Chapter 20

1231 Words
Yuki Nakatulala lang ako habang nakatingin sa may kisame, I was laying on a hospital bed. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong isipin. I lost my child. Pakiramdam ko ay wala na akong ganang mabuhay pa. Ganito pa lang ang pakiramdam ng mawalan ng isang anak. Ang akala ko ay sa penikula lang nangyayari ang ganito , sa totoo buhay din pala ay pwedeng mangyari ito. Humugot ako ng isang malalim na hininga mula sa'king baga at saka inibuga ito. Pilit kong winawaglit sa'king isipin ang lahat ng nangyari pero dahil sa sobrang sakit nito, mahirap ng kalimutan. Napatingin ako sa may pinto ng kwarto nang bumukas ito. "Ma.." Tulak-tulak ng isang nurse ang kanyang wheel chair papasok sa may kwarto. "Balikan na lang po kita dito Nay," wika ng nurse na nag-dala kay Mama dito, tumango naman si Mama at nagpasalamat dito. "Bakit po kayo nandito Ma? Okay na po ba pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Bakit bawal na ba bisitahin ang aking anak?" galit ngunit pabirong wika ni Mama. "Hindi naman po Ma, inaalala ko lang po ang kalagayan mo." Ngumiti lang si Mama at hinaplos ang aking ulo. "Huwag mo muna akong alalahanin, alalahanin mo muna ang iyong sarili," nag-aalalang wika ni Mama sa'kin. Ngumiti lang ako ng mapait at muling tumingala at tiningnan ang kisame. "Hindi ko na alam Ma, pagkatapos ng nalaman ko hindi ko na alam ang gagawin ko," buntong hiningang wika ko. Napatingin ako kay Mama ng hawakan niya ang aking kamay. "Naniniwala ka ba na si Sir Mage talaga ang pumutay sa'yong Papa?" bigla naman akong napaisip dahil sa sinabi ni Mama. "Pero Ma, nakita ko ang ebedensiya." Napangiti ng bahagya si Mama at sinuklay ang aking buhok. "Isa lang 'yong papel anak, pwede madaya, sa tingin mo ba kaya niyang pumatay ng isang inosenteng tao?" Bakit pakiramdam ko bawat sinasabi ni Mama? o baka imahenasyon ko lang 'yon? "Hindi ko po alam Ma," naguguluhang tugon ko sa kanya. "Alam mo lagi siyang na kukwento ng Papa mo sa'kin, malamig daw ang pakikitungo nito sa iba ngunit bukas pa rin ang puso sa mga taong nangangailangan, naging matalik na kaibigan ng tatay mo si Sir Mage kaya naman sobrang loyal ng tatay mo sa kanya, sa tingin mo ang ganung tao ba ang papatay sa tatay mo?" hindi ko mapigilang mapagat sa'king ibabang labi dahil para bang pini-pressure ako ni Mama. "Hindi ba't sabi mo mahal mo siya?" "Naikwento ko lang po sa'yo na may gusto akong lalaki pero hindi ko po sinabi na si Sir Mage 'yon," tanggi wika ko kay Mama, bahagya naman siyang tumawa at malumanay akong hinampas sa'king braso. "Hindi mo kailangang banggitin sa'kin, halata naman at saka hindi ba't nagka-baby na nga kayo si Sir Mage?" bigla namang napatigil si Mama dahil narealize niya ang sitwasyon ko. "Sorry anak." Malungkot na wika ni Mama. Napangiti lang ako sa kanya at niyakap siya. Ilang saglit pa kaming naging magkayakap ni Mama, napahiwalay kami sa isa't - isa ng may biglang pumasok sa may kwarto. "S-Sir Mage." Hindi ako makapaniwala na nandito siya. May bahagi sa'king puso na sobrang natutuwa sa pagdating niya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti ng matamis habang hawak ang isang bungkos na rosas at isang basket ng prutas. Sa kanyang likuran ay kasama niya ang kaibigan niya doktor na si Sir Simon na may hawak na maraming lobo na nakaayos na parang tore. Inayos nila ito sa loob ng kwarto at saka siya lumapit sa'kin. Lumohod siya sa'king tagiliran at tiningnan ako sa'king mga mata. "Sorry Yuki for everything that I have done to you, I know it was my fault. Hindiko agad sa'yo sinabi ang totoo dahil gusto ko munang maayos ang gulo pero mukhang naunahan ako sa pag sasabi sa'yo," wika niya. " Ngayon ay okay na ang lahat, sana mapatawad mo pa ako." napakamot siya sa kanyang ulo dahil sa hiya. Napabuntong hininga na lang ako at pilit na inabot ang kanyang pingis upang haplosin ito. "I love you," malumanay na wika ko. Ngumiti siya at saka hinawakan ang aking kamay na nakahaplos sa kanyang pisngi. "I love you too Yuki." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. "Totoo ba 'yan Sir? mahal mo rin ako?" hindi ko makapaniwalang wika sa kanya. Bahagya lang siyang tumawa at tumango. "Bakit ayaw mo ba?" mapang-asar na tanong niya. "Aba syempre, choosy pa ba ako?" tumayo siya at saka ako niyakap. Napapalakpak sila Mama at Sir Simon dahil sa tuwa. Muling humiwalay sa'kin si Sir Mage sa pagkakayakap at muli akong tiningnan sa'king mga mata. "Nagustuhan mo ba ang mga regalo ko para sa'yo?" Tukoy niya sa mga dala nila ni Sir Simon kanina. Ngumiti naman ako at tumango sa kanya. "Sobra po." Tugon ko sa kanya. Muli naman siyang ngumiti at saka umupo sa sa'king kama. "Buti naman, pero may isa pa akong regalo para sa'yo," nakangiting wika niya. "Isa pang regalo?" Nagtataka ko siyang tiningnan. Ngumiti lang siya at tinanguan si Sir Simon. Ngumiti lang siya at saka tumungo palabas ng kwarto. Pagbalik niya ay may kasama na siya na isang lalaki. Ngumiti naman ang lalaki ng makita kami. Bigla naman pumatak ang aking mga luha dahil sa tuwa. "Papa." Mangiyak-ngiyak kong tawag sa kanya. Agad niya kaming nilapitan ni Mama at agad kaming niyakap. "Leo, buhay ka mahal ko." Naiyak na rin si Mama dahil sa tuwan na nararamdaman niya. "Oo mahal ko , buhay ako." Lalo pang hinigpitan ni Papa ang kanyang pagkakayap sa'min. Napatingin naman ako kay Sir Mage na masayang nakatayo sa may gilid ng kwarto kasama si Sir Simon. Humiwalay naman sa'min si Papa sa pagkakayakap at nilingon si Sir Mage. "Salamat Sir Mage," masayang wika ni Papa kay Sir Mage. Muli lang ngumiti si Sir Mage at tumango. "Wala anuman." Lumingon sa'kin si Sir Mage at ngumiti. " Sorry if hindi ko agad na sabi sa inyo, actually after they set me up sa pagkamatay ng iyong papa doon ko nalaman na pwede pang maligtas ang buhay niya, I immediately drive him to the nearest hospital at pinag-pasyahan namin ni Simon na itago muna siya habang umaandar pa ang imbestigasyon, hindi ko agad nasabi sa inyo dahil ayokong malaman ng impostor na buhay si Leo," paliwanag ni Sir Mage sa'min. Buong puso kaming nagpasalamat sa kanya dahil sa lahat ng naitulong niya sa'ming pamilya. Lumapit si Sit Mage sa'min at tinapik ang balikat ni Papa, ngiting tumango naman ito at nagbigay daan sila ni Mama kay Sir Mage. Muling lumuhod si Sir Mage at ngumiti. "Since nandito ang buong pamilya mo , I can do this now," wika niya sabay labas ng isang maliit na kahon. " Alam kong masyado akong mabilis pero gusto kong masigurado na mapa-sa'kin ka na." "S-Sir Mage," tears of Joy beging to fall down again from my eyes. "Yuki Vasquez, will you marry me?" He open the small he was holding in front of me and reveal the precious diamond ring. Hihindi pa ba ako? Isang Del Russo na ang nag-popropose sa'kin. Mangiyak-ngiyak akong tumango at nag wika, "Yes Sir Mage," tugon ko sa kanya, ngumiti naman si Sir Mage at saka isinuot ang singsing sa'king daliri at saka ako muling niyakap. "I love you Yuki," bulong niya sa'kin. "I love you too Sir Mage."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD