"How's ur life hijo?.." biglang tanong sa akin ni tito. Lumingon ako dito saglit pero binalik ko ulit ang mata kay Stella na parang walang narinig dahil nakatitig lamang ito sa pagkain na nasa harapan niya. Bumuntong hininga ako! "Okay lang po tito!.." pilit na ngiting sagot ko. Matagal ko ring hindi nakita si tito lalong lalo na si tita dahil umalis nga ito papunta sa paris, kasama si Ken. Naninikip ang dibdib ko sa mga nalaman ko. Ang dami kong hindi alam. Ang dami kong na missed na inpormasyon. Ang dami kong kailangan alamin. Naninikip ang dibdib ko dahil doon. Sa tuwing nakatingin ako kay Stella para akong ibang naramdaman kundi ang sakit at galit para sa sarili ko. I was irresponsible back then! Alam kong ang daming nagbago. Maraming nagbago base palang sa pagmumukha ni Stella, s