Chapter 3

2279 Words
ILANG beses nang napamura sa inis ang panganay sa magkakapatid na Monroe na si Abraham nang maalala niya ang ginawa niya kagabi noong mabored na naman siya at inatake ng kapilyuhan niya. At ang naging target locked pa niya ay si Marilyn na nakita ng mga nakababatang kapatid niya sa madilim na daanan ng San Lorenzo. Nag disguise lang naman siya bilang isang holdapper at nagsuot pa siya ng itim na bonnet maskara para lang maging kapani-paniwala ang pantitrip niya. May dala pa siyang balisong na palagi namang nasa bulsa niya in case of emergency na kung sakali mang may siraulong magtangka sa buhay niya kahit saan man siya magpunta ay mapapatay niya ito. Ang plano lang niya ay takutin si Marilyn na nakita niyang naglalakad sa daan at holdapin ito pero ibabalik rin naman niya kaagad ang kinuha niyang kulay purple na wallet nito na naglalaman ng apat na libong piso pero dahil sa sobrang pagkataranta niya nang masilayan ng buo ang mukha ng dalaga ay hindi na niya naibalik pa ang purple na wallet nito. Gago ka talaga kahit na kailan, Abraham! Ano bang palaging pumapasok sa utak mo at iba ang klase ng mga trip mo? Panganay ka ba talaga sa inyong pitong magkakapatid? Ikaw lang yata ang abogado na part time holdapper din! Sa edad niyang 31 years old ay isa na siyang lawyer at may mga sariling properties na nabili para sa kaniyang lolo at lola at para na rin sa kanyang sarili. Katulad ng mga kapatid niya ay ayaw niya pa ring iwanan ang dalawang importanteng tao na nagtaguyod sa kanila para lamang mapalaki, mapag-aral at mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Ayaw iwanan nina Lola Adele at Lolo Defonsi ang probinsya ng San Lorenzo maging pati na rin ang bahay na kinalakihan nilang magkakapatid kaya hanggang ngayon ay dito pa rin sila nakatira. Hindi niya rin kayang iwanan ang mga ito kahit ang edad niya ay malapit nang lumagpas sa kalendaryo at pwede na ring bumukod at magkaroon ng sariling pamilya. Isa siyang trenta'y-uno anyos na single at wala pang balak mag-asawa. May mga naging girlfriend naman siya noon pero hindi sila palaging nagtatagal ng mga ito dahil sa pagiging workaholic niya. Ngayon ay nakiusap ang kaniyang lolo at lola sa dalawang buwan na bakasyon para makasama siya ng mga ito at ang iba pa niyang mga kapatid na may mga trabaho na rin sa bayan ng San Lorenzo. Dahil mahal na mahal nila ang kanilang lolo at lola ay pinagbigyan nalang nila ang hiling ng mga ito. "Anong problema, Kuya Abraham? Napansin kong simula nang makilala natin si Marilyn kagabi ay para kang takot sa kanya, ah?" nakangising sabi ni Levi na kadarating lang. Nasa labas siya ng bahay ngayon at nakatambay sa pinagawa niyang kubo. Bumuntong-hininga si Abraham at hinilot nito ang kanyang sentido. "Bro, alam mo naman kapag nabobored ako, 'di ba? Kung anu-ano nalang ang pinag-gagagawa ko at ngayon ay si Marilyn ang napag-tripan ko at nakakahiya lang talaga!" Sa sinabi niya ay bigla nalang humalakhak doon si Levi. "Mukhang alam ko na, ah? Nag disguise ka na naman bilang holdapper, no? Tapos hoholdapin mo kuno si Marilyn at tatakutin?" tanong nito. Inilabas ni Abraham ang kulay purple na wallet ni Marilyn mula sa bulsa ng suot niyang pantalon at ipinakita ito kay Levi. "Tama ka at ito 'yung wallet ni Marilyn na hindi ko na nabalik pa sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko aaminin sa kanya na ako 'yung nang hold-up sa kanya kagabi. Baka isipin pa niyang baliw na ako para gawin ang trip na 'yon kapag umamin ako sa kasalanan ko." ginulo ni Abraham ang kanyang buhok sa inis at galit na nararamdaman para sa sarili. "Ibang klase ka talaga, kuya! Pero ano naman kung isipin 'yon ni Marilyn sa'yo? Wala ka namang pakialam sa iisipin ng ibang tao sa'yo, ah?" kuryosong tanong ni Levi. "B-basta nakakahiya para sa magandang binibini na ginawa ko ang bagay na 'yon. Tinutukan ko pa siya ng balisong at umiyak siya sa takot nang dahil sa akin." May konsensyang nararamdaman si Abraham dahil sa kaniyang ginawa kay Marilyn. Nakikita niya na mabait at magalang ang dalaga. Kahit mukha rin itong mayaman dahil Taglish ito kung magsalita ay hindi nito hinusgahan ang simple nilang pamumuhay dito sa probinsya ng San Lorenzo. Alam na nilang tumakas si Marilyn mula sa pamilya nito dahil ayaw niyang maikasal sa taong hindi naman niya mahal. Mas lalo pang nadagdagan ang paghanga ni Abraham para kay Marilyn bukod sa may maganda itong mukha at nakakaakit na katawan. Mukhang manika ang dalaga at sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang babae. Magaganda naman ang naging girlfriends niya ngunit kung ipagkukumpara iyon ay Marilyn ay aangat pa rin talaga si Marilyn. "Ang ganda niya, no?" sabi ni Levi dahilan para samaan siya ng tingin ni Abraham. "Huwag siya, Levi. Ang dami mo nang babae at hindi mo na siya kailangan pang idagdag sa koleksyon mo." pagbabanta ni Abraham na ikinatawa lang ni Levi. "May sinabi ba akong idadagdag ko siya? Ang sabi ko lang naman ay maganda siya, ah? Bakit? Selos ka naman?" pang-aasar pa ni Levi na ikinailing nalang niya. Marilyn, sasabihin ko rin sa'yo na ako ang naging holdapper mo pero sana ay 'wag kang magagalit sa akin sa oras na malaman mo 'yon. Talagang siraulo at bored lang ako kaya ko nagawa iyon. NASA bayan ngayon ng San Lorenzo si Marilyn kasama ang kambal na sina Israel at Gael at namimili sila ngayon ng mga gamit na kakailanganin niya para sa pansamantala munang paninirahan niya sa bahay ng mga ito. Pumayag nalang siyang tumira sa bahay ng mga Monroe ngunit hindi pwede na magtagal siya doon. Naisip niyang dapat pala ay hindi niya tinatakasan ang mga problema niya dahil hindi iyon solusyon para maayos ang kailangang dapat na ayusin lalo na sa pamilya niya at kay Euzon. Bumili lang ng mga kakaunting damit at mga personal hygiene si Marilyn na binayaran ng kambal. Wala naman siyang ipambabayad sa mga nabili niya dahil nanakawan nga siya kagabi sa daan at wala na siyang ni sentimong kusing sa ngayon. Sina Lola Adele, Lolo Defonsi at ang magkakapatid ang nagpumilit na kailangan niyang bumili ng mga gamit para sa pananatili niya sa bahay ng mga ito kaya wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon nalang sa kanila. Pagkatapos nilang mamili ay nagyaya ang kambal na kumain sila sa isang pizza parlor sa bayan pa rin ng San Lorenzo. Kumbaga sa Divisoria sa Maynila ay ang bayan ng San Lorenzo ang trading at buying post ng mga taong naninirahan dito. Pagkapasok nila sa loob ng pizza parlor ay napalingon sa kanila ang mga taong nasa loob rin. Nakakahiya pa at mukhang sila na ang naging center of attraction ng mga ito. Hindi nalang pinansin nina Israel