SMHES 07
"Thank you doc!" nakangiti kong pasalamat sa doctor ni Ian. Every month ay pumupunta kami sa hospital para sa check-up niya. At ayon sa doctor na si Doc Jonna na maayos naman ang kalagayan ni baby at wala siyang ibang nakita na kakaiba sa anak ko. Pero gaya pa rin sa sinabi niya na pag-alaga sa kanya lalo na sa kanyang condition na kailangan ng pag-iingat.
"Eat tayo? Saan gusto mo?" nakatingin lang ito sa akin at walang reaction ang mukha, iba ang napansin niya at doon siya nakatingin.
Pagkatapos kung ikabit sa kanya ang wrist strap sa kanyang pulsuhan ay kinabit ko na rin ito sa aking pulso. Bumili ako nito dahil suggestions na rin ni Manang Sidra para kung pupunta ako sa mga matao na lugar like hospital or mall na kasama ang anak ko ay kung bigla siyang pumipiglas kapag buhat ko siya ay madali ko siyang makuha kung bigla siyang tumakbo.
Ayoko man siyang isama sa lakad ko minsan o di kaya sa bahay nalang papuntahin ang doctor niya pero ayoko namang ikulong siya palagi sa bahay. Ayokong maramdaman niya na hindi ko siya pinapayagan na lumabas.
Pagkatapos naming magpasalamat at magpaalam sa doctor ay karga ko ang aking anak. Tutok siya sa binigay ng kanyang doctor na laruan na toy car.
"Mama...."
"Hmmm....yes baby?" ngayon lang niya ako pinansin pero hindi naman agad nagsalita kung ano ang gusto.
Sakay ng taxi pumunta kami sa mall para bilhan siya ng laruan o kung ano ang gusto niyang ipabili sa akin. May ipon naman ako para sa mga gusto niya bilhin bukod sa pampagamot at bayad sa inuupahan namin. Malaking tulong talaga sa akin ang restaurant na iyan lalo kung pasko dahil bukod sa sahod at tip ay may bunos pa kaming natatanggap.
"Thank you kuya." wika ko kay manong driver pagkatapos kong magbayad.
"Sukli niyo po ma'am." umiling ako kay kuya at ngumiti.
"Keep the change kuya, thank you po."
"ay hala, thank you ma'am." tumango ako at kinarga na si Ian.
"Thank....yuuuu....ya." lumingon si kuya sa anak ko at ngumiti.
"Thank you din baby, ingat kayo," paalala ni kuya. Sa mundong nakakatakot ay may mga tao pa rin na mabuti ang kalooban. Natutunan ko sa mundo na maging mahinahon at maging matatag dahil hindi naman lahat ng oras ay makatagpo tayo ng mga masasamang tao, marami pa rin ang mabubuti.
"Eat...mama? Eat?" tumatango ako habang nakangiti kay Ian. Gutom na rin ako kaya timing ang punta namin sa mall.
Bukas may pasok na ako kaya ngayon palang ay ilalaan ko ang oras ko sa aking anak.
"Pagheti..."
"Spaghetti? Gusto ko ng spaghetti?"
"Nooo..."
"Noo...ano ang gusto ng baby."
"Gu...gu...ay," mabuti nalang at kahit paano ay madali ko ng masundan ang sinasabi niya kahit putol-putol. "ayy...ay." ulit niya pa.
"Gulay, okay sa maraming gulay tayo pupunta, lutong bahay." naglalambing kong sabi. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi habang buhat-buhat ko si Ian. Napapatingin ang iba sa amin pero nasanay na ako.
"Ashra?" lumingon ako sa tumawag sa akin. Nagulat ako kung sino ang nakita ko. "ikaw nga, ang liit nga naman ng mundo ano?" aniya na may pagkukutya. May kasama rin siya ba isang babae na ganoon din makatingin sa akin, parang anytime ay kaya akong sugurin para awayin.
Isa siya sa kaklase ko noon na mataray sa klase, halos naging kaaway niya at kahit ako ay isinama niya sa galit niya lalo at huli ko nang nabalitaan na may galit siya sa akin dahil nalaman ko na may gusto pala siya sa boyfriend ko at mas lalo ang galit niya sa akin nung malaman niya na kami ng taong gusto niya.
"Marisol?" huwag kang gumawa ng hindi maganda, ayokong ma trigger ang anak ko kapag may away o nagtataasan ng boses baka magpanic siya at iyon ang bagay ba ayokong mangyari.
"Ako nga, anong nangyari sa iyo?" Humahalakhak ito ng tawa kasama ang kanyang kasama. Mabuti nalang at walang pakialaman si Ian at nakatalikod lang ito sa kanila habang karga ko. "Nanay ka na pala at balita ko, hindi kayo ang nagkatuluyan dahil maaga kang nabuntis? Kawawa ka naman." hindi ko pinansin ang sinabi niya, mas nag-alala ako sa anak ko. Ayokong makita niya ang mukha ng anak ko at ano pa ang masabi niyang masasama.
"Iyan lang ba ang sasabihin mo sa akin? Kung wala na, pwede na ba kaming umalis?" nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya, baka kung wala akong hawak na anak ay baka nakatikim na ako ng sampal o sabunot galing sa kanya. Noong inaaway niya si Cha-cha ay nakipag-away din ako sa kanya pero dumating ang ex boyfriend ko kaya kami natigil kaya simula doon, grabe na ang galit niya sa akin.
"Pasalamat ka nasa public tayo, ayokong masira ang imahe ko, don't me baka sa ibang pagkakataon, mangyari ulit ang nangyari sa'yo noon sa mga kamay ko. Tara girl. Ayokong masira ang aking make-up sa hampaslupang babae na ito." gusto ko rin siyang sugurin pero nanatili akong kalmado dahil may hawak ako na bata. Ako lang ang sisirain niya at sabihan ng masasakit na salita dahil kung idamay niya ang anak ko ay baka ano pa ang magawa ko sa babaeng ito kahit nasa mall pa kami at maraming tao.
Umalis din sila kalaunan.
"Ang tindig naman ng galit no'ng babae sa iyo hija?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita, isa itong matandang babae, kitang kita na ang kanyang mapuputing buhok at kukubot na mukha pero makikita pa rin ang kagandahan sa kanyang mukha.
"Kaya nga po kaya pinapasensyahan ko na at ayoko po ng gulo lalo at may anak ako."
"Tama iyan at sa tingin ko alam ko ang sagot. Kung ako niyan ay inaway ko na, saan ba kayo pupunta?" napatigil ako sa tanong niya, ngayon ko lang siya nakilala at natakot ako, nakita niya yata ang pag-alinlangan kong sumagot kaya ngumiti siya.
"Sorry, nabigla ba kita? Hindi rin kita kilala pero I like your personality, don't worry hindi naman ako masama, wala pa akong record na nakulong," pareho kaming natawa sa sinabi niya.
"Boring sa bahay kaya naghahanap ako ng makakausap at dito sa mall ko naisipan na pumunta," ah kaya pala. "Pero kung ayaw niyo akong samahan na kumain ay ayos lang din."
"Lo...la" pareho kaming natigilan ng matandang babae na magsalita ang anak ko at tinawag siya na Lola.