TTPCIAM; Chapter 8

2187 Words
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA “Ito lang ang nakuha kong info, sa bago mong Chef.” Wika ni Charles ang kaibigan ko. “Bakit mo pala ito pina-imbestigahan?” Tanong ni Steve na naka upo pa ito sa gilid ng mesa ko dito sa aking opisina. “Naghihinala lang ako, alam ko nakita ninyo paano ito humawak ng baril. Tanging bisaha lang ang makakagawa ng one hand.” Sagot ko at binuksan ko ang puting folder. And.. “Ciara Savannah Corpuz, 26 years old, graduated in culinary and business administration..” basa ko sa information nito. Hindi ko ito nakita noon sa resume nito noon. “Nag tapos siya ng dalawang course ng sabay sa loob ng apat na taon. Meron din itong plus 2 years sa college dahil sa umiiral na curriculum ng bansa.” Wika ni Charles. “What? Two course sa apat na taon? Buti buhay pa siya?!” Hindi makapaniwala na tanong ni Steve. “Kung nag business ads siya bakit hindi na lang siya nag tayo ng sarili niyang restaurant? O business?” Tanong ko. “Tama ka, yun din ang pinag tataka ko siguro wala lang siyang panahon o puhunan kaya mas ginusto niya muna mag trabaho sa iba?” Tanong naman sa akin ni Steve. “May punto si Steve, kung ako hindi naman ako ang hihinala sa kanya kahit iba ang nakikita ko. Iba na kasi ang panahon ngayon..” sagot ni Charles at pag sang ayon nito kay Steve. “Kung ako tatanungin? Ang astig ng babae na magaling gumamit ng firearm. Hindi ito madali para sa kanila, si Britney nga kapag nag pa putok puro lang tili e, eh siya? God! Ang angas!”naka ngising kwento pa ni Steve sa amin. Binagsak ko na lang ang folder na yun at nag salita. “I just don’t trust her, that it. She not afraid of anything o kahit kay Tito Elrod..” nag salubong ang kilay ko ng maalala ko paano ito tumingin sa mga mata ni Tito Elrod. “Hay naku, ewan ko sayo, kaka-duda mo na ganyan? Hindi na ako magtataka kung isang araw mag resign yun! Kung ayaw mo sa kanya then fire her!” Iritang sagot ni Steve at tumayo na ito. “He’s right, kung ayaw mo sa kanya tanggalin mo na siya, simple lang naman kasi ang problema mo ikaw lang nag papalaki..” huling wika ni Charles at iniwan na ako nito sa loob ng opisina ko. Tama sila, hindi ko alam kung ayaw ko sa babaeng yun o masyado lang akong nag iisip na may mali sa kanya? Muli kong pinanood ang kuha ng cctv sa mansion ng magulang ko. For the meantime dito ito muna titira dahil matatagalan ang chef ng magulang ko. Dito muna rin ako para mabantayan ko ang personal chef ko. May access ako sa CCTV sa mansion kaya alam ko anong ginagawa nito. Doon ko nakita na naka upo lang ito at kumakain ng tingin ko ay fries, at home ito sa bahay ng magulang ko dahil alam ko na gustong gusto siya nito, but napapansin ko din na lumalayo talaga ito. Dumi-distansya ito sa magulang ko o kahit sa amin. Hindi nag tagal nakita ko itong napa talon sa takot at ng makita ko bakit. Hindi ko maiwasan hindi matawa, ang aso ko na Alabai na Kitz lalaki ito isang taon pa lang ito sa akin. “Oh? Ang laki mo naman? Parang mas mataas ka pa ata sakin eh!” Narinig kong wika ng personal chef ko nakita kong bumaba na ito. Nakita ko paano nito kawayan ang aso ko, agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko ang guard na agad naman sumagot. “Kuya! Si Kitz naka wala na kay Chef Corpuz ito!” Utos ko. Nakita ko aman tumakbo na ang guard sa mansion, nang ibalik ko ang tingin ko sa personal chef. Nakita ko itong hinahawakan ang ulo ni Kitz. “Ang laki mo talaga, ano ba kinakain mo? Tao na o malaking baboy?” Pagtatanong nito nakita ko itong ngumiti, doon ko nakita ang maliit na dimple nito. Doon ko napansin ang ganda nito, tama lang ang pagiging mestiza niyo ang mata nito ay dark brown din. “Wag na hayaan niyo na, bantayan niyo lang baka biglang manugod si Kitz..” utos ko at binaba ko na ang tawag. “Kuyang guard? Ang laki niya! Ano po ba pagkain nito? Ano pangalan niya??” narinig kong tanong nito sa guard. “Hindi ko po alam, pero ang pangalan niya ay Kitz.” Sagot ng guard, ngumisi naman ako at pinanood ang bawat kilos ng babaeng ito. “Oh? Ang cool! Hey big man Kitz? I’m Caira call me Savvy.. ay hindi ka pala nagsasalita” pakilala nito sa aso ko, natawa naman ako sa biglang bawi nito sa kanyang sinabi. Kung hindi lang ito may boobie at babae? Sigurado ako na pag iisipan ko ito na lalaki ito. The way she talk hindi babae paano walang class. Umiling na lang ako pinatay ang cctv. “She had no class and rightful etiquette.” Bulong ko. AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Nag lakad ako napansin ko sumusunod sa akin yung aso, i’m not trying to freak out but? Yeah i am now! Kanina pa siya sumusunod sakin, kanina cool kasi mukhang gusto niya ako bilang tao. Pero ngayon? I think bilang pagkain na, “Hija?” Napa lingon ako sa paligid sa nag salita ngunit hindi ko naman makita. “You’re silly lady, sa taas..” kaya naman tumingala ako. “Kayo po pala, Donya Amelia. May ipapaluto po kayo?” Tanong ko dito. Umiling ito at nag salita. “Samahan mo ako mag shopping tayo,” naka ngiti nitong anunsyo. Her word is give me damn founded, trabaho ko pa ba yun? Ang alam ko kasi taga luto lang ako at hindi ako sama sa mga shopping na yan. Nag kamot ako ng ulo hanggang ibuka ko ang bibig ko at nag salita ito agad. “Come on.. bilisan mo gusto ko na umalis..” wika nito at umalis ito sa balcony at pumasok ng kwarto nila. “Aish..naman!” Bulong ko at tumakbo na ako papasok ng mansion, nag tungo ako sa kwarto ko. Yung aso naman hindi ko alam iniwan ko lang siya doon sa likod. Nag bihis agad ako nag jeans lang ako hanggang maplingon ako sa cctv at doon ko nakita nakatutok sa akin ito. Pumasok ako sa bathroom at doon ako nag hubad ng pang itaas ko, it’s fine to me they see my butt, but may boobie or boobs? Baka masapak ko kung sino man ang nasa likod ng cctv naman na yan. I will punch him or her in her f*****g ass! Nag black v-neck lang akong t-shirt at black ripped jeans lang ako. Nag suot ako ng rubber shoes, matapos nito lumabas na ako saktong pababa na si Donya Amelia. Doon ko lang napansin na kasama pala ni Donya ang dalawa pa niyang anak na babae. Yumuko ako ng maka baba sila, “Ready kana? Tara na..” tanong sa akin ni Donta Amelia. Tumango naman ako at sumunod sa kanila. “Hindi na ako nagtataka bakit ka binubully ni Britney kasi walang ka class-class ang suot mo..” narinig kong wika ng isa sa mga anak na babae ni Donya. “Tumigil ka Kayzee, kung ano man ang suotin niya siya ang magdadala nun. Mukha naman siyang komportable sa suot niya!” Suway sa kanila ng ina nila. Imbes na pag tuonan ko sila ng pansin ay hinayaan ko na lang sila. Hanggang maka sakay kami sa sasakyan. Hindi nagtagal umandar na ito, “Paano natuto ang isang ordinaryong chef na humawak at gumamit ng baril? Unless isa ka ding undercover?” Tanong ng isa pang babae hindi ko sila kilala dahil hindi naman sila ipinakilala sa akin. “Ano ba Krystell? Hindi ba talaga kayo marunong rumespe——” hindi na natuloy ng Donya ang sasabihin niya ng mag salita ako. “Para protektahan ang sarili ko, gumastos ako para matuto paano makipag laban sa mga gustong manakit sakin. Dahil para sakin, ayoko mag hihintay ng tulong ng iba iiyak sa sulok sa takot mag hihintay ng prince charming na magligtas.” Sagot ko at tumingin ako sa labas. Narinig ko naman ang pag bulong ng mag kapatid pero hindi ko na lang ito pinansin pa. HINDI NAGTAGAL nakarating na kami, mabuti naman at hindi nila ako pinag buhat. “Hija, bagay sayo itong damit na ito..” napa lingon ako kay Donya Amelia. “Hindi niyo na po ako kailangan bilhan. May mga damit naman po akong magaganda.” Sagot ko napa tingin ito sa akin at parang ine-xamin ang mukha ko. “May mga pambili naman po ako, huwag na po.” Tanggi ko at tumalikod na ako. Lumabas na lang ako women's clothing store na yun. Wala naman dahilan para bilhan ako kung gusto ko ng bago bibili ako dahil may pera naman ako, kaya hindi ko kailangan yun. Napa lingon ako sa paligid ko ng may nararamdaman ako na parang may nanonood sa kilos ko, hindi ko alam kung sa akin ba o sa mga kasama ko. Bago pa ako makapag react nakatanggap ako ng tawag mula kay Bryant. “Bakit?” Tanong ko dito. “Nasa mall ka? Mag ingat ka dahil may naka sunod sa mag iina na yan. Umalis kana!” Bungad nito na kina alerto ko. “Bakit ako aalis? Paano kung saktan sila ako mayayari dito!” Gigil kong sagot dito. “Baka nakakalimutan mo na kapag humawak ka ulit ng normal na baril, baka doon ka nila matunton! Sigurado yan! Hindi ka nag ta-trabaho sa kanila para maging hero! Kaya move your ass and get out of there!” Narinig kong paninigaw ni Bryant. “Pero Bryant! Hindi ko sila basta basta pwede iwan dito na lang ganun, mas lalo mag hihinala sa akin ang mga taong ito! Kung tulungan mo na lang kaya ako?” Tanong ko dito. “Haist! You’re f*****g pain in my ass! Fine!” Mura nito sakin. Natawa naman ako. “Oh well, you’re an asshole!” Tumatawa kong sagot dito. Binaba ko na ang tawag at nilagay ko sa tainga ko ang clear Kong earpiece. Sumilip ako sa loob at nakita ko silang nag babayad na ng kanilang pinamili. Kaya nag desisyon ako na hintayin na lang sila dito sa labas. Kung sino man ang sumusunod sa mga ito, hindi ko alam dahil nakalimutan ko tanungin si Bryant. “Tara na kakain muna tayo tapos uuwi na tayo.” Napa lingon ako sa likod ko ng narinig ko. “Mom? Umuwi na lang tayo please mag order na lang tayo. Ang init gusto ko na talaga umuwi at matulog please?” Pakiusap ni Ma’am Krsytell sa kanyang ina. “Hay. Fine! Sana hindi ko na kayo sinama, mag order na kayo agad..” utos ng kanilang ina. Ako naman ay nahuling mag lakad, lahat kami nag lakad patungo sa escalator. Tahimik lang ako na nakikinig sa banganay ng mag kapatid kung sino ang uupo sa VIP seat sa fashion week sa New York next week. Mayaman nga naman.. NANG MAKARATING KAMI NG PARKING lot sumakay ako sa may malapit sa pinto dahil kapag nag ka gipitan. Madali akong kumilos. “Susunod sila sa inyo, mga Chinese yan na naging ka transaksyon ng anak nila..” wika ni Bryant na kina tigil ko sa pag sara ng pinto. Pero agad din akong naka bawi. Kung ganun ang lalaking nakita ko noong nakaraang gabi? Ay walang iba kundi si Sir Clinton, Steve at Charles? “Mag ingat ka kung mapapa laban ka takpan mo ang mukha mo, kundi kakalat sa buong mafia ang pagmumukha mo!” Pag papaalala nito. Hindi ako sumagot dahil iniisip ko kung paano ako kukuha ng armas. Napa tingin ako sa paligid ng Van na gamit namin. “Anong hinahanap mo hija? May nakalimutan ka ba?” Tanong ni Donya Amelia. Pasagot na ako ng sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko sa may harapan namin. “Kuya patakbuhin mo na! May baril ba kayo?” Utos ko at agad anamn umandar ang van. “Gun?! Sa ibaba. Diyos ko po! Tumawag ka sa kuya mo Krystell!” Utos ni Donya Amelia. “Yumuko lang kayo, kuya wag na wag kang titigil sa pag mamaneho hanggang hindi ko sinasabi..” utos ko at kinuha ko na ang baril sa bag na inabot sa akin ni Ma’am Kayzee at nilagyan ko ito ng bala. Matapos nito, lumingon ako sa likod at naka sunod sila amin. “Mommy! Nakakatakot, ano po ba kailangan nila sa atin?” Tanong ni Kayzee. Agad akong nag hubad ng damit at tinakip ko sa buong mukha ko, mabuti naglagay ako ng body tape sa likod ko para sa aking tattoo ko. Hindi ko sila pinakinggan at inintinde pa, kahit ang sagutin sila hindi ko ginawa dahil nasa bingit sila ng kamatayan kasama ako. Wala pa akong balak magpakamatay kasama sila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD