Humahangos ang isang lalaki na pumasok sa isang condominium unit. Hindi maipinta ang mukha nito pero mababanaag mong kinakabahan ito. Halos sirain ng lalaki ang pinto at lumipad papunta sa malaking silid. Pero, walang tao kaya ginalugad niya ang buong sulok ng condo, subalit hindi nito matagpuan ang hinahanap. Bagkus isang papel ang tumawag sa pansin nito at binasa iyon, sulat galing sa pinaka-mamahal niyang babae. Nalaglag ang luha ng lalaki, sabay sira sa hawak na papel kasunod ang pagkuyom ng mga kamao nito.
"Are you okay?" humahangos na tanong ng isang pang lalaki.
Hindi sumagot ang tinanong bagkus ay napasigaw ito sa galit. Walang umimik maski ang mga nasa labas na naghihintay sa kanilang amo. Lahat ay malungkot ang mga mukha, nakikidalamhati sila sa nararamdaman ng lalaking luhaan.
"Ano nang plano mo?" maalumanay na tanong ng lalaki sa kaibigan nitong kumalma na.
"I don't know," mahina ang boses ng lalaki habang nakatungo.
Siya si Mike Koen Baltazar, isang bilyonaryong mailap, masungit at istrikto subalit binago ng pag-ibig. Nagmahal ito sa isang babaeng simple subalit ito din ang nanakit sa binata pagkatapos ng lahat-lahat.
"I checked all of her friends, relatives even her manager and the records of the Airport. Positive na lumabas na nga siya ng Pilipinas," pagpapatuloy na sabi ng lalaki.
Nag-angat si Koen. Naihilamos nito ang sariling mga palad sa kanyang mukha saka bumuntonghininga.
"I shouldn't have given my all trust and love to her. But who knows na gagawin niya ito sa akin? She's a perfectly innocent, kind and simple hindi ko alam na nasa loob pala niya ang kulo nito." May hinanakit sa boses ni Koen.
Tinapik naman ni Aljur ang balikat ng best friend nito.
"Koen, noon iyon hindi mo lang nakita at napansin ang mabilis na pagbabago ni Aika. Because you're deeply in love with her," aniya.
"Siguro nga! Lahat ng gamit niya pakitapon at sunugin, wala kayong ititira kahit katiting. Ayoko nang may makita pang magpapa- alala sa akin about her, pati cards niya paki-tanggal na din ng koneksyon. From now on, my trust issues will no longer remain for anyone." Pinal na desisyon ni Koen at tumayo na ito saka naglakad papalayo.
Napailing-iling na lamang si Aljur subalit agad din nitong sinunod ang mga bilin ni Koen sa kanila. Inasikaso din ni Aljur ang tuluyang pagkaputol ng paggamit ni Aika sa mga cards na bigay ni Koen. Sa kabila ng pakikiusap ni Koen kay Aika ay mas pinili pa rin nito ang ambisyon sa buhay, ang maging sikat na modelo sa ibang bansa.
"I warned you about her, Koen but you didn't listen." Wika ni Donya Clara nang malaman ang nangyari sa anak.
Nag-live in partner sina Koen at Aika ng dalawang taon sa condo unit ng binata. Paminsan-minsan lang itong nagagawi sa Mansyon dahil hindi magkasundo sina Donya Clara at Aika. Mas pinili ni Koen ang isinisigaw ng puso nito kaysa sa kanyang Ina. Ganoon nito kamahal si Aika ipinaglaban niya sa lahat.
"I don't want to hear anything about her from now on, please stop Mom." Malamig na sagot ni Koen at dumiretso na ito sa dati niyang silid.
Hindi naman na umimik pa si Donya Clara bagkus ay sinundan na lamang nito ng tingin ang anak. Kapagkuwan ay napangiti naman kinalaunan at nakahinga ito nang maluwag.
"Koen, paano 'yong mga invitation cards at mga motiff niyo sa wedding day sana? Mga organization team at iba pa?" tanong ni Aljur habang nasa Cafeteria silang dalawa.
"Hindi ba sinabi ko nang lahat ay ayusin at ibalik sa dati? Ano pang silbi ng lahat kung wala namang bride? Sinong gustong magpakasal ibigay na lang palitan nga names same venue, same date, regalo ko na lang para hindi sayang pati nga handa." Inis na tugon ng binata.
"Okay, magtatanong kami. Sayang kasi, tapos na lahat eh! I mean, papatapos na lahat," tumatangong wika ni Aljur.
"Then do it. Saka, lahat ng konektado sa babaing iyon puwede bang huwag mo ng itanong sa akin? Bahala na kayo sa lahat ng naiwan niyang bakas. Lahat ng billboard niyang makita niyo, destroy it. Ayoko ng may pakalat- kalat," mariing sabi ni Koen sabay higop sa kape nito.
