CHAPTER TWENTY-SIX

1595 Words

"Bakit hindi niyo sabihin sa harap ko ang lahat ng mga iyan? Nag-mu-muka kayong mga back stabber." Sabay kaming napalingon ni Mike nang bumungad si Dana sa tapat ng pinto at blangko ang mukha niyang nakatingin sa 'ming dalawa. Back stabber? Ang isip bata talaga. Hindi na 'ko nagulat, alam kong kanina pa siya sa labas at nakikinig. Hindi naman talaga siya umalis at alam din ni Mike kaya nginisihan na lamang niya ito. "Alam kong nakikinig ka," saad ko habang prente lang akong nakatingin sa gawi niya. "Hindi ko alam na ang pagaalala ko pala para sa inyong dalawa ay nakaka-sira lang pala sa misyon niyo." Tama, ngunit sarkastikong ang pagkakasabi niya. "You still don't get it," tabang kong sambit. "Narinig mo na napag-usapan namin simula umpisa, hindi mo pa inunawa? Ewan ko sa 'yo Dana,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD