Sandali lang ang naging biyahe namin at narating namin ni Aurora ang resthouse. Dahil sa maaga pa, tulog pa si Kera sa pagkakaalam ko. Hindi din siya makalabas para kunin ang mga babae na nasa likod lang ng bahay dahil maari siyang masunog. Walang ibang puwedeng gumawa kundi kami lang. Pinarada ko na ang sasakyan at bumaba na kami ni Aurora. Pumasok muna kami sa bahay para maghanap ng pwedeng pantakip sa mga bampirang nilagay namin sa loob ng kweba para hindi masinagan ng araw. Pero sa pagpasok namin sa isang silid, nandoon na pala si Kera at nakahanda na ang mga makakapal na kumot. Mukhang alam niya na ang nangyayari. "Naramdaman ko kanina ang presensya mo. Malayo man, alam kong sayo 'yon. Naisip ko na baka kailangan mo ng kasama pero hindi ako pwede kaya hinanda ko na lang ang mga