"Mama, gusto ko po ito please! I want this doll!" kanina pa nangungulit ang kan'yang anak na si Kisses. Nasa loon sila ngayon ng toy section ng isang department store para bumili ng regalo para sa binyag ng anak ng kaopisina ng kan'yang asawang si Erik. Magnininong ito bukas at siya ang pinagbili nito ng pang regalo. Pero heto ang kambal niyang mga anak na sina Lovely at Kisses na gusto ring magpabili sa kan'ya.
His husband Erik is a supervisor of one of the biggest hardware company in Manila. At kahit mataas ang posisyon nito ay hindi naman siya nag-aaksaya ng pera. Kailangan pa rin niyang mag budget lalo na't isa siyang housewife. Marami silang binabayarang bills kada buwan at aminado siyang napakahirap pagkasyahin ang sweldo ni Erik kahit na may kalakihan naman. Kuripot si Erik, ang kalahati ng sweldo nito ay dinedeposito nito sa banko para raw may may pera sila sa oras ng kagipitan.
Limang taon na ang kanilang mga anak na sina Kisses at Lovely. She and Erik is a product of arranged marriage pero kalaunan ay nagkamabutihan naman silang dalawa at naging masaya naman sila sa piling ng kanilang mga anak.
Galing sa mayamang pamilya si Erik.Sa katunayan nga ay isa ang mga magulang nito sa stockholders ng company na ponagtatrabahuhan nito. In time, ay si Erik na ang kukuha sa posisyon ng mga magulang nito sa kumpanya.Pero ngayon ay nagsusumikap ito upang ipakita sa mga magulang na wortht ito balang araw.
"Me too mama, gusto ko rin ng doll na hawak ni Kisses!" segunda naman ni Lovely na hinihila pa ang laylayan ng kan'yang damit.
"Mga anak, next time na lang okay? Alam niyo naman na kakain pa tayo mamaya ng lunch so kung bibilhin natin 'yan, wala na tayong pangkain' di ba?" paliwanag niya sa dalawa.
"S-sige po mama." sabay na sambit ng dalawa.
Pagkatapos niyang bayaran ang regalong pinamili ni Erik ay umalis na sila sa department store at dumiretso na sa isang fast food chain na paborito ng mga bata.
Umorder siya ng dalawang value meals at burger lang para sa kan'ya.
"Kisses, Lovely dito lang kayo ah? I need to use the bathroom lang. Hindi ako magtatagal!" wika niya nang makaramdam na gusto niyang umihi.
Tumayo siya't pumunta sa CR at nang bumalik ay nagulat siya nang makitang hawak hawak na ng kambal ang mga manika na hinihingi nito kanina.
" Mga anak, ba't nasa inyo 'yan? "nagtataka niyang tanong.
Lumapit siya sa dalawa at umupo sa tabi ng mga ito.
" May nagbigay po sa amin mama. "wika ni Kisses na tuwang tuwa habang nilalaro ang manika.
" Ha? Sino? Hindi ba' t sinabi ko na sa inyo na huwag kayong makipag-usap sa ibang tao? " usal niya.
" Ba't he is nice mama. "wika naman ni Lovely.
" He? Lalake? My god mga anak don't do that again okay? " aniya sa mga ito.
" Opo mama. The man is a police. Aren't they good? Hindi ba't mababait ang mga policeman kaya nga namin kinausap ni Kisses.
Pulis? Ba't naman nito binigyan ng manika ang kan'yang mga anak? Ibig bang sabihin ay nakikinig ito sa usapan nila kanina sa loob ng toy section ng mall? Marahil ay naawa ito sa mga bata.
Napailing na lamang siya. Kapag makikita ng biyenan niya na may bago na namang laruan ang mga bata ay magagalit na naman ito kay Erik. Chinese ang mama ni Erik at may pagka kuripot rin. Kahit na mayaman ay hindi magastos at maluho sa buhay. Kahit siya nga ay tsinitsek talaga nito. Kung bago ba ang suot niyang damit, sapatos o may bago ba siyang alahas.Para walang gulo ay pinili na lamang niyang maging simple sa buhay. Hindi rin naman siya mahilig sa alahas pero ang mga damit niya ay tatlong taon pa niya gagamitin bago siya bibili ng bago. Kapag may bago siyang gamit ay si Erik ang pinagbunutunhan nito ng galit kesyo hinahayaan lamang raw siya nitong magwaldas.
Sa loob ng limang taon ay plain housewife lamang siya dahil ayaw naman siyang pagtrabahuhin ni Erik. Ayaw nitong mag hire sila ng katulong dahil dagdag gastos lamang raw. Kaya siya ang tagagawa ng mga gawaing bahay sa loob ng limang taon.
Ang pamilya naman niya ay mayaman pero ayaw naman ni Erik na maghinge sila sa mga magulang niya. Negosyante rin ang mga magulang niya kagaya ng mga magulang nito kaya nga sila pinagkasundo.
"Next time huwag kayong makipag-usap sa hindi ninyo kilala ah? Or tumanggap ng things mula sa ibang tao ok?" sambit niya sa mga ito.
Tumango naman ang dalawa. "I'm so sorry po mama 'di na po mauulit." wika ni Kisses.
Hindi naman nagtagal ay umuwi na silang tatlo. Maraming nagagandahan sa kambal lalo na' t napaka cute ng dalawa. Ang sabi nga ng mga magulang ng mga kaklase ng dalawa ay miniature Lezzia raw ang mga anak niya. Both of them is a replica of her.
Katulad nga ng inaasahan niya ay nasa bahay na naman nila ang kan'yang biyenan. At sa pintuan pa lamang ang mga anak niya ay dinig na niya ang tanong nito tungkol sa laruan na hawak ng mga bata.
"Naku Lezzia, huwag mo namang inispoil ang mga bata.You should always teach them how to be thrifty, hindi 'yung palaging sinusunod ang mga gusto nila." lumapit ito sa mga bata at tiningnan ang pricetag ng mga laruan. Napa-susmaryosep ang biyenan niya nang makita ang presyo.
" Tsssk, three thousand? Naku, gumastos ka ng anim na libo para sa laruan lamang? Lezzia naman, oo malaki ang sahod ni Erik pero hindi ibig sabihin nu'n ay magwawaldas ka na!" muli nitong sambit.
"Sorry po ma, hindi na po mauulit." paghinge niya ng tawad sa kan'yang biyenan para naman tumigil na ito.
" Hindi naman ako galit Lez, gusto ko lang na matuto kayo sa buhay. Oo, may kaya ang mga magulang kami at pati na rin ang mga magulang mo pero alam mo naman na hindi habang buhay ay aasa tayo sa negosyo."
"Naiintindihan ko po ma." wika niya.
"Mabuti naman, kung pinapatrabaho ka lang sana ni Erik ay alam mo ang halaga ng bawat perang ginagastos mo." wika pa ulit nito.
Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ng kan'yang biyenan. Minsan ay sobra na ito pero tinitiis lamang niyang huwag paapekto rito.
Kung sinuman ang nagbigay ng mga manikang iyon ay ang sarap murahin dahil inaward na naman siya ng kan'yang biyenan nang dahil sa mga mamahaling manikang 'yon. Bakit pa kasi tumiming pa ang dating ng biyenan niya, nakita tuloy nito ang mga laruan ng mga bata.