya ng tingin ang dalaga. "Ang ganda mo naman kahit simple lang ang ayos mo. May naalala tuloy ako na halos kapareha mo," sabi ng Ginang. "Artista po ba?" Natawa naman ang Ginang. "Ako nga pala si Malim, Yaya ng Boss mo." "Ikinagagalak ko po kayong makilala, ako po si Melody alalay ng alaga niyo." Natawa na naman si Aling Malim. "Nakakatuwa kang bata ka, ang gaan tuloy ng loob ko sa'yo. Pero, ngayon pa lang sana habaan mo na ang pasensiya mo sa alaga ko ha? Mabait naman iyon may pinagdaraanan lang siya ngayon," "Broken po ba? Naku, mga pag-ibig na iyan panira sa buhay. Mas maganda talagang tumanda na lang na single eh!" Napapalatak na wika ni Melody. "Basta, sana masabayan mo ang pag-uugali niya." Natatawang sagot ni Aling Malim. "Huwag po kayong mag-aalala, hindi ko lang po sasabayan, sasayawan ko pa po siya." Natawa na nang tuluyan si Aling Malim. "Nakakakaaliw kang bata ka, halika na at kumain muna tayo bago kita bilinan. Mamayang gabi pa darating ang Senyorito natin," "Sige po, Aling Malim." Sabay na ngang kumain sina Aling Malim at Melody. Dahil hindi naman pihikang tao si Melody ay magana itong kumain naparami pa nga ito. Kaya aliw na aliw si Aling Malim sa dalaga, pakiramdam ng Ginang ay biglang nagkabuhay ang tahimik na condo. Piping nagdasal ang Ginang na sana ay maaaliw din si Koen sa dalaga para mas mabilis itong makalimot sa mga nangyari sa kanya. "Bakit babae ang kinuha mo?" tanong ni Koen kay Aljur nang matapos na ang office hours. "Masyadong slow 'yong lalaki eh! Anong gagawin ko? Magpapaskil ba ako ulit ng hiring kahit naroon na sa condo mo si Melody?" "Huwag na, it's a waste of time. May business trip tayo next week, kailangan ko na ng assistant." Maalumanay na ang boses ni Koen. "Hay... salamat naman kung ganoon para matutukan ko na ang farm at rancho." Sagot ni Aljur na tila nakahinga nang maluwag. "Baka mga babae mo," giit naman ni Koen. "Hindi ba puwedeng both? Utang na loob, tatanda na yata akong binata nito Koen." "Manigas ka! Kinaibigan mo ako, puwes damay- damay na tayong tatandang binata." "Mahabagin, huwag! Sayang ang punla ko, uy saka sayang ang lahi kong guwapo." Isang batok ang natikman ni Aljur mula kay Koen. Natawa na lamang si Aljur habang si Koen, ikinubli nito ang ngiting sumilay sa kanyang labi. Maya-maya pa'y naghiwalay na ang dalawa at kanya - kanya ng umuwi sa kani-kanilang mga bahay. Koen's POV Napahinto ako sa paglalakad, natanaw ko ang isang babaeng may mahaba at maitim na alon- along buhok. Nakalugay iyon, nga lang may kaliitan kung hindi ako nagkakamali nasa four eleven lang ito pero cute. Nasa may veranda ito, nakatanas sa kalayuan kaya mas lumapit ako. Maaliwalas ang mukha ng babae, at alam kong simple lang siya pero malakas ang appeal. Isa siyang babaeng habang pinagmamasdan mo ay lalong gumaganda. "Dumating ka na pala, siya si Melody ang pinadala dito ni Aljur." Untag sa akin ni Yaya Malim. Nagkunwari akong hindi tinanaw ang babae, walang emosyon ang aking mukha na humarap kay Yaya. "Alam na po ba niya ang kanyang gagawin?" matamlay kong tanong. "Oo, naipaliwanag ko na lahat. Madali naman siyang makaintindi saka masayang kausap nga lang may pagka-pilosopo." "Then, try me. Baka hindi siya magtatagal sa akin," "Huwag mo naman siyang idamay, gusto lang niyang magtrabaho. Magaan ang loob ko sa kanya, simple pero napapatawa niya ako. Palagay ko, mabait siyang bata." Giit ni Yaya Malim. "Ganyan na ganyan naman si Aika noong nakilala natin. Baka, ganoon din siya kinalaunan magbabago, aalis para makuha ang gusto." Wala sa loob kong sabi. "Koen, iba si Melody personal assistant mo siya hindi kasintahan katulad ni Aika." Pagpapa-alala sa akin ni Yaya. Natauhan ako, bakit ko nga ba kinukumpara si Melody sa taksil na si Aika? "Pakisabi, Yaya ayokong lagi niyang nilulugay ang kanyang mahabang buhok para siyang manananggal." Sabi ko na lamang para ikubli abg guilt na aking nararamdaman. Napangiti naman si Yaya Malim. "Sige. Kumain ka na ba?" "Hindi pa po. Anong ulam natin?" "Sinigang na baboy saka pritong isda mayroon ding inihaw na pusit." "Nagutom tuloy ako," sabi kong natatakam. Mga paborito ko na naman ang inihanda ni Yaya, mga ulam na inaayawan minsan ni Aika dahil puro diet lamang ang palagi nitong sinasabi. Na palagi naman niyang sinusuportahan. Lihim akong napamura at pinagalitan ang aking sarili dahil sa kakaisip na naman kay Aika. Mabilis akong nagbihis at kumain na bago pa masira ang aking gabi ng dahil sa pag-iisip sa taksil na si Aika. "Melody, dumating na ang Senyorito. May pinapasabi siya sa'yo," wika ni Aling Malim sa dalaga nang madatnan niya ito sa may veranda. "Ganoon po ba? Ano pong sabi niya?" excited na sagot ng dalaga. "Kung maaari daw huwag mong palaging ilugay ang iyong buhok. Sundin mo na lang ha at medyo wirdo ang alaga ko," Napangiti naman si Melody. "No, problem po! Baka iniisip niya para akong aswang kapag nakalugay. Si Aling Malim naman ang napangiti. "Ang ganda- ganda mo nga kapag nakalugay ang iyong mahabang buhok. Hindi ko lang maintindihan ang aking alaga," "Magkakaiba po kasi tayo ng paningin tungkol sa maganda , Aling Malim. Maaaring maganda po sa inyo, pero sa kanya hindi po." "Hayaan mo na. Basta ang mga bilin ko sa'yo lagi mong tatandaan okay?" "Intiyende Aling Malim!" masiglang sagot ni Melody at sabay na silang pumanhik sa loob. Nagpaalam na si Melody kay Aling Malim na matutulog na at alam niyang maaga ang trabaho niya bukas. Ganoon din naman si Aling Malim habang si Koen ay nasa mini bar ito ng condo umiinom ng alak. Ganoon na palagi ang set up nito bago matulog para naman kahit papaano ay maging mapayapa ang kanyang gabi. Kinabukasan. Naihanda na lahat ni Melody ang mga gagamitin ni Koen sa araw na iyon. Mula sa damit, paperwork, attached case, pagkain at kung ano-ano pa. "Good morning, Boss!" masiglang bati ni Melody kay Koen nang lumabas na ito mula sa kanyang kwarto. Saglit na natigilan si Koen at napagmasdan niya nang malapitan si Melody. Medyo natulala pa si Koen dahil someone reminds him about Melody's existence. "May, dumi po ba ako sa mukha?" untag ni Melody kay Koen. Napakurap-kurap naman si Koen at pumormal ang mukha. "Good morning," malamig na sabi nito at nilampasan na niya ang dalaga. Napakamot na lamang si Melody sa sariling ulo, kapagkuwan ay sinundan na niya ang kanyang Amo. "Coffee? Inihanda ko na lahat ng inyong kailangan Boss. Pati itong breakfast po ninyo," masayang sabi ni Melody. "Call me, Senyorito kapag nandito tayo. Sa labas, you can call me Boss Koen." Pormal na sagot ni Koen. "Ay, ganoon po ba? Sorry, Senyorito wala kasi sa folder eh! Hayaan niyo po, isusulat ko na lang para hindi ko po makalimutan." "Remove the po, hindi pa naman ako matanda." "Sorry, Senyorito wala din kasi sa folder," "Ano bang folder na 'yan?" yamot na tanong ni Koen, naririndi siya sa kakasabi ni Melody ng folder. "Bigay ni Sir Aljur, sabi niya doon ako magbabase sa mga dapat king gawin bilang personal assistant niyo." Paliwanag ni Melody. Napabuntonghininga naman si Koen. "Ayoko ng masyadong madaldal, tanong ng tanong at sagot ng sagot." Ani nito. "At anong gagawin ko, Senyorito sesenyas?" "Aba't -" "Sorry!" "Ayoko din ng pilisopo ha?" babala pa ni Koen. "Hindi naman po ako pilisopo, Senyorito sumasagot lang ako." Saad ni Melody. "Again, the po!" "Sorry, Senyorito!" "Doon ka nga muna, tatawagin na lang kita nabibingi ako sa'yo." "Malakas ba masyado ang boses ko, Senyorito? Hayaan niyo, hihinaan ko." "Okay, okay! Magbihis ka na doon, ako na bahal sa sarili ko." Pagtataboy na lamang ni Koen kay Melody. Mabilis namang tumalima si Melody habang lihim na natatawa si Yaya Malim na nakikinig sa dalawa. Hindi nagkamali ang akala ng Ginang, sa wakas ay magiging maingay na ang napakatahimik na Condo ni Koen. "Hindi ka ba nagsusuklay?" tanong ni Koen kay Melody nang nasa loob na sila ng sasakyan. "Okay na kahit walang suklay, Boss." Mahinang sagot ni Melody. "Ano?" "Okay lang kahit walang suklay- suklay" mahina pa din ang boses na sagot ni Melody. "Puwede bang pakilakasan mo 'yang boses mo? Para kang ngongo kung sumagot tapos hindi pa maintindihan." Inis na wika ni Koen. "Sabi mo kasi, Boss ayaw mo ng maingay kaya hininaan ko na ang aking boses." Napaikot na lamang ni Koen ang mga mata nito. "Hindi ko naman sinabing lower your voice ang sabi ko, ayoko ng dada ng dada naiintindihan mo ba?" "Naiintindihan ko, Boss!" Nakangiting sagot ni Melody. Napailing-iling na lamang si Koen, kapagkuwan ay sumandal ito at pumikit. "May masakit ba sa inyo Boss? May dala akong gamot," "Tahimik. Manood ka na lang sa daan," "Sige po! Ay, sige Boss!" Nahilot na lamang ni Koen ang sentido nito. Hindi nito alam kung matatawa , maiinis o magagalit siya kay Aljur. Hindi nga slow ang kinuha nito pero para namang parrot na hindi nawawalan ng sinasabi o isinasagot sa kanya. Pakiramdam ni Koen ay mabibingi siya agad-agad, baka nga araw-araw na siyang may kabangayan simula sa araw na iyon. "Ano ba itong nakuha mong personal assistant ko, Aljur!" reklamo agad ni Koen nang magkita ang dalawa sa opisina. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Aljur. "Napaka-daldal!" "Ayaw mo no'n, hindi boring?" "Hindi nga boring pero nakakataas ng presyon ng dugo alam mo ba iyon?" "Okay naman siya ah! In fact, nakaka- aliw siya na nakakatawa. Kahit paminsan - minsan naman eh, napapasaya ka niya." "Idiot! Pinairal mo na naman pagiging babaero mo," inis na tugon ni Koen. Tawang-tawa naman si Aljur. "Anong connect doon? "Huwag ka ng mag-maang- maangan kilala kita, Aljur!" "Hindi nga! Maganda si Melody hindi pansinin ang ganda niya pero kapag tinitigan mo, mahihinoptismo ka. Saka, simple lang siya na may tila pagkalukaret kaya malabong mapo- fall siya sa'yo. Hindi ba iyon naman ang gusto mo?" Paliwanag ni Aljur na natatawa pa din. "Pareho kayong may sayad eh kaya okay lang sa'yo. Paano naman akong seryoso tapos ang assistant ko, lukaret? Baka, ako ang mababaliw sa huli nito! Mas lalong natawa si Aljur dahil sa sinabi ni Koen. "Anong nakakatawa?" Maang na tanong ni Koen. "Wala! Mas maganda nga iyon eh, lukaret siya tapos ikaw seryoso. Para naman hindi boring ang buhay mo," "Sira ulo ka talaga! At ano itong palagi niyang bukam- bibig na folder ha?" Naalalang tanong ni Koen. "Ah...iyon? Ang hirap kasing ipaliwanag at sabihin lahat-lahat sa kanya baka kako makalimutan niya. Kaya idinaan ko na lang sa folder para at least palagi niyang nababasa para hindi siya magkamali." Saad ni Aljur. "Katamaran mo," napapalatak namang tugon ni Koen. "Hayaan mo na okay? Masasanay ka din sa ingay at kulit ni Melody. Mahirap nang humanap ngayon kaya pagtiyagaan mo na siya," pangkukumbinsi ng binata. "Ano pa nga bang magagawa ko?" Sagot ni Koen na suko na sa pinaggagawa ni Aljur. "Iyon naman pala eh!" "Pasalamat ka busy talaga ako dahil kung hindi ako mismo ang hahanap ng personal assistant ko." "Okay, tama na at tapos na. Magtrabaho na nga lang tayo," pagtatapos naman ni Aljur sa usapan nila ni Koen at baka humaba pa. Maikli p naman ang pasensiya ni Koen dahil sa dinaranaa nitong Kabiguan sa mga oras na iyon. Kaya hangga't maaari ay ayaw ni Aljur na ma- trigger ang galit at emosyon ng kaibigan nito. Kaya nga si Melody ang pinili ni Aljur para naman kahit papaano ay hindi boring ang mga ganap sa araw- araw ni Koen.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD