DRAKE ASHTON "Mafia boss," dalawang ulit ko iyon binigkas ngunit hindi ko 'yon makapa sa aking puso na nagustuhan ko ang title na iyon. Dahil din siguro nakasanayan ko na ang salat na pamumuhay. Hindi ko nakikita ang sarili ko na yayakapin ang trono na ipamamana ni Dad sa akin. Kung sakali pagdating ng araw hindi ko isinasarado ang isip ko, ngunit sa ngayon kuntento na ako sa Tramo, kasama ng pamilya na minahal ako. Hindi ko naman tatalikuran si Dad. Pero sa ngayon tila hindi pa handa ang sarili ko. Sasagot na sana ako upang magsabi agad kay Dad, na hindi ko tatanggapin ang maging pinuno sa organization na binuo niya ngunit naunahan niya akong magsalita. "I'm aware, Son, and I won't pressure you to accept responsibility right now. Alam ko talaga mabibigla ka. Ngunit lahat ng nakikita m