"Sige, sige! Sorry sa pangungulit ko, siyempre ikaw pa rin ang unang taong tatanungin namin." Turan ni Aljur.
"Bahala ka na, wala na akong pakialam about sa past namin ng babaing iyon. Maski pangalan niya, ayokong marinig, ang sino mang babanggit may parusa mula sa akin." Sabi ni Koen.
Hindi na lamang umimik si Aljur dahil dama nito ang pinagdaraanan ng kanyang kaibigan. Saksi ito sa lahat ng nangyayari kay Koen simula't- sapul. Kilala na nila ang isa't-isa hanggang sa kaliit- liitang parte ng kanilang mga katawan.
"Maiba ako, nag- resign si Lolita bilang personal assistant at personal maid mo. Alam mo na siguro kung ano ang dahilan," pagbibigay alam ni Aljur.
"Good. Humanap ka ng iba, make sure na kagaya din niya. Kung pupuwede, lalaki na ang kukunin mo kung makakapasa siya sa standard ko." Bilin pa ni Koen.
"Copy. Anyway, sa Mansyon ka ba ulit titira?"
"Nope. Sa ibang condo unit ako titira, malapit sa Siargao."
"Eh, 'di malayo ang panggagalingan mo papuntang opisina?" Tanong pa din ni Aljur.
"Sakto lang, gusto kong magbiyahe ng medyo malayuan."
"Doon ko na din papuntahin ang magiging kapalit ni Lolita?"
"Yes. May kasama naman siya doon, si Yaya Malim."
Tumango naman si Aljur bilang pagsang- ayon nito sa mga desisyon ni Koen. Bilyonaryo ang kanyang kaibigan pero talagang ibinenta nito ang condo na tinirhan nila ng kasintahang si Aika. Lihim na napailing-iling si Aljur dahil sinayang lang ni Aika ang maganda sana nitong kapalaran sa piling ni Koen.
"Hi!" bati ng isang dalaga kay Koen.
Halatang medyo matagal na itong naghihintay sa lounge ng pagmamay- ari nitong Hotel.
"What are you doing here?" Malamig na tanong ni Koen sa babae at nilampasan niya lang ito.
Humabol naman ang babae kay Koen at sinabayan nito ng lakad.
"I heard about what happened between you and Aika. Sinabi ko naman na sa'yo from the beginning ayaw mong makinig!" Saad ng babae.
Huminto naman si Koen at humarap sa dalaga.
"Kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka na. Wala akong oras sa mga sinasabi mo, kaya puwede ba?" mariing sabi ng binata.
"Gusto lang kitang damayan,"
"I'm perfectly fine!"
"Pero, Koen?"
"Shut up, Deanna. Get out of my sight!" Iyon lang at sumakay na si Koen sa loob ng elevator .
"Huwag ka na kasing makulit," wika naman ni Aljur na nakasunod pala sa dalawa.
Bumuntonghininga na lamang si Deanna at naka-halukipkip. Subalit nakapag- desisyon na itong muling paibigin si Koen ngayong wala na si Aika na kinahuhumalingan nito.
"Anong ginagawa ni Deanna dito?" nakaarko ang kilay ni Koen.
"Malay ko," kibit- balikat namang sagot ni Aljur.
"Nakalimutan niya yatang ang laki din ng kasalanan niya sa akin."
"Baka gusto ka lang niyang i- comfort."
"I don't need her, I don't anyone specially when they are lying to me. Tama na ikaw, Aljur wala ng iba."
"Pero, sometimes need mo din ng iba like their companionship or ideas hindi lang ako."
"Maybe, some other time not now."
"Okay! Anyway, may dalawa na akong pinagpipiliang magiging personal alalay mo. Isang babae at isang lalaki, pero mukhang mas lamang itong babae." Pang- iiba ni Aljur sa usapan nilang magkaibigan.
"Ikaw na ang bahala basta ayokong ma- fall sa akin kung babae. At kung lalaki naman, siguraduhin mong mas mabilis siya kaysa sa'yo."
"Approved! Ako na ang bahala, may ipapagawa akong test para malaman kung sino sa kanilang ang mapalad na magiging personal alalay mo." Nakangiting sagot ni Aljur .
No comment lang si Koen, diretso ito sa meeting room kung saan gaganapin ang monthly report ng mga empleyado nito sa nasabing Hotel. Napasipol na lamang si Aljur sa ginawi ng kaibigan nito after all at sanay na sanay na ang binata sa hindi maintindihang pag- uugali ni Koen. Matagal - tagal ding hindi ganoon si Koen, kakabalik lang nito ang dating ugali ng dahil sa mga pangyayari.