Pinagmamasdan ko ang sarili kong repleksyon sa harap ng malaking salamin, pinasadahan ko ng haplos aking noo, pababa sa ilong patungo sa aking mga labi... You have the beauty that every man is dreaming of, Ruby Red. a perfect heart-shaped face, a pointed nose, mesmerising eyes, and perfect lips. Ngunit sa kabila ng maganda kong panlabas nagkukubli ang nangangalit kong kalooban na naghahangad ng ipinagkait na katarungan. Matamlay ang mga mata kong dumako sa black invitation envelope na nakapatong sa ibabaw ng drawer. Imbitasyon ito na ibinigay sa 'kin ni Charley nang dumaan siya rito sa condo ko kagabi para lang ibigay ito. Kaarawan ni Stefan sa sabado at invited ako, marahil tutol ito sa pagpunta ko ngunit wala lang siyang nagawa nang magpumilit si Charley na bigyan ako ng invitation.