at Gael ang mga tingin sa kanila ng tao at umupo na sila sa isang bakanteng table para umorder ng pizza. "Kumakain ka ba ng pizza, Marilyn?" nakangiting tanong ni Israel sa kanya. Ngumiti naman si Marilyn. "Oo naman but veggie pizza was one of my favorite. Nagda-diet kasi ako kaya 'yon lang madalas ang kinakain ko." "Hindi mo na kailangang magdiet, Marilyn. Kahit kumain ka ng kumain at tumaba ka ay maganda at attractive ka pa rin." sabi naman ni Gael dahilan para pamulahan siya ng mukha. Napansin niya na malalim magtagalog ang pitong magkakapatid. Kung sa iba ay cringe iyon, para naman sa kanya ay hindi. Nararamdaman niya ang respeto sa kanya ng magkakapatid na Monroe sa paraan ng pagsasalita ng mga ito. "A-ah, ano pala ang natapos niyong course ni Israel?" nagchange the topic na lang si Marilyn para mawala na ang hiyang nararamdaman niya. "Bachelor of Science in Information Technology ang tinapos naming kurso ni Israel. Balak naming mag-apply ng trabaho sa mga susunod na buwan dito lang rin sa bayan ng San Lorenzo." nakangiting sabi ni Gael. "Wala ba kayong balak na magtrabaho sa Maynila?" tanong ni Marilyn. "Wala kaming planong iwanan sina lolo at lola dito sa San Lorenzo, Marilyn. Kahit sila Kuya Abraham, Kuya Exodus, Kuya Diego, Kuya Hakim at Kuya Levi ay wala ring planong magtrabaho sa Maynila kahit may mga job offer sila doon." sagot ni Israel. Talagang mahal na mahal ng magkakapatid ang lolo at lola nila at ayaw nilang iwanan ang mga ito kahit successful na sila sa buhay. Pero sayang rin dahil kung sa Maynila magtatrabaho ang pitong magkakapatid na Monroe ay tiyak na marami pang oportunidad ang darating sa mga ito at baka nga maging artista at model pa sila doon sa Maynila dahil sa angking kagwapuhan at kakisigan nila. "Mahal niyo talaga sina Lola Adele at Lolo Defonsi. I'm sure na proud rin silang maging apo kayo." sabi ni Marilyn na ikinangiti ng kambal. Nag-order na sila ng pizza na kakainin nila at Louisiana shrimp pizza ang inorder nila. Pagkarating ng order nila ay nag-umpisa na rin silang kumain. "Israel at Gael? Kayo ba 'yan?" Lumingon si Marilyn sa grupo ng mga taong naglalakad papalapit sa kanila. Mukhang mga kaibigan yata ito nina Israel at Gael. Tatlong lalake at isang babae ang magkakasama. "Kayo pala," sabi naman ni Gael nang makalapit na ang grupo sa kanila. Bigla namang nakaramdam ng pagkailang si Marilyn nang tignan siya ng mga ito. "Sino siya? Girlfriend mo ba, Gael?" tanong nung isang lalake na tila inoobserbahan pa ang kabuuan niya. Hindi naman sumagot si Gael. "Dito rin kayo kakain, Archie?" biglang pag-iiba ni Gael ng usapan. "Oo, pre. Kakatapos lang namin mamasyal sa plaza at itong si Julie ay may plano pa yatang puntahan ka sa bahay nila. Mabuti nalang at nandito pala kayo." sabi nung Archie at bigla nitong siniko ang babaeng kasama nila na maganda at morena. May crush ba siya kay Gael? I can't blame her tho. Gael is a handsome and hunky guy. "Manahimik ka nga dyan, Archie. Nakakahiya." pabebe at nahihiya namang suway nung Julie kay Archie. Ang akala ko ay sa Maynila lang may mga pabebe girls, dito rin pala sa probinsya. Tumingin muli kay Marilyn iyong isang lalake na may itsura bago nito binalingan sina Israel at Gael. "Pwede bang dito nalang kami sa table niyo? Eight seater naman 'tong table niyo at kasya tayo