Unexpected guest✓ "It is better to be hated for what you are than to be loved for what you are not. Andre Gide" ? Heather's POV Ilang araw na ang nakakalipas at heto nga hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapansin si Myles at hindi ko iniimikan. Sa kuwarto ako nito natutulog at ito naman ay sa guestroom. Pagkarating nito galing work ay nagkukulong na ako sa kuwarto, bumababa lang ako kapag tinawag na ako ni Linda ang cook ni Myles kapag kakain na. Napatingin ako sa salamin, buti na lang magaling na ang pasa ko sa mukha. Naalala ko ang huling conversation namin, iyong time na umuwi ako na pasa ang mukha. "I love you" narinig kong usal ni Myles na siyang dahilan para sampalin ko ng ubod lakas. Na shocked ito sa ginawa ko, matagal bago nakapagsalita. He stand up and chuckled. "You