DRAKE ASHTON "Anak, Drake Ashton," umiling ako habang umaatras. Hindi ko matatanggap ang sinabi niyang iyon sa akin. Gumuhit ang sakit sa mata niya pagkakita sa naging reaksyon ko. Sino bang tao ang magagalak kung malaman mong ganito ang gawain ng tunay mong ama? Wala naman diba? Masakit din ito sa akin dahil pinag-alala niya ako ng husto sa pagdukot kay Aliana, malalaman ko lang na siya pala ang ama ko? "Drake Ashton, magpapaliwanag ako, pakiusap," ikinumpas ko ang isa kong kamay upang patigilin siya. Ngumisi ako. Inilibot ang paningin sa buong sulok ng opisina niya. Kinutya ko sa aking tingin ang mga nakikitang mamahalin gamit sa magarang office niya. Malaki nga ang kinikita ng Daddy ko. Ngunit hindi sumuko si Dad. "Kaya gusto kitang makausap kanina," wika niya sa akin. Naro'n ang