HINDI yata magandang ideya na naglayas si Marilyn na hindi naman talaga totally na handa siya. Ngayon ay naglalakad siya sa isang masukal at madilim na daan na hindi niya mawari kung ano ang lugar na ito.
Epic fail ang ginawa niyang paglalayas pero no choice siya kundi ang panindigan ang naging desisyon niya. Ayaw niyang maikasal sa baliw at obsessed niyang best friend at hindi na rin siya papayag na madiktahan na naman nang kaniyang mga magulang ang buhay niya. 22 years is enough. She's already an adult at puwede nang magkaroon ng magandang trabaho. Hindi man kursong Education ang tinapos niya ay masaya pa rin siya at nakapagtapos siya ng pag-aaral.
Ngayon ay at takot na takot siya habang naglalakad sa daan. Parang daan sa pinapanood niyang Wrong Turn movie ang ambiance ng dinaraanan niya. Baka bigla na lang may sumulpot na lalaking defective ang mukha sa harapan niya at may hawak na chainsaw tapos pagpira-pirasuhin ang gorgeous and sexy body niya.
Nakakatakot dahil baka magkatotoo iyon!
And it's speaking of her thoughts ay namalayan na lang niya ang kaniyang sarili na ibinibigay na ang purple wallet niya sa isang matangkad na lalaking may black mask na gawa sa bonnet, at may hawak itong balisong na nakatutok sa leeg niya.
"Ayan lang po talaga ang pera ko, manong. Mukha lang po akong mayaman pero mas mahirap pa po ako kay Princess Sarah na nagbabalat ng patatas!" umiiyak na saad ni Marilyn sa kaniyang holdapper na tila natigilan nang masilayan ng buo ang pagmumukha niya.
Hindi man makita ni Marilyn ng buo ang mukha ng holdapper niya dahil sa suot nitong bonnet na maskara ay alam niyang guwapo ang lalaki dahil sa ganda ng kulay brown nitong mga mata. Matangkad rin ito at may malaking pangagatawan.
Pero teka? Bakit ba siya humahanga sa physical appearance ng holdapper niya? Papatayin at nanawakan na nga siya nito, oh!
Hindi sumagot ang holdapper sa sinabi ni Marilyn na itinulak lang siya at umalis na parang walang ginawang holdappan ang naganap.
Ayon na iyon? Hindi niya ba ako papatayin at pagkatapos niya akong patayin ay itatapon ang bangkay ko sa liblib na parte ng daan?
May mabuting puso naman pala kahit papaano ang holdapper niya pero nang maisip muli na wala na siyang pera dahil ninakaw na ng lalaking iyon ay lubos na nanlumo si Marilyn sa kaniyang sinapit.
Nang mapagod siyang maglakad ay sandali muna siyang huminto at umupo sa gilid ng daan. Itinabi niya ang dalang backpack sa likuran at bumuntonghininga.
Kanina pa may tumatawag sa cellphone niya pero pinatay niya ito. Alam niya rin na sobra nang nag-aalala sa kanya si Gabriel at nang muli niya itong maalala ay unti-unti na namang pumatak ang mga luha sa kaniyang mata.
Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa buhay niya ngayon. At kung makalimutan man siya ni Gabriel at makahanap ito ng ibang babae dahil baka mawala siya nang matagal ay maiintindihan niya iyon.
Natigil lang sa pag-iyak si Marilyn nang may makita siyang grupo ng mga kalalakihan na nagtatawanan habang may hawak na flashlight ang mga ito. Napansin rin niya na may bitbit na dalawang sako ang mga lalaki at hindi niya alam kung ano ang laman nito.
Unti-unting nakakalapit ang mga ito sa kanya at tila natigilan sila sa pagtatawanan nang makita siya.
Biglang kinabahan si Marilyn dahil baka mga holdapper ulit ang mga lalaki at nakawan rin siya. For sake! Pulubi na siya at wala nang maibibigay pa!
"Miss?" banggit ng lalaking matangkad at may morenong kutis na naglalakad papalapit sa kanya.
Iniwasan ni Marilyn na mapasinghap nang tuluyan niyang makita ang mukha ng apat na lalaking nasa harapan niya.
Holy moly! These guys are too handsome and masculine, too. Are they foreigner? Bakit mukha silang mga taga ibang bansa dahil sa banyaga nilang mga itsura?
Hindi niya mawari kung ano ang sasabihin niya hanggang sa nagsalita naman ang isa pang lalaki.
"Dis-oras na ng gabi, ah? Naliligaw ka ba? May maitutulong ba kami sa'yo?"
Nagtatagalog sila! At ang ibig sabihin ay hindi sila mga foreigner. Base sa suot ng mga ito ay mukhang mga farmer o fisherman sila.
Nahihiyang ngumiti si Marilyn sa apat na lalaki at tumayo mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng daan.
"I'm lost, actually. H-Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon." mahina niyang sabi.
Natigilan ang mga lalaki at nagkatinginan ang mga ito. Doon lang napansin ni Marilyn na magkakamukha ang mga lalaki at baka magkakapatid ang mga ito.
"Gano'n ba? Delikado para sa'yo ang maglakad mag-isa dito lalo na't babae ka pa man din. Ganito na lang, sumama ka sa amin at doon ka muna magpalipas ng gabi." nakangiting sabi ng lalaking kulot ang buhok at may nakaka-intimidate na ngiti.
"Hindi naman kami masamang tao, Miss. Masama maging gano'n sabi ng lolo at lola namin." sabi naman ng isang lalaking mukhang kaedad niya lang.
Dahil mukha namang harmless at mapagkakatiwalaan ang apat na nagaguwapuhang mga lalaki ay tumango na lamang siya. Ayaw na niyang maglakad ng mag-isa ngayong gabi sa nakakatakot na daang tinatahak niya at baka sa isang iglap na lang ay pinaglalamayan na siya.
Akmang kukunin na sana ni Marilyn ang kaniyang backpack sa lapag nang kunin ito ng isang lalaki.
"Ang bigat nito. Ako na lang ang magdadala para sa'yo. Gael nga pala." pagpapakilala ng lalaki sa kanya at naglahad ito ng kamay.
Ngumiti at tumango si Marilyn kay Gael at tinanggap ang kamay nito. Para pa siyang nakuryente nang magdampi ang kanilang mga palad pero ipinagsawalang-bahala na lamang niya ito.
"I'm Lady Marilyn Ayala. Nice to meet you," pagpapakilala ni Marilyn in full name dahil proud siya at maganda ang pangalan niya.
"Wow! Ang ganda naman ng pangalan mo, Marilyn. Ako naman si Israel, kakambal ko si Gael." pagpapakilala ng isang lalaki na ngayon lang niya napansin na kamukhang-kamukha ni Gael.
"Nice to meet you din, Israel." nakangiting saad ni Marilyn.
Nag-umpisa na silang maglakad at habang naglalakad sila ay nagpakilala na rin ang dalawa pang lalaki na mukha namang mas nakatatanda sa kanila nina Israel at Gael.
"Ako si Exodus at ito namang nasa tabi ko ay si Diego." sabi ng lalaking may morenong kutis na si Exodus.
Ngumiti at kumaway si Diego kay Marilyn dahil abala ito sa pagbubuhat ng dalawang sako na naglalaman pala ng mga inaning carrots sa bukirin ng kanilang lolo at lola.
Lubos na ipinagpapasalamat ni Marilyn na may mabubuting puso ang mga nakakita sa kanya. Bukod sa guwapo at matatangkad ang mga ito ay ubod pa ng pagka-gentleman. Malayong-malayo sa ibang mga kalalakihan sa Maynila na walang ibang ginawa kundi ang i-flex ang kanilang mga mamahaling gamit at itrato ang mga babae na parang isang laruan.
"Matagal na ba kayong mga farmer?" tanong ni Marilyn kay Exodus.
"Mga bata pa lang kami ay nagtatanim na talaga kaming magkakapatid. Nangingisda rin kami. Inabot lang kami ng gabi ngayon dahil nag-ani pa kami ng mga kakaunting carrots sa bukirin. Bukas ay babalik kami ulit doon." sabi ni Exodus.
"Nag-aaral ba kayo o graduated na?" tanong ulit ni Marilyn.
"May mga trabaho na kami, Marilyn. Sina Israel at Gael ay kaka-graduate lang ng kolehiyo noong Marso. May mga naipatayo na kaming bahay at business para kina lolo at lola pero mas gusto pa rin naming magtanim at mangisda, at tulungan sila sa farm at dagat kahit medyo successful na kami sa buhay." sagot ni Exodus.
Gosh! Ngayon lang ako nakakilala ng mga lalaki na may ganitong klaseng mindset. They are matured and well mannered, too.
Ilang minuto rin silang naglakad hanggang sa makarating sila sa isang bahay na malawak at simple lang ngunit malinis at maganda.
"Sila kuya ang nagpagawa ng bahay na 'yan para sa lolo at lola namin. Last month lang ito natapos." sabi ni Gael at inakbayan si Marilyn na namula naman sa ginawa niya.
"I-I like the vintage design of the house." sagot ni Marilyn nang nakangiti.
"Salamat. Halika na at pumasok na tayo sa loob. Nasa loob sina lolo at lola." sabi ni Israel hanggang sa hinila na siya ng kambal papasok sa loob ng bahay. Naiwan naman sa labas sina Exodus at Diego na mukhang aayusin pa ang mga dalang carrots.
Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay mas lalong namangha si Marilyn sa vintage at aesthetic look ng bahay. Gawa sa kahoy at mga muwebles ang kasangkapan sa loob at presko itong tingnan.
Nakita niya sa isang cabinet na gawa sa kahoy ang mga medals, trophy, at graduation pictures ng magkakapatid tanda na nakatapos na ng kolehiyo ang mga ito. Nakita niya ang apat na magkakapatid sa isang larawan at tatlo pang lalaki na hindi pamilyar sa kanya.
"Pito kaming magkakapatid, Marilyn. Gusto kong makilala mo rin ang iba pa naming mga kapatid. Monroe ang apelyido namin. Scottish ang ama namin at Filipino naman ang ina namin." sabi ni Gael nang mapansin nitong nakatingin siya sa larawan nilang magkakapatid na nasa isang picture frame.
So, that's why they look like a foreigner dahil taga Scotland pala ang father nila.
"Where's your mother and father?" Sa tinanong ni Marilyn ay malungkot na ngumiti si Gael.
"Mga dalawang taong gulang pa lamang kami ni Israel ay aaksidente sina Inay at Itay. Road accident 'yon nang pauwi na sila dito sa San Lorenzo dahil nagpunta sila sa bayan para magpa check-up si Inay sa ospital. Nabangga ng isang ten-wheeler truck ang sinasakyan nilang pick up van at iyon ang ikinamatay nila."
"I'm sorry for your loss, Gael." malungkot na saad ni Marilyn.
Marahan namang ginulo ni Gael ang buhok niya. "Ayos lang 'yon, Marilyn. Sigurado rin naman kaming masaya na sa langit sina Inay at Itay lalo na't nakagraduate na kami ni Israel ng kolehiyo at ang mga kuya namin."
"Sigurado akong proud sila sa inyo." sabi ni Marilyn na ikinangiti ni Gael.
Nakilala rin ni Marilyn sina Lolo Defonsi at Lola Adele na grandparents ng magkakapatid na Monroe. Mababait ang mga ito at pinakain pa siya ng dinner dahil doon lang niya naalala na hindi pa pala siya kumakain magmula kaninang umaga nang maglayas siya.
Ikinuwento niya sa mga ito at sa apat pang magkakapatid ang dahilan kung bakit napadpad siya sa San Lorenzo na pangalan pala ng probinsyang napuntahan niya. Nakita niya ang awa at simpatiya ng mga ito sa kanya.
"Nako, Marilyn. Kung ako ang nasa kalagayan mo rin ay talagang maglalayas ako huwag lang maituloy ang balak na pagpapakasal sa akin sa lalakeng hindi ko naman mahal. Hindi ko lang talaga maintindihan na bakit may mga magulang na mas inuuna pa ang pagpapayaman kaysa sa sariling kalayaan at kasiyahan ng kanilang mga anak." umiiling na sabi ni Lola Adele na sinang-ayunan naman ni Lolo Defonsi.
"Mabuti at ang mga apo namin ang nakakita sa'yo sa probinsya namin, hija. Marami pa namang masasamang loob ang gumagala sa paligid tuwing gabi sa San Lorenzo at baka ikapahamak mo pa iyon." sabi ni Lolo Defonsi.
Opo, lolo dahil kanina lang ay nanakawan pa ako nung lalakeng nakabonnet na maskara.
"Kaya po very thankful ako kila Exodus, Diego, Israel, at Gael dahil sila po nakakita sa akin sa daan." sabi ni Marilyn at nakangiting binalingan ang apat na gwapong magkakapatid na tila namula dahil nginitian niya ang mga ito.
"Mga single pa iyang mga apo ko bukod kay Leviticus na araw-araw yata ay may bago kaagad na kasintahan!" sabi ni Lola Adele at umiling ito.
"Ano pa bang aasahan natin sa buhong 'yon, lola? Buti na lang at palagi siyang nahuhuli ni Kuya Abraham sa mga kalokohan niya kaya hindi siya nakakaligtas." Natatawang saad ni Exodus na ikinatawa rin ng tatlo pang magkakapatid.
"Kung ano ang ikinababaero ni Levi ay ayon naman ang ikinawalang interes sa babae ni Hakim. Opposite talaga ang dalawang 'yon!" sabi naman ni Diego.
"Narinig yata namin ang mga pangalan namin d'yan, ah?"
Biglang napalingon si Marilyn sa tatlong guwapo at matatangkad na lalaking naglalakad papalapit sa kanila.
Katulad sa naging reaksyon niya nang makita sila Exodus, Diego, Israel, at Gael ay hindi niya mapigilan na humanga at bumilib sa guwapo at magagandang itsura ng mga lalaking nasa harapan niya. May mga maputi at moreno sa kanila ngunit mahahalata pa rin na magkakapatid dahil nagkakamukha ang mga ito.
Moreno sina Exodus at Diego samantalang mapuputi sina Israel at Gael. Ang tatlo namang dumating na mga lalaki ay may dalawang maputi at isang moreno.
"Mga kuya!" pagsalubong ng magkambal na Israel at Gael sa tatlong lalaki.
Tumingin sa kanya ang isang maputing lalaki na mukhang iyon ang pinakapanganay sa magkakapatid na Monroe at bigla ay nanlaki ang mga mata nito nang makita siya.
"Mga bro, siya nga pala si Marilyn. Dito muna siya titira sa atin hangga't gusto niya." Biglang sinabi ni Exodus sa tatlo nitong kapatid na dumating at inakbayan siya.
What? Dito na ako titira sa kanila? Hindi ko naman sinabi 'yon, ah?