dito." tanong nung lalake. Tinignan naman nina Israel at Gael si Marilyn para hingin ang permiso nito. Tumango nalang si Marilyn bilang pagsang-ayon. Hindi naman ipinahalata ni Marilyn na medyo nagulat siya nang tabihan siya sa upuan ng isa sa mga lalakeng kaibigan nina Israel at Gael. Nag-order na rin ng pizza ang mga ito at ng dumating na ang order nila ay nag-umpisa na rin silang mag-usap at kumain kasama ang kambal. "Ngayon lang kita nakita dito sa San Lorenzo. Taga dito ka ba?" Muntik nang masamid si Marilyn sa iniinom niyang iced tea dahil sa biglang pagtatanong sa kanya ng lalakeng nasa tabi niya. Napansin niya na ngumisi sa kanila ang isa pang lalake na kaibigan rin nito at ng kambal. "No. I'm not." sagot ni Marilyn. "Woah, inglishera ka pala. Taga Maynila ka siguro. Bakit ka pala nandito sa San Lorenzo? Nililigawan ka ba nung kambal?" nang-uusisang tanong sa kanya ng lalake. Pinigilan ni Marilyn na huwag irapan ang lalake dahil sa pagiging chismoso nito. "They were not courting me." tipid niyang sagot. "Oh? So, single ka. Ako nga pala si Trevan. Matagal ko nang kaibigan sina Israel at Gael. Mabuti nalang pala at nakilala kita ngayon-" "Tapos ka na bang kumain, Marilyn? Umuwi na tayo dahil may gagawin pa pala kami nila Kuya Exodus sa bukirin." biglang sinabi ni Israel na kay Dale naman nakatingin. Seryoso ang tingin nito sa kaibigan. "Ah, yes. I'm done eating na rin. Let's go?" Laking pasasalamat ni Marilyn at kaagad na rin silang nakaalis sa loob ng pizza parlor dahil hindi talaga siya sanay na may ibang taong kausap lalo na kung hindi pa niya ito lubos na kilala. Pero sa magkakapatid na Monroe ay naging magaan kaagad ang loob niya sa mga ito kahit kagabi niya lang sila nakilala. "Pasensya ka na sa mga kaibigan namin kanina, Marilyn." sabi ni Gael habang nagmamaneho na ito pauwi. "It's okay. Kaibigan niyo naman sila kaya ayos lang na kasama natin sila sa table." sabi naman ni Marilyn. "Si Julie, matagal na siyang may gusto sa akin pero hindi ko naman siya gusto, e." banggit ni Gael kahit hindi naman niya iyon tinatanong. "And why? She seems like a nice girl. She's pretty and kind, too kaya bakit hindi mo siya magustuhan?" tanong ni Marilyn. "Hindi naman kasi mapipilit ang isang tao para lang magustuhan mo rin siya. Ang pagmamahal ay kusang mararamdaman 'yan. Kung matagal na akong may gusto kay Julie, sana noon palang ay niligawan ko na siya." bumuntong-hininga si Gael at tutok na tutok ang mga mata nito sa daan habang nagmamaneho. May punto si Gael. Bigla nalang niyang naramdaman ang pagmamahal noon nang magkagusto siya kay Gabriel noong mga bata pa lamang sila. "Kung sa bagay. Pero, wala ka bang babaeng nagugustuhan ngayon?" Biglang lumingon sa kanya saglit si Gael bago ulit nito itinutok ang atensyon sa daan. "Kinakapa ko pa kung ano ang nararamdaman ko sa babaeng 'yon, Marilyn pero sa tingin ko ay mas gugustuhin ko nalang na siya ang makatuluyan ko." Hindi alam ni Marilyn ngunit kumabog nalang bigla ng mabilis ang dibdib niya dahil sa sinabi ni Gael. "Ganoon rin ako, Marilyn. Wala pa akong babaeng nagugustuhan pero sa tingin ko ay mababago na 'yon." mariin namang sabi ni Israel na nakatitig na sa kanya. What the heck? Bakit kinakabahan at natataranta ako sa sinasabi ng kambal na 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD