VLAD'S POV Hindi ako masyadong nakapag-concentrate sa klase kanina, inaalala ko kasi ang kalagayan ng mga magulang ni Tikboy, nabalitaan ko kasing lumalala ang kalagayan ng mga magulang niya, pero maaari pa namang maagapan. Dumagdag pa ang ama ni Erl, hindi ko pa natatanong sa kaniya kung saang ospital dinala ang papa niya at nang maisagawa na ang operasyon, I want to see the old Erl. The brave and tough Erl. "Mr. Redwine, I am asking you to define this word!" Itinuro ng Prof namin ang salitang hindi naman gaanong mahirap. Maning-mani lang ito. Nang tumunog na ang bell ay nagmadali akong lumabas ng room upang hanapin ang aking alalay dahil hindi niya ako sinundo. Halos malibot ko na ang buong St. Therese Academy sa paghahanap sa kaniya only to find out na nasa school garden lang pala it