"Ang usapan, si Charley Solevan lang ang magiging target mong akitin! Hindi kasama pati iyung dalawa niyang anak!" frustrated na saad ni Dana sa 'kin habang nagpapaikot-ikot sa living room ng condo ko.
"Relax, okay? Alam ko ang ginagawa ko," saad ko na may pangungumbinsi sabay irap dito.
Nabanggit ko na rin sa kanila ni Mike ang tungkol kay Harley na kalilipat lang dito sa tapat ng condo unit ko. At gaya ng inaasahan laking gulat nilang malaman na may isa pa palang anak si Charley sa labas.
"I can't believe na tatlong Solven ang mahuhulog sa 'yo," singit ni Mike, ang nakakatanda kong kapatid.
Panganay sina Dana at Mike sa 'kin, pero hindi ko sila nakaugaliang tawaging Ate o Kuya, kahit na ako ang bunso at pinaka-bata.
"Bakit parang hindi kayo nangangambang dalawa? Ruby, alam mong hindi sila bastang mga tao lang! P'wede nila gawin sa 'yo kung ano ninanais nila," inis na saad ni Dana.
"H'wag ka ngang nerbyosa masiyado, para saan pa ang paghahandang ginawa ko? Akala mo ba hindi ko naiisip iyan? Hangga't kaya ko silang paikutin sa mga kamay ko wala ka dapat ikabahala," seryosong saad ko.
"Paano kung mabaliw sa iyo ng tuluyan ang mag-aamang iyon? Paano kung gamitan ka nila ng dahas? Alam niyo dapat hindi na lang natin itinuloy ang kalokohang planong 'to," saad ni Dana na ikinapanting ng tainga ko.
"Anong sinabi mo? Kalokohang hindi na lang dapat natin itinuloy? Naririnig mo ba ang sarili mo?" tanong ko at hindi ko na napigilang hindi magtaas ng boses
Natahimik ito dahil alam niyang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya, alam naman naming lahat kung bakit kami umabot sa puntong 'to.
"Nakalimutan mo na ba ang dahilan kung bakit natin ito ginagawa? Matagal na natin inilagay ang HUSTISYA sa mga kamay natin! At hindi ako papayag na hindi pagbayaran ni Charley ang ginawa niya!" galit kong sigaw kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.
Lumamlam ng mukha nina Dana at Mike sa nakikita nilang pagiging emosyonal ko at agad kong pinalis ang mga luhang kusa bumagsak mula sa nangangalit kong mga mata.
"Pagpasensyahan mo na si Ate Dana mo, nagaalala lang siya sa p'wedeng mangyari sa 'yo, alam din natin mga delikadong tao sila, 'di tayo p'wedeng maging panatag, alam mo iyan Ruby," saad ni Mike katabi si Dana.
"Alam ko iyan Mike ,at hindi ako mangmang sa pinasok kong 'to alam ko ang posible kong kahinatnan pero una pa lang sumugal na 'ko, matalo o manalo, magpapatuloy ako," saad ko habang nakakuyom ang dalawa kong mga palad.
Bumuntong hininga si Mike at nilapitan ako, sabay banayad na hinaplos ang buhok ko.
"Hindi ka nag-iisa sa laban, kasama mo kaming mga kapatid mo, mula umpisa hanggang dulo, magkakasama tayo," madamdaming saad niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kusa na lang akong napayakap sa kanya, si Mike ang kaugali ko, parehas kami ng takbo ng isip sa lahat ng aspeto. Alam kong nagaalala rin siya sa p'wedeng mangyari sa 'kin pero aware din siya kung bakit namin ito ginagawa.
"Don't cry na, akala ko ba matapang ka? Bakit umiiyak ka?" nangaasar niyang pang-aalo sa akin kaya nahampas ko siya.
"Shut up," saway ko sa kanya.
"Sobrang ganda kasi ng kapatid natin Dana, kaya kahit hindi kasama sa planong akitin ang mga anak ni Charley, kusa na silang nabighani sa kanya, I think we should celebrate kaysa mag-over think, the Solevan men is now on our hands," saad ni Mike kay Dana habang nakalingon siya rito sabay ngumisi.
Sunud-sunod din na bumuntong hininga si Dana at saka siya lumapit sa akin at pinakatitigan akong mabuti.
"You are very intelligent and brave, unlike me. Duwag kasi ang ate Dana mo kaya ganito na lang ako kung mag-aalala at mag-isip nang p'wede mangyari sa 'yo, I'm sorry," saad niya na may lungkot sa boses.
"Ayoko kasing nakikita kang pinanghihinaan ng loob, nanghihina rin ako. Alam mong kayo lang ang lakas ko," saad ko upang ipaintindi sa kanya.
"I know," saad niya.
"Ngayong nagkakaintindihan na tayo, please lang itigil na natin itong dramang 'to," saad ko sabay pumunta na sa mini bar at kumuha ng isa sa red wine collections ko. Ang Chateau
Carruades De Lafite Red Wine.
Habang nagsasalin ako sa kopita ay mataman lang nila akong pinapanuod kaya kunot noo ko silang tinapunan ng tingin.
"What's wrong? Bakit ganiyan kayo makatingin sa 'kin?" takang tanong ko at lumapit ako sa kanila bitbit ang kopita.
"I just realized na kayong dalawa ni Mike ang nagmana ng katapangan ng mga magulang natin, ako, hindi ko alam kung kanino ko ba namana ang pagka-Maria Clarra ko sa sobrang hinhin ko ni hindi ko nga kayang dipesnsahan ang sarili ko," saad niya na may himig ng inis sa boses kaya nagkatinginan kami ni Mike.
"Hindi mo man kayang makipagsabayan sa misyong pang-bakbakan, pinalad ka naman sa talino, ate. Malaki ang bahaging naitutulong mo hindi lang sa amin ni Ruby, kundi pati na rin sa mga ka-trabaho natin na kapwa agent," saad ni Mike na sinangayunan ko.
"Mike is right, Dana. So, stop over thinking. Alam na namin kapag ganiyan ang tono ng boses mo, sinasalakay ka na naman ng mga munti mong insecurities," saad ko na ikinatawa lang ni Mike.
"So, you are saying na insecure ako?" tanong ni Dana kasabay ng pagtaas ng kanyang kilay.
"Oo, insecure ka sa sarili mong kakayahan. Eh, sa iyan binigay sa 'yo, embrace your abilities, iyang talent mo kasing iyan pang-inside job, hindi namin kaya ni Mike iyang trabahong ginagawa mo para sa team," saad ko na ikinatahimik niya lang at mayamaya sumilay na ang maaliwalas na ngiti sa maamo niyang mukha.
"Thank you," saad niya.
"Nah, it's a small thing," tugon ko.
"Maiba tayo, how was your conversation with Harley Solevan last night? What kind of man is he?" pag-iiba ni Mike at sumeryoso ang ekspresyon ng mukha.
"Well, all I can say about him is... he is smart, observant and... dangerous," saad ko sa malalim kong boses.
Mas naging seryoso ang ekspresyon ng mga mukha nila dahil sa huli kong sinabi, alam na nila kung anong ibig kong sabihin.
"Lahat naman sila, mag-mula sa ama," saad ni Mike bilang pagsangayon sabay pinag-saklob ang dalawa niyang palad.
"Ang sabi niya sa 'kin nakita niya 'ko sa party ni Charley at buong magdamag na nasa akin lang ang atensyon niya," paglalahad ko.
"Ibig sabihin, malakas ang pakiramdam niya," saad ni Mike ngunit umiling ako.
"Let's say he is, but he was just mesmerized by my presence that night, at saka niya lang napagtantong may iba pala akong intensyon kung bakit ako naroroon sa party ng Daddy nila," saad ko na ikina-singkit ng mga mata niya.
"What else did he tell you?" tanong ni Mike.
"He told me about his connection to his family but I know he told me that on purpose, gusto niya rin na makakalap ng impormasyon mula sa 'kin kaya pinakikitib niya 'ko," saad ko sabay ngisi na ikinahinga ng maluwag nina Mike at Dana.
Akala ng dalawang ito ay nagtiwala ako sa kalaban dahil lang sinabi kong personal kong nakausap si Harley kagabi dito pa mismo sa loob ng condo unit ko.
"He can be an enemy, and he can also be an ally, he is portraying a hero and villain role," dagdag ko pa na sinangayunan nila.
"Isa lang ang masasabi ko, mag-iingat ka sa bawat lalabas diyan sa bibig mo, magaling mag-manipula ang kalaban, remember that," paalala ni Mike.
"I know," saad ko habang nasa mga kuko ko sa kamay ang atensyon ko.
"Eh, iyung Stefan? Anong klase naman siya?" tanong naman ni Dana na ikinatigil ko nang marinig ko ang pangalan ng ungas na 'yon.
"Him? He is totally a suck," tanging iyon lang ang nasambit ko dahil sa inis nang maalala ko kung paano ako pakitunguhan ni Stefan.
Nagkatinginan ang dalawa dahil sa naging sagot ko.
"We are asking about his information, not your reaction," masungit na saad ni Mike kaya napairap ako.
"He will become my big problem in the near future, masiyado silang dikit ng ama niyang si Charley, kontrabidang walang modo," saad ko sabay inom ng wine.
"Mukang hindi maganda ang naging experience mo sa pakiki-salamuha mo sa anak na panganay ni Charley," hula ni Dana na ikinatango ko.
"Ang bastos niya kausap, wala siyang manners. Ang tingin niya sa 'kin pera lang katumbas, ilang beses niya ako in-offer-an ng salapi para h'wag lumapit sa Daddy niya," saad ko habang nakataas ang isang kilay.
"You look very mad at him," puna ni Mike sa reaksyon ko at aminado naman ako, hindi ko itinatangging naaapektuhan ako sa lahat ng sinabi niyang hindi maganda sa akin.
"Ang akala ko ba, you learn how to manage this kind of scene and situation? Bakit sa nakikita namin ngayon, apektong-apektado ka?" naniningkit ang mga matang tanong ni Dana.
"Ano bang akala niyo sa 'kin namanhid na ng tuluyan? Wala nang pakiramdam? Gano'n ba? Hello! Babae pa rin ako! Babaeng v**gin na pinagkakamalang p**stiute ng lalaking kumag na iyon!" inis kong sambit sabay hagod ng mahaba at kulot kong buhok.