Humakbang ako ng isang beses upang puntahan sana si Stella at ilayo ito kay Ken pero nanghina na ako, lalo na nong nakita ko kong paano lumapat ang labi nila sa isat isa. Hindi na talaga ako makagalaw! Hindi ko na maalis ang mata ko sa kanila kahit na gusto kong ipikit ang mata ko para hindi ko na sila makita, pero kahit anong gawin ko, meron atang sarili ang mata ko at kong bakit hindi pumipikit. Naghalikan sila! Gumuho ang mundo ko. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang gawin sa akin ni Stella na akala ko tanging si Amara lang ang makagawa. Hindi ko akalain na ang puso kong binuo ni Stella, siya rin ang bumusag. Binuo niya ako! Binuo niya ang puso ko! Hindi ko lang akalain na siya din pala ang babasag ng pinong pino. Mahal ko si Stella. Yes I am inlove with her. I am inlove