Mad✓ "You know when you're in love when You can't fall asleep because reality is finally better than your dreams. Dr. Seuss" ? Heather's POV "Ouch!" Napangiwi ako nang pahiran ni Daniel ang sugat ko sa tuhod ng alcohol. Habang may hawak naman akong ice pack na nakadikit sa kabilang pisngi ko. Feeling ko namamaga ang kalahating mukha ko. "Buti na lang talaga nakita ko kayo Ma'am." Usal ni Daniel, naka-casual attire lang ito ngayon, hindi tulad ng dati na nagta-trabaho pa sa akin bilang personal driver ay laging nakasuot ng suits. Mas lalo itong naging guwapo ngayon pero walang hihigit kay Myles, s**t! "Just call me Heather." Saad ko rito. Ngumiti naman ito, ang cute ng dimple nito kapag ngumiti. "Heather, sorry talaga nadamay ka pa ha..." Umiiyak na turan ni Nicca. "Wala iyon."