I wanted to be with them but I couldn't, for the meantime. Gagawa ako ng paraan para makasama ko sila. Kung hindi man, ipaglalaban ko siya paghanda na ang lahat. Kailangan kong makapasok sa itaas para mabilis kong makontrol ang iba. Kapag malakas ang kapangyarihang hawak mo, madali na lang hawakan sa leeg ang iba pa. Pera at kapangyarihan lang ang gusto nila. Gagawin ko ito hindi para sa lang sa akin. Kung hindi para rin sa mga kauri kong pinagkaitan ng pagkakataong sumaya tulad ng ina ko. Dapat din silang sumaya sa taong mahal nila at hindi makasakit ng kapwa, kauri man o hindi. Dapat wala ng minamaliit at sinasaktan. Wala ng papatayin, kauri man o hindi. Gagawin ko ang lahat sa maabot ng makakaya ko. Medyo nagtagal pa ako doon sa harap ng tindahan nila habang nakatingin kay Kaela n