JAX GELLER C1

1158 Words
"Is that Jax Geller? Gosh, napakagwapo niya lalo na sa Personal!" dinig niyang sambit ng isang babaeng nasa likuran na niyangayon. He is in a VIP bar right now kasama ko ang mga kaibigan kong pulis. Napapailing na lamang siya, he is used to this kind of reaction from the opposite s*x. Kulang na nga lang ay hilahin siya ng mga babae. But he is not a playboy Geller. He is thirty years old now but still hindi pa rin siya nagkaroon ng seryosong relasyon. Parang may hinihintay pa siya. Someone from his past, his first love and ex girlfriend way back in college. Sinubukan naman niyang umibig sa iba but he can't forget her kaya hindi nagtagal ang ugnayan niya sa mga babae. Ewan nga ba niya kung bakit hindi pa rin niya nakakalimutan si Lezzia. Simula nang umalis siya patungong Germany ay hindi na niya ito muling nakita. Nang bumalik siya ay sinubukan niyang hanapin ito but bigo pa rin siya. Natigilan siya sa paglagok ng alak nang balikan niya ang araw ng kan'yang paglisan. "Jax, pwede bang dumito ka na lang? Huwag mo'kong iwan please." pagmamakaawa nito sa kan'ya. "Lez, mabilis lang ang tatlong taon. Hindi mo mamamalayan ang oras at taon. I promise to come back to you my love, just trust me okay?" sambit niya sa umiiyak na nobya. Hinalikan niya ang noo nito at pinahid ang masaganang luha sa gilid ng mga mata nito. "M-maghihintay ako sa'yo Jax. Bumalik ka ha?Bumalik ka sa akin!" tumahan naman ito sa pag-iyak. "Hey Jax, tara na iiwanan na tayo ng eroplano!" napasinghap siya nang bumaling sa kapatid na si Jin. Tumango siya sa kapatid at muling humarap kay Lezzia. Napakaganda pa rin nito kahit na hilam ng luha ang mukha. "Baby, I love you so much remember that always!" Ang huling sinabi niya sa nobya at hindi niya akalain na iyon na pala ang huling araw na makikita at mahahalikan niya ito because after three years he didn't comeback. Limang taon pa ang lumipas bago siya nakabalik sa Pilipinas. After a year, he never heard about her. Hindi na niya ito nacontact at ang pinakamasakit pa ay ang liham nitong ipinadala sa kan'ya na nakikipaghiwalay na sa kan'ya ng tuluyan. His heart was broken even until now that he wasn't able to find answers from her. He is the youngest son of Samara Bright and France Geller. Kambal sila ni Jin Geller na hanggang ngayon ay nasa Germany pa at ayaw na 'atang umuwi sa Pilipinas. "Hi, Jax ba' t ngayon ka lang napadpad ulit rito? I've been waiting for you ever since that night we----" Muling bumalik ang kan'yang ulirat sa kasalukuyan nang marinig ang pamilyar na boses na 'yun. Its Michelle, anak ng isang four star General sa kapulisan. Lantaran ang pagpapakita nito ng motibo sa kan' ya pero hindi niya ito pinapatulan kahit na kulang na lamang ay maghubad ito sa harapan niya. Alam niya ang consequences kapag pinatulan niya ito,he doesn't want to gamble especially sa babaeng hindi niya kayang mahalin. Naramdaman niya ang paghimas nito sa kan'yang mga binti. Nang tingnan niya si Michelle ay kagat labi itong tila nasasarapan ito sa paghimas ng kan'yang mga binti. Hinawakan niya ang kamay nito at inalayo sa kan'yang katawan. "Kailan ka ba bibigay Jax? Ako na nga ang lumalapit sa'yo what else you want me to do huh? Suck you right here?" lantarang sambit nito sa kan'ya. "Come on Mich, I respect you lalo na't anak ka ni General." mahinang sambit niya rito. "Oh then don't respect me! Alam mo Jax, ano ba talaga ang hanap mo sa isang babae ha? Maganda naman ako, sexy at mayaman 'di ba? Wala ka namang girlfriend, nalaman ko rin na matagal ka nang walang seryosong relasyon sa ibang babae. Ano ba talaga ang hanap mo Jax? " walang pasensya nitong sambit. " Please Mich!Maraming iba diyan na mas deserve pa! I can' t be your man, m-may mahal na 'kong iba. Hinding hindi ko siya ipagpapalit kahit na kaninong babae o kahit na sa' yo pa! "mahabang salaysay niya rito.Alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya but that's the truth at para tumigil na rin ang babae sa paghabol sa kan'ya. Hindi niya alam kung ano bang meron siya't sa kan'ya pa ito naghahabol. Kilala niya si Michelle and he heard so much things about her.Buwan buwan 'ata ay iba iba ang nalilink rito. Kahit may asawa o single ay pinapatos nito. At ang mahirap pa ay kinakampihan ito ng ama dahil nag-iisang anak ito ng General. "Ang sakit mo namang magsalita Jax! You see, balang araw ay lulunukin mo rin' yang sinasabi mo!" galit itong tumayo at padabog na lumisan palayo sa mesa nila. "Naku Jax, patay na patay sa'yo ang anak ni General ah! Swerte mo na nga, tinanggihan mo pa!" sambit ni Gregory na malapit niyang kaibigan simula pa noong kolehiyo sila. At hanggang sa nagkatrabaho na sila ay mas naging malapit sila dahil nagkasama sila sa isang station. Siya naman ay ang hepe ng station. " Oo nga, Sir eh! Hmmp likod pa lang ulam na eh pero hindi pa rin nakapasa sa standard mo!" pagsang-ayon naman ni Reggie . Off duty nila ngayon kaya naisipan nilang pumunta na muna sa isang bar para makapag relax naman kahit sandali. Hindi biro ang maging isang pulis, sandamakmak na kaso ang hinahawakan nila. " Balita ko Jax sa susunod na buwan ay may re shuffle na naman raw. Saan ka kaya madedestino noh? Sana hindi sa bundok para palagi pa rin tayong magkasama." sambit ni Gregory. Nabasa rin niya ang memo na my re shuffle nga sa mga hepe sa susunod na buwan. Sanay na naman siya, bilang isang pulis ay hindi talaga maiwasan na kung sa'n sa'n ipapadestino. Mabuti na nga rin 'yun kung sakaling sa ibang lalawigan na rin siya madedestino o di kaya' y sa bundok para naman iwasan na si Michelle. "Kahit saan okay lang. Oo naman, dalawang araw naman ang off duty natin kaya may oras pa tayo para magsama pero sa ibang bar na lang huwag na dito!" aniya. "Hindi mo talaga type si Michelle noh! Sinabi mo na lang sana sa kan'ya na sa'kin na lang siya!"natatawang biro sa kan'ya ni Gregory. Napailing na lamang siya sa narinig buhat kay Greg. Napakaplayboy nito at kung ito ang pinormahan ni Michelle ay siguradong hindi nito tatanggihan ang babae. "Anak ni General 'yun Greg!Baka bukas paggising mo kasal na kayo!" sambit niya rito. Totoo naman ang sinabi ni Greg at Reggie. Total package na si Michelle at kung sinuman ang lalakeng makakatuluyan nito ay swerte talaga but hindi siya' yon. He can't give her what she needs especially his heart dahil ang puso niya ay nakalaan na sa isang babaeng mula sa nakaraan niya. Si Lezzia ang dahilan kung bakit hanggan mg ngayon ay single pa rin siya dahil umaasa pa rin siya na babalik pa ang dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD