CHAPTER 05

2598 Words
"Ah!" Mabilis na napa bangon si Dahlia mula sa pagkakahiga dahil sa kaniyang panaginip. Habol ang hininga na hinawakan niya ang kaniyang kumakabog na puso. Basang-basa ang kaniyang buong katawan sa pawis, partikular na ang kaniyang likod. "W-what the f*ck is that dream?" tanong niya sa kaniyang sarili nang maikalma na ang katawan matapos ang ilang minutong paghahabol niya ng kaniyang hininga. Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Dahlia at napatitig na lang sa kawalan. In her dream, her boss Cornelius Vaughn just said something ridiculous. Hindi alam ni Dahlia kung bakit bigla na lang siyang nanaginip nang ganoon. Nakakatindig balahibo ng kaniyang panaginip at kung maari ay ayaw na niyang mangyari pa iyon. Just thinking about Cornelius Vaughn saying to her he likes her despite being a man makes her shiver. Akala niya ay tamad lang ang kaniyang boss pero mukhang walang hiya rin ito. Sobrang layo ng lalaki sa mga sabi-sabi na naririnig niya. Cornelius Vaughn is famous, especially in women. Maraming babae ang nagkakagusto sa lalaki, lalo na ang mga modelo. Pero kahit ganoon ay wala pa siyang narinig na may kinikita ang lalaki sa isa sa mga iyon. It turns out Vaughn likes men… "Damn it… it's just a dream right?" Hindi niya mapigilang mamroblema nang wala sa oras. She felt like her dream was true at all. That Cornelius Vaughn likes men. That's why he told her in her dream that he likes her… "No! Hindi puwede 'yon! Panaginip ko lang ang lahat–" "Hoy Dahlia, sobrang ingay mo naman!" Napaigtad si Dahlia at mabilis na napatingin sa pinto ng kaniyang kuwarto nang bumukas iyon. Sumalubong sa kaniyang paningin ang mukha ng kaniyang matalik na kaibigan na si Katie. May hawak-hawak na mug ang babae na umuusok pa. "Anyare sa 'yo? Bigla ka na lang sumigaw. Nanaginip ka ba?" "Yup… and it was really horrible," sagot niya sa kaibigan at napasabunot na lang sa kaniyang buhok. Katie's forehead creased. Lumapit ang babae sa kaniya at tumabi. "Is it about your mother again?' she asked worriedly. Katie has been her friend for ten years now and the woman knows her situation. Alam din nito na nagpapanggap lang siyang lalaki. Nagpakawala siya ng buntong hininga. "Nope… it's not her this time." Walang kahit ni isang gabi kung saan ay hindi siya binabangungot. She always experience having nightmares every damn night and it was all because of her mother. But surprisingly this time, it wasn't her but someone else instead. "What? Then who?" "It's… it's my boss," halos bulong na nang sabihin niya ang mga katagang iyon. She never really expected Cornelius to show up on her dream. "W-what? Did… did I hear that right?" Maging si Katie ay hindi rin makapaniwala. Tumango si Dahlia. "Yes darling, I'm f****d up. Hindi ko alam bakit bigla ko na lang napanaginipan ang tamad na 'yon. Wala lang naman siguro 'to 'di ba?" Nagtagal ang tingin ni Katie sa kaniya at hindi muna nagsalita. May kung anong kislap sa mga mata nito na hindi niya makilala. Napatikhim ang kaibigan at binuka ang labi para magsalita, "Yes… well I guess it's normal." "So what did you dream about him for you to shout like that?" Tumaas ang kilay ni Katie at napasimsim sa kape nito. Bumangon siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang kama at nagsimulang mag stretching. She's currently staying at Katie's apartment. Katabi lang naman ang apartment nilang dalawa pero ayaw niya doon. May multo daw kasi roon kaya mas pinili niya ba makisiksik sa apartment ng kaibigan. "He just said he likes me..." "'Yan lang naman pala eh– wait what?!" Katie's eyes widened. Muntik nang mabitawan ng babae ang hawak nitong mug. Napatawa nang mahina si Dahlia sa reaksyon nito. "A-alam ba nito na babae ka?" Umiling-iling siya. Mas lalong namilog ang mga mata ni Katie. Hindi lang iyon, nagsimulang pumula rin ang pisngi nito kaya hindi niya mapigilang pagkunutan ng noo. "Oh my gosh..." Katie gasped and covered her mouth. Kumunot ang noo ni Dahlia at pinanliitan ng mga mata ang kaibigan. "Hey, it's not what you think it is," pigil niya sa kaibigan bago pa man ito mag-isip nang kung ano. Katie is a fan of Boy's love. Kaya kinikilig talaga ito sa lalaki at lalaki. Pero hindi naman siya lalaki, babae siya na nagpapanggap lang ng lalaki. "Eh! Huwag kang killjoy Dastan!" She frowned when Katie called her by that name. "Don't call me that! I'm not wearing a wig!" she hissed and showed her friend her long wavy hair na palaging natatakpan ng pekeng buhok. Napanguso si Katie at mukhang magma matigas pa nga. "At isa pa, don't fantasize me and my boss in your damn mind! Hindi ito BL okay? Babae ako at isa pa, panaginip lang iyon no!" "Kahit na! Hindi mo ba alam na karamihan sa ating mga panaginip ay mangyayari sa totoong buhay? Kaya wait mo lang! Mag c-confess din iyang boss mo na interesado sa lalaki! Kiyah!" Tumayo si Katie at tumakbo habang tumitili. Napailing-iling na lang si Dahlia at wala sa oras na napahilot na lang sa kaniyang sumasakit na sentido. Bakit ba kasi niya sinabi sa kaibigan ang panaginip niya? 'Yan tuloy, tiyak na e s-ship siya ng baliw na iyon sa kaniyang boss. "Anyways, what time is it already?" Hinanap ni Dahlia ang kaniyang cellphone at natagpuan iyon sa kaniyang side table. Umupo siya sa edge ng kaniyang kama at binuksan iyon. Muntik nang tumalon ang kaniyang puso palabas sa kaniyang bibig nang makita ang sandamakmak na miscalls doon. "Thirty miscalls... Fifteen messages..." At ang lahat ng iyon ay nanggaling lang sa iisang tao, at ang taong iyon ay walang iba kung hindi ang kaniyang tamad na boss. "What the, ano bang meron ngayon bakit sobrang dami niyang misscalls sa akin?" Binuksan ni Dahlia ang kaniyang todo list at muntik nang lumuwa ang kaniyang mga mata nang makita ang schedule niya ngayong araw. 'Business trip together with lazy boss for a week.' "What took you so long? I've been calling you a hundred times already." Ang nakalukot at masungit na mukha ni Cornelius Vaughn kaagad ang sumalubong sa kaniya pagkarating niya sa kanilang tagpuan. "I-I'm sorry sir… n-napuyat kasi ako kagabi," pagsisinungaling niya. Cornelius sighed heavily. Napamasahe ito sa sentido nito na mas lalong nagpakaba sa kaniya. "You know that this trip is important right?" "Yes sir…" "If you knew, bakit nagpuyat ka pa kagabi kung alam mo naman, Dastan?" Mariin na kinagat ni Dahlia ang kaniyang pang-ibabang labi. Sobrang na d-dismaya dahil mukhang dissapointed si Cornelius sa kaniya. "I'm really sorry, Sir Vaughn. I won't do it again next time," she's really sincere. Kahit na galit siya kay Cornelius dahil sa pagiging tamad ng lalaki, hindi pa rin tama na kalimutan niya ang schedule nila ngayon na napaka importante para sa lalaki. Nagtagal ang mariin na mga tingin ni Cornelius sa kaniya kaya hindi niya mapigilan ang mailang. Dahlia started playing with her fingers out of nervousness. Ilang minutong katahimikan ay sa wakas, nagsalita na rin si Cornelius, "Nevermind, come here." Malakas na kumabog ang puso niya nang suwabeng hawakan ng lalaki ang kaniyang kamay at hilain siya papalapit sa katawan nito. "Don't make me wait for how many hours again, or else I'll do something you wouldn't really like. Got it?" Parang slave na sunod-sunod na tumango si Dahlia. "Y-yes… I promise." Cornelius smirked. Ang paraan ng pag ngisi nito ay kakaiba. Para bang may mali roon na hindi niya maipaliwanag. "Sir–Ah!" She let out a scream when Cornelius pulled her even more closer. Nakahawak ang lalaki sa kaniyang likod. Parang magkayakap na silang dalawa dahil sa sobrang dikit nila. Mas lalong bumilis ang t***k ng kaniyang puso ng bumaba ang ulo ni Cornelius at lumapit sa kaniyang bandang tainga. "Good boy." Hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang sinabi ni Cornelius sa kaniya. Nag e-echo ang boses ng lalaki sa kaniyang tainga. Pakiramdam ni Dahlia ay masisiraan na siya ng bait kapag ito ay nagpatuloy. Dahlia breath out a heavy sigh. Sinamaan niya ng tingin ang kaniyang boss na nasa kaniyang harapan. They're currently inside the man's private jet. Magkahawak silang dalawa na nakaupo. She can't be wrong, all these troublesome things started happening in her life ever since she met this man. Kung ano-anong sakit sa ulo na lang ang dinanas niya dahil sa lalaking 'to. Maging ang kaniyang puso at katawan ay naapektuhan na rin. Hindi niya alam kung ano na ba ang nangyayari sa kaniyang buhay. Gusto ba lang niyang lumayo sa lalaki pero paano mangyayari 'yon kung sobrang lapit naman nilang dalawa? Even though there are still some distance between them, Dahlia felt like they're close. Paano na lang kung magkalapit na ang kanilang mga katawan— "What's wrong? Ayaw mo ba akong makasama sa iisang lugar?" ani ni Cornelius habang nakataas ang isang kilay nito. Natigilan si Dahlia nang mapagtanto na nahuli siya ng kaniyang boss na sinasamaan ito ng tingin. Hilaw na natawa siya. "P-po? That can't be..." "The way you stared at me earlier is different. As if you're going to burn me alive with those stares. Ayaw mo talaga akong makaharap, ha? Dastan?" Nagsimula siyang mag panik nang naging malungkot ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Natataranta na winagayway ni Dahlia ang kaniyang mga palad sa ere. "H-hindi po 'yan totoo–" "Then you like it?" Bago pa man malaman ni Dahlia, lumipat na si Cornelius ng upuan sa kaniyang tabi. She gasped when the man started getting closer to him. "N-no, it's not like I like it, but I don't hate it either..." aniya at nag-iwas ng tingin para hindi magtama ang kanilang mga mukha. 'Bakit nagiging ganito na naman ang lalaking 'to?' Tanong ni Dahlia sa kaniyang isipan. Kulang na lang ay ipikit niya ang kaniyang mga mata para hindi makita ang mukha ni Cornelius. Sobrang gulo ng lalaki at hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang nitong nilalapit ang mukha sa kaniya. Minsan pa nga, kagaya kanina ay hinihila na lang siya nito bigla sa bewang. Para bang... nilalandi siya nito. "Ha, you're such a difficult man," Cornelius spoke with a heavy sigh. Lumayo na ito sa kaniya at umayos ng upo. Ganoon din ang ginawa ni Dahlia. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib at hinaplos-haplos iyon. She felt dizzy because of the emotions inside her heart. Parang nawawala siya sa sarili at nagiging blangko na lang. "D-difficult din naman po kayo..." "Not as difficult as you." Dahlia's whole body turned stiff when she felt Cornelius' head on her shoulders. Nang tingnan niya, nagulat siya nang makita na nakasandal pala ang lalaki sa kaniya at nakapikit ang mga mata. Tinaas ni Dahlia ang kaniyang kamay at hinawakan ang ulo ng lalaki. She opened her mouth and spoke, "Sir Vaughn–" "Stay still. Let me take a rest for a bit." Aangal pa sana si Dahlia pero nang makita kung gaano ka pagod ang ekspresyon ng mukha nito, parang pagong na nag backout siya. She closed her eyes tightly and whispered to herself. Just this once… When they arrived, Dahlia felt so exhausted. Para siyang naglakad ng ilang araw ng walang pahinga dahil sa tindi ng pagod na kaniyang naramdaman. "You look pale," komento ni Cornelius nang alalayan siya ng lalaki bumaba. Pagod na tiningnan niya ang mukha nito. Magkasalubong ang makapal na kilay ng lalaki. "I-I'm naturally pale, sir," she half lied. Totoo naman kasi na maputla siya. Sa sobrang puti ng kaniyang balat, para na tuloy siyang bampira. "Is that so?" anito sa tamad na boses at napairap pa talaga. Ang ekspresyon ng lalaki ay nagsasabi sa kaniya na hindi nito binibili ang kasinungalingan na kaniyang binenta. Pinamulahan siya ng magkabilang pisngi dahil doon. "I-I'm telling the truth–" "Yes, and pigs can fly." Before Dahlia knew it, Cornelius carried her in a bridal style. Namilog ang mga mata ni Dahlia kasabay nang pagbubulungan ng mga tao na nakapaligid sa kanila. "S-sir! P-put me down! I can walk." "You think I don't know that?" sarkastiko na wika nito. "T-then why don't you put me down?" Grabe ang pagpupumiglas na kaniyang ginawa pero sadyang malakas lang talaga si Cornelius at hindi niya magawang makatakas. Kanina pa sila pinagtitinginan ng mga tao rito simula noong dumating sila, pero ngayon ay mas lalo atang hindi sila lulubayan ng mga mata ng mga tao rito dahil sa eksena na kanilang ginagawa. "P-please sir! Nakakaagaw na tayo ng atensyon." She wasn't really the type of person who cares about what others think about her. Pero dahil si Cornelius ang kaniyang kasama, ibang usapan na 'yon. Cornelius' reputation and public image is such a burden. Kung may paparazzi na makakita sa kanila ay baka katapusan niya na. Sobrang dami pa naman ng fangirls nitong kaniyang amo. Maging dalaga o may edad na. Halos lahat ng babae ay nagkakagusto sa lalaking 'to, syempre puwera na lang sa kaniya. She will never ever like a lazy man like Cornelius. Never in her life. "Stop giving a damn, Dastan." "But sir–" "Shut up or I'll spank you here." Automatiko na tumikom ang kaniyang bibig nang marinig ang mga katagang iyon. Just imagining Cornelius spanking her in this crowded place gives her chills and horror! 'Yan na ata ang pinaka huli na gusto niyang mangyari sa kaniyang buhay. "Now you're quiet." Cornelius' voice was so smug she almost wanted to roll her eyes. Nagpatuloy itong maglakad papunta sa hotel na kanilang pag s-stayan ngayong gabi. Nakatingin pa rin ang ibang mga tao sa kanila at nagbubulungan pero medyo nawalan na siya ng pake doon. Sa sobrang daming lalaki na puwede niyang maging amo, bakit sa lalaking ito pa na sobrang tamad at komplikado? She doesn't really understand why he's doing these things. Para bang… pinaparamdam nito sa kaniya na gusto siya nito. Na ang kaniyang panaginip ay totoo. Na gusto nga siya nito… Imbes na sumaya ay mas lalo lamang sumakit ang kaniyang ulo. Pakiramdam niya ay tatanda siya nang maaga dahil sa kaniyang boss. "We've arrived." Napamulat si Dahlia ng kaniyang mga mata nang sabihin iyon ni Cornelius. Nakasampay pa rin siya sa balikat nito at hindi man lang niya napansin na nakarating na pala sila. Dahan-dahan at maingat na binaba siya ng lalaki. "What's wrong?" takang tanong ni Cornelius nang hindi siya nagsalita. Nag-iwas ng tingin si Dahlia sa lalaki at nag kunwari na tumitingin sa paligid. They're inside an unfamiliar luxury room. Malaki iyon pero dahil wala siya sa mood, hindi niya magawang purihin ang silid. Naramdaman niya ang paglapit ng lalaki sa kaniya. "Are you mad?" mahina ang boses na tanong nito. She stayed silent and didn't even bother replying. Galit ba siya? Hindi. Medyo mabigat lang ang kaniyang puso dahil sa ginawa ng lalaki. Paano nito nagagawang kargahin siya ng ganoon sa harap ng maraming tao? Hindi ba 'to natatakot sa mga sasabihin ng mga tao sa ginawa nito? Cornelius kept calling her but she didn't reply. Nag kunwari na wala siyang narinig at trinato na parang hangin ang lalaki. "What aren't you answering?" Ramdam na ramdam niya ang frustration sa boses nito pero wala siyang pakialam. Hanggang sa hindi na siguro napigilan ng lalaki at tinawid na nga nang tuluyan ang kanilang distansya. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at pilit na pinaharap. "What's wrong? Hmm? Tell me, sweetheart so we can talk about it," he uttered softly. Mariin na kinagat ni Dahlia ang kaniyang pang-ibabang labi dahil sa endearment na ginamit ng lalaki sa kaniya. Why the f**k is he calling me sweetheart?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD