ROCELYN ASTRERA POV "Nasa palengke kami ng mama mo, Celyn bigla na lang may humaharurot na kotse palapit sa kanya. Nabangga si Joanna. Pagkatapos tumakas ang sasakyang nakasagasa sa ina mo. Kasalukuyan naming pinahanap ang nakabangga kay Joanna kaya huwag kang mag-alala. Mananagot ang may sala," sabi ni Mrs. Salazar. Hawak niya ang kamay ko habang sinasabi niya ang buong detalye sa pagkasagasa ni mama. Iyak lang ako nang iyak habang nakikinig sa kanya. Kahit gutom ako nawala iyon nang marinig ko ang buong kwento. Simula't sapol planado na talaga ni papa Romulo ang lahat. Umaasa na lang ako na sana mahanap ang nakasagasa kay Mama. Alam kong pakana ito ni papa. Pero ang tanong sino ba talaga ang sindakatu sa likod nito? Sino ang nag-utos sa kanya? Kating-kati na akong magsumbong sa ina