ERL'S POV Ugh, hindi talaga ako makapaniwala sa napasukan kong impyerno. Oo impyerno, sana pala binasa ko nalang ang bawat letrang nakasulat sa kontrata. Nagsisisi ako peste. Naisahan ako ng ugok na 'yon. "Pagbuksan mo ako ng pinto" pilit ko talagang pinigilan ang aking sarili na huwag bugbugin ang lalaking nasa harapan ko. Lumabas nalang ako ng kotse na minamaneho ni Alli at pinagbuksan ang mokong. Nang makalabas na ito ay binulungan pa niya ako ng "Good girl" sabay pat ng ulo ko, and I hate that s**t. Nakakainis, sa sobrang inis ko nga pinunit ko ang kontrata sa harap niya mismo eh, pero dapak! May isang kopya pa pala sila. Ganito kasi ang nakasulat sa kontrata sa huling bahagi, sa pinakadulo. Sa pagpirma ko ng kontratang ito ay hinahayaan kong gawin ng aking amo ang kahit na anon