Glenda's Point of View flashback Napatingin ako sa larawan namin ng asawa ko noong ikinasal kami. Kapag pumunta silang mag-anak noon sa probinsiya ay siya lagi ang may dalang pasalubong sa akin. Napakabait pa niya hindi gaya ni Keith na sutil. Pinag-aral niya ako sa Manila at pero iniwan din dahil sa ibang bansa siya nag-aral. Patapos na ako sa kolehiyo nang bigalaan siyang nag bakasyon. Sino ba naman ang hindi ma inlove agad sa kanya. Bukod na sa sweet at mabait ay napaka gwapo pa niya. Isang gabi bago siya babalik sa America ay nakita ko siyang umiinom. Hinayaan ko lang siya dahil paminsan-minsan lang naman. Mag alas onse na ng gabi nang napagdesisyonan ko na tignan siya sa sala. Nakita ko na kinakausap niya ang mga larawan ng kanyang mga magulang. Lumapit ako para kunin ang mga basyo